Aliya's Point of View
Isasara ko na sana ang pinto nang biglang sumulpot si Lance at iniharang ang sarili, titig na titig sakin ang mga namumula at malamlam nitong mga mata, wala na ang dugo sa mga labi nito.
"I think we should talk Ae, you should start getting your ring back." Aniya, getting my ring back? Ibig sabihin ba'y magdidate kami? Napatingin ako sa suot niya, white shirt, bright steel blue cashmere trench, tattered black jeans and a white adidas superstar originals ibabagay ko na lang ang susuotin ko sa suot niya.
Kailangan niya ring malaman ang lahat, dahil kaibigan ko siya at isa pa, parte rin siya ng pamilya, "Okay, magbibihis lang ako, Lance." Paalam ko dito.
"Okay, take your time." Nakangiti niyang turan bago ako pumanhik ng hagdan.
"Maupo ka muna." Sigaw ko bago tuluyang makapasok ng kwarto.
Simple lang ang sinuot ko pero bumagay naman, white crop top paired with chic blue silky skater high waist skirt, unbuttoned chambray shirt and a high heeled, glittered royal blue robins with white ombre; a peep toe platform pumps. Inilugay ko lang ang buhok ko saka bumaba. Napatayo si Lance nang makita ako, titig na titig lang siya sakin.
"Masagwa ba?" ngunguso-nguso kong turan.
"No, sobrang ganda mo nga." Aniya habang napapakamot pa sa batok na tila ba'y nahihiya siya.
"You're now in big trouble, Lance. See, you're drooling." Pabiro kong turan saka napabunghalit ng tawa.
Lumapit siya sakin saka ginulo ang buhok ko, "Stop joking, I might take it seriously." Natahimik ako sa sinabi nito. Hinawakan niya ako sa kamay saka hinila papuntang sasakyan.
Pinagbuksan niya ako ng pinto at pinaupo sa shotgun seat, umikot naman siya papuntang driver's seat.
"San tayo?" tanong ko.
"Ako nang bahala." sabi nito nang nakangiti.
Mga ilang minuto rin siyang nag-drive bago namin narating ang isang sikat na hotel.
"Magugustuhan mo dito, for sure." Sabi niya, habang hawak-hawak ako sa kamay. Nabigla ako nang halos lahat ng nakakasalubong namin ay yumuyuko.
"Ganito ba talaga ang service nila dito?" natatakhan kong tanong kay Lance.
"This way, Sir." Napatingin ako sa lalaking sumalubong sa amin at iginiya kami sa isang pribadong silid.
"Mag-uusap lang tayo Lance, dapat ganito na?" kunot noong tanong ko.
"It's normal. I am the owner of this hotel." Napamaang ako sa sinabi nito.
Siya ang unang bumasag ng katahimikan habang hinihintay namin ang iseserve na pagkain.
"Nalilito ako Ae, bakit nasa bahay mo siya, at bakit niya sinasabing bahay niya ang bahay mo?" mapanuri ang mga tingin nito.
"Ae." malungkot na sabi nito habang hinahawakan ang kamay ko nang di ako sumagot... "You must tell me, you can trust me, Ae." Aniya saka hinawakan ang kamay ko
Nagpakawala ako ng malalim na buntonghininga.
"I know Lance." sabi ko, totoo naman alam kong mapagkakatiwalaan ko siya.
"I don't know how to start?" nag-aalangan kong sagot.
"Don't hesitate to tell me everyting, Ae." Malambing niyang turan saka ako ngnitian.
"We're married." maikli kong sagot. Bakas ang pagkabigla sa mukha ni Lance, di ko alam kung tama ang nakikita ko, namumula ang mga mata nito at bakas roon ang matinding kalungkutan. Sakto namang dumating na ang mga pagkain.
BINABASA MO ANG
Being His Unwanted Wife Book 1 (Monteverde Series)
RomanceNagising si Aliya Rodrigo na nawala na sa kanya ang lahat; magulang, kapatid at alaala. Sa madilim na yugto ng buhay niya'y nakilala niya ang lalaking nais niyang makasama habang buhay, si Haze Cadden Monteverde- the second grandson of a corporate...