Chapter 1-Unrequited

651K 6.4K 320
                                    

Aliya's Point of View

Napayakap ako sa sarili nang maramdaman ang malamig na hangin. Bahagya kong kinusot ang mata nang manlabo ito sanhi ng biglaang paggising. Naagaw agad ang aking atensyon ng nakabukas na pinto at nang puting kurtina na ngayo'y nililipad ng hangin. Napatingin ako sa orasan, lagpas ala-una na pala. Napakamot ako ng ulo dahilan upang mas lalo pang gumulo ang magulo ko nang buhok. Tinungo ko ang pinto upang isara ito.

Mag-iisang taon na mula nang ikasal ako sa lalaking nasa akin ma'y hindi ko maituturing na akin. Bata pa lamang ako'y gusto ko na siya, hanggang sa ang gustong iyon ay naging pagmamahal na, siya ang natatanging lalaking pinangarap kong makasama habang buhay.

Ngunit kung gaano ko siya kamahal ay gayon din ang kanyang pagkamuhi, na tila ba maruming bagay na kinasusuklaman at pinandidirihan niya. Ngunit dahil sa pagmamahal ko sa kanya, kinayakong magtiis, kinaya kong maghintay.

Monteverde? Isang pangalan na matagal nang akin, ngunit di ko magawang gamitin at higit sa lahat ay bawal kong angkinin. Gusto ko itong ipagmayabang, sabihin sa lahat na ako'y kabilang. Gusto kong ipaalam sa lahat na pagmamay-ari na ako ng isang Haze Cadden Monteverde, ngunit isa ito sa mga batas na hindi ko dapat labagin.

Maituturing ang mga Monteverde na isa sa mga pinakamayaman at kilalang pangalan. Ngunit ang naging kasal namin ay hindi katulad sa karamihan. Walang bahid ng karangyaan. Isang kasalang di papangarapin nino man, isang kasal na kami lang ang may alam. Kasal na iginapos ng tinta't papel, hindi ng pagmamahalan.

Dahil ayaw niya, ayaw niyang malaman ng mundo, dahil hindi niya ako gusto. Para sa kanya, isa lamang ako sa mga kasangkapan ng kanyang lolo upang maitali siya at para sa kanya, isa lamang ako sa mga babaeng nananamantala ng pagkakataon.

Marahil nga'y tama siya, pinagsamantalahan ko ang pagkakataong maitali sa kanya, ngunit lahat ng iyon, ay dahil sa mahal na mahal ko siya. At dahil nga sa pagmamahal na iyon ay malaya niyang nagagawa ang mga gusto niya na ayaw ko. Ang pagmamahal rin na iyon ang dahilan kung ba't ako pumayag na ilihim ang kasal at manatili sa pangalang Aliya Rodrigo.

Muli kong nilingon ang orasan at napansin kong mag aalas-dos na pala, nakatulugan ko na kanina ang paghihintay ngunit hanggang ngayo'y wala pa rin siya. Napatingala ako sa itaas nang malaglag sa akin ang tuyong dahon ng Adelfa.

Marahil ay nilipad lamang ito ng hangin sapagkat malayo-layo rin ang kinaroonan nito. Muli kong niyakap ang sarili nang umihip ang hangin, nasa labas na pala ako. Tumingala ako sa langit.

"Uulan pa ata't walang mga bituin. Sayang naman at hindi ako makakahiling." Bigla akong natigilan sa isiping 'yon, sapat na nga ba ang magdasal at maniwala sa mga hiling na kayang tuparin ng bawat bituin. Kung iyon nga'y sapat na, bakit magpasahanggang ngayo'y... Dali-dali kong binura ang isiping 'yon, ba't ba tila'y sumusuko na ako sa asawa ko? Napailing na lang ako.

"Mali 'to Aliya, kung ano-ano nang pumapasok sa isip mo dahil di pa siya umuuwi. Maaari ngang natatagalan siyang umuwi at kung minsan ay hindi na. Maaari ngang ginagabi o inuumaga siya. At least, umuuwi pa rin siya. Alam mong may dahilan siya maliban sa ayaw ka niyang makita. Alam mong malaking responsibilidad ang nakaatang sa mga balikat niya bilang tagapagmana. At bilang asawa, iintindihin mo siya." Mapakla akong napangiti habang parang tangang kinakausap ang sarili.

Tumuloy na ako at isinara ang pinto. Tinungo ko ang kusina, napatingin ako sa malalamig na pagkain na inihain ko kagabi. Ilang beses na bang nasasayang ang mga pagkaing inihahain ko? Ilang beses na ba akong kumain mag-isa? Ilang beses na ba akong di nakakain sa kahihintay sa kanya? Ilang beses na ba akong umasa na makakasabay siya sa mesa na 'to? Ilang beses na ba akong lumuha mag-isa? Ilang beses na ba akong nasaktan at umiyak nang dahil sa kanya? Ilang beses na nga ba?

Being His Unwanted Wife Book 1 (Monteverde Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon