Chapter 6-Tears in the Rain

236K 3.4K 226
                                    

Aliya's Point of View

"Cadden, kumain ka muna." Pang-aalok ko, bakasakaling paunlakan niya't makisalo sa akin.

"I'm done." malamig nitong turan.

"Ano kasi, naghanda ako, marami 'yon eh..." dagdag ko pa.

"Then throw it away." Napaigtad ako sa biglaang pagtaas nito ng boses.

"Pero, para sa atin 'yon, nakalimutan mo lang siguro ang araw na 'to." Pinipilit kong ngumiti kahit na ang totooy, durog na durog ako sa loob.

"I don't care!" kinagat ko na lamang ang pang-ibabang labi upang magpigil. Nginisihan ako ni Ella habang mas humihigpit pa ang kapit nito sa braso ni Cade. Hawak-hawak pa rin nito ang bouquet ng bulaklak. Nakita kong bumitiw siya kaya naiwan siya, at nauna si Cade.

Lumapit 'to sakin at inabot ang bulaklak.

"Konswelo." Nakangiting turan nito saka mahinang inihampas sa akin ang bouquet.

"Total, umasa ka anamng para sayo 'yan." Dagdag pa nito. Patakbo nitong tinahak ang hagdan at sinundan si Cade.

Alam kong mali ang sundan sila, dahil alam kong masasaktan lamang ako, pero alam kong mas mali ang gagawin nila. Huling pumasok si Ella, at alam kong sinadya niyang bigyan ng siwang ang pinto.

Sa bawat hakbang na gagawin ko'y parang pabigat ng pabigat ang mga 'to, para akong hinihila pababa. May parte ng utak ko na nagsasabing wag sumunod at may parte rin na nagsasabing, kailangan kong malaman ang totoo, at ang parteng 'yon nga ang nanaig.

Mula sa siwang ng pinto ay nakita kong nakayakap si Ella mula sa likuran ni Cade habang hawak-hawak ng huli ang mga kamay nito, agad akong nagtago nang muntikan nang magawi ang mga paningin ni Cade sa pinto.

Naaawa ako sa sarili ko, hanggang sa namalayan ko na lang na umiiyak na pala ako. Itinakip ko na lamang ang kanang kamay sa bibig upang di makalikha ng ingay. Pinanghihinaan ako ng loob, ganito pala ang pakiramdam ng pinagtatataksilan.

Ito ba ang sinasabi niyang magdurusa ako? Kung ito nga, nagawa niya, nagdurusa nga ako. Inabot ko na ang door knob saka dahan-dahang ipininid ang pinto. Ayoko ng malaman kung ano pa ang susunod na mangyayari.

Bumaba ako at pasalampak na naupo sa sofa, ayokong manatili dun, masasaktan lang ako. Maginaw dito sa sala dahil na rin siguro sa umuulan sa labas, ayoko rin namang pumasok sa kwarto ko dahil sigurado akong maririnig ko sila.

"Uhh, deeper Cade. Faster..." pinanlakihan ako ng mata nang marinig ang mga ungol at hiyaw na 'yon habang may paminsan-minsang kalabog at may kung anong nahulog. Mali pa rin pala ang ideyang dito ako tumambay, naririnig ko kababaoyang pinaggagagawa nila.

"Hanggang kailan ako kakapit sa pag-asang mamahalin mo pa ako Cade, hanggang kelan?" napahagulhol na ako ng iyak, parang ang sarap magwala, parang gusto kong manumbat gusto kong manakit ng tao, gusto kong tumakas sa lahat ng 'to...tumakas? Tama tatakas ako, ayoko muna dito, pero papano, malakas ang ulan at wala akong sasakyan.

"Bahala na." matapang kong turan bago lumusong sa malakas na ulan.

Napakalakas ng buhos ng ulan, basang-basa na rin ako, kasalukuyan kong binabagtas ang kahabaan ng daan, malayo na ako sa bahay namin, pero wala naman akong siguradong destinasyon, naisip kong kay Ashley na muna ako makikitulog, manghihiram na lang din ako ng damit sa kanya.

Naisip ko lang, maganda rin pala dito, ako lang mag-isa, maliban sa walang nakakakita sayo ay naitatago ng ulan ang bawat sakit at luha, mga luhang di ko alam kung kelan pa titigil. Maswerte ako't nakikiayon ang panahon sa nararamdman ko, dahil kung gaano kalakas ang ulan ay ganoon rin kasakit ang nararamdamn ko.

Nagsisimula na akong ginawin, di ko na rin maaninag ang daan dahil sa lakas ng ulan. Madilin at tahimik ang daan, ni isang sasakyan ay wala akong makikita. Sumasakit na ang ulo ko, di ko alam kung ano ang dahilan.

Nagsisimula na akong manghina habang para namang mabibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit. Lumalabo na rin ang paningin ko, di ako sigurado kung sadyang malabo lang ang daan o malabo na talaga ang paningin ko.

Parang umiikot ang paligid, para akong mahihilo. Tumigil muna ako sa paglalakad at pilit iniinda ang sakit. Nasa ganoon akong sitwasyon nang may malakas na busina akong narinig, di ko maaninag ang bagay na 'yon, dahil na rin sa nakasisilaw nitong liwanag.

Nawala ang liwanag, tumahimik ang paligid, wala akong ibang nakikita kundi ang nakakabulag na karimlan, at tanging ang nagmamadaling yabag lamang ang naririnig ko.

Being His Unwanted Wife Book 1 (Monteverde Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon