Chapter 3-The Past

274K 4K 82
                                    

Aliya's Point of View

Pinanood ko na lamang siyang papalabas ng kwarto habang walang lingon-likod akong iniwan. Di ko hiniling na magkaganito ako, pagmamahal nya lang, buong-buo na ako. Bakit ngayon nasasaktan ako, dahil sa sakit na hated ng mga sinabi niya ay bumabalik nanaman ang sakit ng nakaraan na pilit kong tinatakasan...

"What's your name?" Tanong ng isang matandang lalaki. Agad kong nilibot ng tingin ang buong paligid at isa itong di pamilyar na silid.

"Aliya po" sagot ko.

"Your full name baby, what's your name?" tanong nito.

"Aliya Ro-Rodrigo?" naguguluhan kong sagot, alam kong may kasunod ang Rodrigo pero di ko lang matandaan.

"Do you remember what happened?" napakunot noo ako sa tanong nito.

"It will be my birthday tomorrow and we were on a yatch going to an Island owned by the Monteverdes, a friend of my Dad, and there's fire and-" di ko na naituloy ang dapat sana'y sasabihin nang biglang sumakit ang ulo ko.

"Take it easy. Don't force your self, if you can't remember what really happened, it's okay. Everything will be okay." Nakangiti ngunit malamlam ang mga matang tinititigan ako. Inalalayan ako ng isang nurse upang mahiga at may itinusok siya sa braso ko at kasunod nun ay dinapuan na ako ng antok.

"Gising, tulog ka ng tulog." Nagising ako sa boses na 'yon habang may kumakalabit sa akin. Bumugad sa akin ang isang gwapong batang lalaki na sa palagay ko'y kaedad ko lamang kaso mas matangkad siya sa akin ng kunti.

"Kain ka na raw, sabi ni Lolo." Kunot-noong tanong nito habang iniaabot sa akin ang tray.

"Ba't ikaw nagpapakain sakin, may nurse naman?" tanong ko habang kinukusot ang mata.

"Masyado ka namang mareklamo. Pasalamat ka nga't gwapo ang nagpapakain sayo." Ngunguso-nguso nitong turan dahilan para matawa ako at pati siya.

"Anak ka ba ng nurse?" wala sa isip kong tanong habang ngumunguya.

"Wala na akong magulang, patay na sila, si Lolo na lang ang kasama ko." Walang kaemo-emosyon nitong turan habang titig na titig sakin.

"Lolo mo pala 'yong matanda. Anong pangalan mo?" Tanong ko dito.

"Cade." Sagot naman nito habang iniaabot ang kamay.

"Aliya. Birthday ko bukas." Nakangiti kong turan.

"Tapos na ang birthday mo." Aniya.

"January 08, diba bukas?" tanong ko.

"January 29 na tayo ngayon." Napamaang ako sa sinabi niya, tatlong lingo na agad ang nakaraan.

"Princess, kakain na." tinatawag na ako ni Don Alberto na ngayo'y tinatawag ko na ring Lolo, mga isang taon na rin ako dito sa Isla na pagmamay-ari ng mga Monteverde, kasalukuyan kasi akong nasa dalampasigan habang hawak hawak ang kwintas na bigay sakin ng aking mga magulang kung saan nakapaloob ang litrato nilang dalawa at sa labas ay sadyang pinaukit ang pangalan ko, regalo nila 'to sakin nung araw na magkahiwalay kami, isang taon na ang nakararaan.

Nakakalungkot isipin na andito ako ngayon sa parehong araw, parehong lugar kung saan nawala ang lahat sa akin, dahil lang sa isang trahedya. Na kung iisipin ko ay isang pangyayaring mahirap takasan, isang mapait na kapalaran na sakin lamang inilaan. Isang trahedyang nangyari man sa maikling panahon ay hinding-hindi ko makakalimutan.

Alam ko na ang lahat, dahan-dahan iyong pinaintindi ng lolo sakin, nung oras na magising ako, tatlong linggo na pala akong walang malay nun. At ang aking mga magulang, wala na. Kung alam ko lang na mangyayari ang trahedyang 'yon ay di na sana ako nagpumilit na pumunta sa Islang 'to. Naaalala ko kung papano kami huling nagyakap at ang mga halik ng pamamaalam sa isa't-isa.

"Mahal na mahal ka ng mommy, Aliya ha, mahal na mahal kita Alonso. Iligtas mo siya, bilisan mo na." ang mga huling salitang 'yon, sa tuwing naaalala ko, parang pinatay na rin ako. Nilangoy ni dad ang baybayin iniwan niya ako sa may malaking bato, na siya namang inuupuan ko ngayon.

"Babalikan ko ang mommy ha. D'yan ka lang, babalikan kita." saka humalik sakin, halik na alam kong may bahid ng pamamaalam, isang pangakong di niya natupad. Kitang-kita ko, narrating ni Dad ang yate at nakuha niya si Mommy, lumalangoy na sila papunta sa kinaroroonan ko nang biglang sumabog.

Tapos nun, wala na, di ko na sila nakita. Kinupkop ako ng butihing Don, si Lolo Alberto Monteverde, itinuring niya akong parang tunay na apo, tinatawag niya akong prinsesa dahil ako raw ang prinsesa nya.

Dahil na rin siguro sa wala siyang apong babae kaya sakin nabuhos halos lahat ng pagmamahal na 'yon, isa na rin siguro sa dahilan ay ang pagiging matalik na magkaibigan nila ng Dad ko, minahal ako ng Don na para niya na ring tunay na apo.

"Aliya! Open the door!" parang hinigop naman ako pabalik sa kasalukuyan nang marinig ang boses na 'yon na sinundan pa ng malalakas na pagkatok. Para na niyang sisirain ang pinto ng kwarto ko.Dali-dali akong tumayo at binuksan ang pinto.

"Bakit?" tanong ko sa kanya, at tama nga ako galit na galit nga ito, sana nga lang di namamaga ang mata ko.

"Lolo is coming." Aniya habang nakapamewang.

"Bumalik ka ba para lang sabihin 'yan?" tanong ko dito.

"Don't you dare to tell lolo about this, kilala mo ko Aliya." pagbabanta nya sakin, habang binabalewala ang tanong ko.

"And-" may sasabihin pa sana siya, naputol lamang iyon nang mag ring ang phone nito. Nakailang ring pa bago niya dinukot sa bulsa ang telepono.

Matapos basahin kung sino ang tumatawag ay tiningnan niya ako saka biglaang nagbago ng ekspresyon, naging maaliwalas agad ang mukha nito, para namang pinilas ang puso ko dahil parang alam ko na kung sino ang tumatawag, kung sino ang dahilan ng mga ngiting yun.

"Ella...yeah. I missed you, di mo sinasagot ang mga tawag ko." Aniya habang nakatingin sa akin. Tama nga ang hinala ko. Si Ella, si Ella nanaman, hanggang ngayo'y siya pa rin talaga. Parang sinasadya niya pa talagang marinig ko, di man lang siya nag-abalang pumasok sa sariling kwarto upang kahit papano nama'y di ko marinig ang paglalandian nila. Napaisip ako, sa kung anong sitwasyon mayroon ako. Nakikilimos ng pagmamahal-- nakakaawa, nakakapangbaba, nakakapanghina ng loob!

Kelan magiging ako, Cadden? 

Being His Unwanted Wife Book 1 (Monteverde Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon