Aliya's POV
"Pasensya na po Mrs. pero hanggang dito lang po kayo." sabi ng doctor sakin.
"Doc, please gawin niyo po lahat." I pleaded.
Nakita kong ngumiti to, "I assure you that." sabi nito pero ang katagang yon ay di parin sapat para mawala ang lahat ng pangamba na mayroon ako.
"Aly..." rinig kong pagtawag sakin ni Ashley.
I hugged her to console myself from the pain, "this is all my fault!" paninisi ko sa sarili, "shh!, it is not your fault, walang may gusto sa nangyari." sabi nito.
"Hindi eh, kasalanan ko to, gusto niyang makitulog sa bahay pero di ako pumayag..." humahagolgol kong sabi.
"Akala ko ba okay na kayo? Ba't hindi mo pinatuloy?" tanong nito habang pinapaupo ako.
"Nagdadalawang-isip parin kasi ako, sa tuwing tinititigan ko siya naaalala ko nanaman ang ginawa niya noon?" umiiyak kong sagot.
"Bakit Aliya? sa ngayon yon pa ba ang mahalaga? Sa ngayon ikaw pa ba ang dapat na unahin dito at yang nararamdaman mo?, hindi mo ba naisip ang kambal? Kung gaano sila kasabik noon at kung papano sila umiyak kanina nang makita ang kalagayan niya? Aliya, hindi na yon mahalaga, matagal na, oo, marahil nagkamali siya, pero kahit minsan lang ba naisip mong pakinggan ang paliwanag niya?" alam kong tama si Ashley.
Nakita kong nakatulog na ang kambal sa lap ni Lance, naaawa akong pagmasdan sila, hindi pupwedeng lumaki silang walang ama.
"Gusto mong ibili kita ng tubig?" tanong ni Ashley sakin, narinig ko ang tanong niya pero wala akong ganang sagutin siya, maraming tumatakbo sa isip ko, kung ano ba ang dapat at kung sino ang may gawa nito. Naramdaman kong tumayo si Ashley at umalis.
Napabuntong-hininga ako... Sa sobrang pagod ay napapikit na lang ako ng mata.
"A-aliya?" napamulat ako nang marinig ang pagtawag na yon, hindi pamilyar sakin ang boses pero ang mukha nito, hindi lang basta pamilyar kundi kilalang-kilala ko.
"Pwede ka bang makausap?" sabi nito.
"Bakit, luluhod ka? Magmamakaawa at hihingi ng sorry?!" I said in a sarcastic way.
"Gusto ko lang itama yong pagkakamali..." sabi nito.
*pak!*
Isang malakas na sampal ang pinakawalan ko, nakita kong napapikit siya habang sapo-sapo ang pisngi, "I deserve it." malungkot na sabi nito.
"Ngayon magsalita ka na!" singhal ko dito.
"Yong nangyari five years ago, ang nakita mo, hindi yon ang inaakala mo, walang nangyari samin ni Cadden... Binayaran ako ni Ella para gawin yon, kumagat ako kasi kailangan ko ng panggamot sa nanay ko." nagulat ako sa rebelasyon nito.
Hinawakan niya ang kamay ko pero tinabig ko, "hindi mo ba alam kung gaano kalaki ang pinsalang nagawa mo sa pamilya ko?!" naiinis ako, naiinis ako sa sarili ko, ang tanga ko! Ang tanga-tanga ko!
"Alis!" sigaw ko dito, "alis na sabi!" singhal ko dito na siya namang nagmadaling umalis.
Padausdos akong naupo sa sahig, wala ng tigil ang pag-agos ng mga luha, naramdaman ko ang paglapit ni Lance at tinabihan ako, he hugged me dahilan para maiyak ako lalo, "hindi ko siya pinakinggan Lance, ang tanga ko talaga!" sabi ko habang umiiyak.
"Excuse me." napatayo agad ako nang marinig ang pagtawag ng doctor.
"Kumusta na ho doc?, please tell me he's okay." I pleaded.
![](https://img.wattpad.com/cover/20918169-288-k474278.jpg)
BINABASA MO ANG
Being His Unwanted Wife Book 1 (Monteverde Series)
RomanceNagising si Aliya Rodrigo na nawala na sa kanya ang lahat; magulang, kapatid at alaala. Sa madilim na yugto ng buhay niya'y nakilala niya ang lalaking nais niyang makasama habang buhay, si Haze Cadden Monteverde- the second grandson of a corporate...