Chapter-12 Rage

187K 2.5K 28
                                    

Haze Cadden's Point of View

"We'll talk about this, Ae. Do you remember the ring? If you want to get it, date me." What does it mean, what ring? Mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak ko sa manibela, naiinis ako sa ideyang siya pa ang nagloko gayong siya ang nagpumilit pumasok sa buhay ko.

"Augh, that woman!" Napakuyom ako ng kamao nang maalala ang nagawa ko, di ko nagawang kontrolin ang sarili matapos kong malaman kung saan siya galing.

Napatingin ako sa red light hanggang sa natulala ako saka bahagyang kinagat ang kuko sa hinlalaki nang maalala ang anyo niya kanina, matapos lumantad sa harap ko ang kaumbukan nito. Napahilot ako sa sariling sintido, dinedemonyo na ata ako.

Those perfect round breast, my eyes never deceive me, it was as damn perfect as I thought it was. If only that woman knew that she's seducing the devil in me, if only she knew that at that moment I saw her half naked, my inner demon want to claim her right at that moment. Savage!

Natigil lamang ako sa pag-iisip nang magsimula nang umusog ang mga sasakyan sa harap ko. Mas lalo lang akong nainis matapos maalalang si Lance ang kasama niya, they're cheating on me.

"That bastard is showing up something. I know it's Aliya that he's up to, it will not be as easy as you think Howell Lance Monteverde." Kung akala niya'y magiging madali ang lahat, nagkakamali siya. Aliya is my property... yeah, just a property.

"Para ano pa at bumalik ka dito, akala ko ba masaya ka na sa Europe, biglaan naman ata ang pag-uwi mo." Nanliliit ang mga mata kong turan sa sarili.

Natigil ako sa pag-iisip nang mapansin kong nagriring ang telepono, and when I noticed Ella's name flashes on the screen, niloudspeak ko na lang para makapagdrive ako ng maayos.

"Where are you? Kanina pa ako dito sa office mo." halata sa boses nito ang pagkabagot.

"I'm on my way." maikling sagot ko na lang, ayokong makipagtalo sa kanya.

"Okay, I'll wait for you baby." malambing na sabi nito saka pinutol ang linya.

"Tss! Kung di dahil sa kompanya mo, di mo makukuha ang atensyon ko." I smirked. I wondered why Lolo hates her, binalewala ni Lolo ang tagapagmana ng Alzalde Holdings at mas pinili niya pa ang isang babaeng napulot niya lang sa tabing-dagat.

Nakarating na rin ako sa kompanya, matapos kong ipark ang sasakyan, patakbo kong tinungo ang sariling opisina, alam kong naghihintay sakin si Ella at di nga ako nagkamali nakaupo ito sa upuan ko at nakatalikod sa direksyon ko, bakas ang pagkabigla sa mga mata nito nang lumapit ako, agad 'tong lumingkis sa braso ko at akmang hahalikan ako sa labi kaya dali-dali akong nag-iwas ng tingin.

"Sabay tayong mananghalian Haze, mag a-alas dose na, ba't ba kasi ang tagal mo." Nagtatampo tampuhang turan nito kaya niyakap ko na lang siya.

"May inasikaso lang akong problema, I'm sorry." Pag-aalo ko.

"It's okay, tara na." nakangiti nitong sabi saka ako hinila palabas.

Kumakain kami ngayon dito sa pinakamalapit na restaurant, tahimik kaming kumakain nang mag ring ang phone nito, napatigil siya sa pagkain at pati na rin ako, nagmamadali niya itong kinuha saka tiningnan, napatigil siya, bakas sa mukha nito ang pagkabalisa, ilang segundo pang paulit-ulit na nagriring ang telepono kaya ako na lang ang nagsalita.

"Di mo ba sasagutin 'yan?" tanong ko dito saka.

"Ahm, ano kasi...kumakain pa tayo." nauutal niyang turan.

"Baka importante 'yan?" walang gana kong turan.

"Okay, saglit lang ha."nakangiting turan nito saka tumayo at lumayo sakin, kakaiba ang ikinikilos niya pero nagsawalang bahala na lang ako. Isa pa, walang ano mang masasamang balak ang tatalab sa isang tulad ko.

Nagtagis ang mga bagang ko nang maalala ang ginawa niyang pagkukunwari kagabi.

"Damn, that girl. She's making a noise, pinapalabas niyang may ginagawa kami sa kwarto kahit wala naman!" parang nawalan tuloy ako ng ganang kumain.

"Siguradong narinig 'yon ni Aliya kaya siya umalis. Augh! Ano naman ngayon kung narinig niya, 'yon nga ang gusto kong mangyari diba?" ba't ko ba inaalala?

"Do you need anything sir?" napatingala ako sa waiter, marahil ay narinig ako nito. "I need the bill." Sabi ko na lang na agad namang ibinigay nito.

Susubo pa sana ako nang may mahagip ang mata ko, tiimbagang kong binitawan ang mga kubyertos saka nagmadaling lumabas ng restaurant.

Being His Unwanted Wife Book 1 (Monteverde Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon