Aliya's POV
"Wife?" napalingon ako nang tawagin ako nito.
"Hmm?" baling ko dito habang isinasalang ang kalan, nakaupo lang to sa mesa habang inaantay akong matapos sa pagluluto, mas gusto ko kasing ako ang naghahanda ng pagkain niya.
"Are you okay?" halatang nag-aalala to, sa ekspresyon pa lang nito at sa tono ng pananalita.
"Yes?" sagot ko dito, medyo alanganin ako kasi parang naghihina ako.
"Don't answer me with a question wife." sabi nito saka nakita ko siyang ngumiti.
"I'm fine, okay. Bakit ba kasi?" tanong ko dito, pinatay ko na ang stove saka hinain ang niluto ko.
Inilapag ko na to sa mesa, napansin kong panay ang tingin nito sakin, "you look pale, halika nga." pahayag nito bago ako tinawag na lumapit sa kanya.
Tumayo siya saka hinaplos ang likod ko bago sinapo ang noo ko, "I'm worried my wife." malungkot ang boses nito.
"Don't be... I'm fine." I assured him then kissed him on the cheek, "kain na tayo." pang-aanya ko.
Tapos na akong kumain kaya tumayo na ako, napahawak ako sa ulo sabay hawak sa mesa nang makaramdam ng pagkahilo, naramdaman ko ang biglaang paglapit ni Cadden saka ako niyakap.
"What's wrong?!" natatarantang tanong nito.
Di ko na magawang sumagot pa dahil parang babaligtad na ang sikmura ko, napatakip ako sa bibig saka malakas na itinulak si Cadden at patakbong tinungo ang lababo.
Napaluha na ako dahil sa kakasuka.
Napaupo ako dahil sa sobrang sama ng pakiramdam, naramdaman kong binuhat ako ni Cadden at isinakay sa kotse.
**
Cadden's POV
Pabalik-balik lang ako dito, inaantay ang paglabas ng doctor.
"Are you the husband?" napalingon ako nang marinig ang tanong na yon...
"Yes, how is she? How's my wife? Is she okay?" sunod-sunod kong tanong.
Nakita kong ngumiti to, "yes, she's fine. But starting today you must be careful, sa mga susunod na araw ay magiging sensitibo siya, wag kang gagawa ng mga bagay na ikasasama ng loob niya..." marami pa tong sinasabi pero di ko parin maintindihan, iba ang tinatakbo ng isip ko sa mga sinasabi nito.
"Doc, ano ba talaga ang sakit niya?" pagtatanong ko ulit, medyo naiinis na ako dahil pinapatagal pa niya.
Mahina tong tumawa saka nagsalita, "your wife is pregnant Mr. monteverde, congratulation."
"your wife is pregnant Mr. monteverde."
"your wife is pregnant Mr. monteverde."
"your wife is pregnant Mr. monteverde."
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman.
"H-ha?" ang tanging nasabi ko.
Ngumiti to saka ako hinawakan sa balikat, "congratulation, she's pregnant." sabi nito, bahagya pa nitong tinapuk ang balikat ko bago tuluyang umalis.
Tulala pa rin akong nakatayo sa hallway, "hoy! Ano? Tatayo ka na lang ba diyan?!" napalingon ako nang may suminghal sakin, nakita ko ang isang matandang babaeng mataba na naka-wheel chair.
"Ah sorry po." paghingi ko ng paumanhin saka siya pinadaan.
"Pesteng to, ahhsgrt! wfhjskl mahsuwkwjzhyyw!..." di ko na naintindihan pa ang ibang sinabi nito, matatanda tatalaga.
BINABASA MO ANG
Being His Unwanted Wife Book 1 (Monteverde Series)
RomanceNagising si Aliya Rodrigo na nawala na sa kanya ang lahat; magulang, kapatid at alaala. Sa madilim na yugto ng buhay niya'y nakilala niya ang lalaking nais niyang makasama habang buhay, si Haze Cadden Monteverde- the second grandson of a corporate...