Aliya's POV
Limang taon na rin ang nakararaan mula nang sumakay ako ng eroplano palayo ng Pilipinas at ngayon pabalik na ulit ako sa lugar na muntik ko ng makalimutan... Sa lugar na walang ibang ibinigay sakin kundi puro pasakit at paghihirap... Kitang-kita ko na ang NAIA sa ibaba napabuntong-hininga ako, unti-unti na namang nagbabalik ang mga ala-ala ko sa kanya, napangiti ako... 'Iba na ako ngayon... Hindi na ako ang dating Aliyang nakilala nila, hindi na ako iiyak dahil mas matapang na ako ngayon.' Minsan man akong nadapa pero nakabangon naman ako at naging mas malakas pa.
Nakalapag na ang eroplanong sinasakyan namin, nakaabang na rin ang sasakyang susundo sa amin. At last, I'm back... para kunin ang lahat ng akin.
Maraming nagbago sa loob ng maraming taon, kinaya ko ang lahat ng wala si Cade ngayon pa ba ako matatakot? Tiniis ko ang lahat ng sakit at nakaya ko yon. Di ko rin naman yon magagawa kung wala sila Lance at Ashley na naging katuwang ko... kahit na sila ay walang ibang nagawa kundi ang mag-away.
"Reid... Reid... Reid wake up." Rinig kong panggigising ni Blaze sa kapatid niya na natutulog, di naman to nagising kaya medyo naiinis na si Blaze.
Hinayaan ko lang to sa ginagawa, "Reid! gising nga!" Sumisigaw na to, parehong nakuha ng kambal ko ang pagiging mainipin sa ama nila.
Yes, I have two sons (Haze Reidden and Blaze Cadden) and they resemble each other, I gave birth to a twin. Nasa dugo na ata namin ang pagkakaroon ng kambal.
"Tsk, you're so annoying Aze!" reklamo ni Reid na nagising sa kakulitan ni Blaze.
Natawa ako kasi alam kong may hihilingin nanaman si Blaze sa kuya niya, Reid used to call Blaze as 'Aze' mas madali raw kasi, nakita kong nakanguso si Blaze habang idinuduyan ang dalawang paa, panigurado nagdadalawang isip to kung sasabihin ba ang gusto.
"Hihingi nga lang ako ng marshmallow mo." Hehe, nakakatawa talaga tong si Blaze.
"Ha? Bakit? Ubos na agad yong iyo?" Salubong ang kilay na tanong ni Reid sa kapatid.
Tumango naman si Blaze saka nag pacute pa, "tss..." ang tanging nasagot ni Reid saka binuksan ang sariling bag nakita kong dumukot to ng isang pack ng marshmallow saka ibinigay kay Blaze.
"Hehe, thank you." sabi ni Blaze habang masayang tinitingnan ang marshmallow.
Di na siya sinagot ni Reid sa halip ay bumalik ito sa pagkakatulog.
Maya-maya lang ginising ulit siya ni Blaze... "Reid... Reeiiid?..." Halos pabulong na ang pagkakasabi nun ni Blaze.
"Again?" Nakasimangot na ang mukha ni Reid.
"Hehe, do you still have a choco-choco." sabi ni Blaze na ang tinutukoy ay ang chocolate drink na paborito nila.
"Tsk." Reklamo ni Reid pero dumukot pa rin nong hinihingi ng kapatid niya.
Dumukot to ng chocolate drink saka nagsalita, "I still have one but I will give it to you, basta magpromise ka na di mo na ako gigisingin ha." sabi nito kay Blaze saka ibinigay.
Nakangiti naman itong tinanggap ni Blaze bago humirit pa ng isa, "promise... Promise, pano yung marshmallow sa bag mo?" Nakapout na tanong ni Blaze, parang alam ko na kung anong ibig sabihin nito.
"Bakit kulang pa ba yan?" Natatakhang tanong ni Reid kay Blaze na ang tinutukoy ay ang ibinigay niyang marshmallow.
Tumango naman si Blaze habang nakangiti... Ang cu-cute talaga ng mga anak ko.
"Tsss, takaw." bulong ni Reid pero sapat lang na marinig ko.
Binigay niya na lahat ng marshmallow kay Blaze, "eh ikaw Reid?... Di ka ba kakain?" sabi ni Blaze habang iniaabot kay Reid ang isang pirasong marshmallow, "hindi na, basta wag mo lang akong gisingin." sagot nito.
BINABASA MO ANG
Being His Unwanted Wife Book 1 (Monteverde Series)
RomanceNagising si Aliya Rodrigo na nawala na sa kanya ang lahat; magulang, kapatid at alaala. Sa madilim na yugto ng buhay niya'y nakilala niya ang lalaking nais niyang makasama habang buhay, si Haze Cadden Monteverde- the second grandson of a corporate...