Aliya's POV
"Aalis na ako Cade." paalam ko kay Cade, papasok na ako sa klase, mga ilang araw rin akong absent dahil sa mga kalokohan niya.
Pangatlong araw na ngayon mula ng makabalik kami dito sa bahay.
"Ihahatid na kita." sabi nito.
"Wag na, kaya ko naman." sabi ko, habang patuloy pa rin sa pamumulot ng libro.
"No, I insist!" sabi nito saka inagaw ang mga dala ko.
Wala na akong nagawa, sinunod ko na lang to.
"Thank you." biglang sabi nito nang makasakay na ako.
"For what?" tanong ko.
"For everything, thank you dahil hinayaan mo kong ihatid ka, thank you for giving me a second chance... Thank you for loving me, wife." litanya nito na ikinatahimik ko.
"Susunduin kita mamaya." biglang sabi nito na ikinagulat ko.
"No, wag na, ako na lang." pagtutol ko.
"Bakit? May sasakyan ka ba? Ayaw mo naman sigurong mag commute diba?..." nakangiting turan nito.
"...isa pa, isa ako sa mga judges sa iheheld nyong University day." dugtong nito.
"Isa ka sa mga Judges?" nagulat kong tanong.
"Yup, our company is the main sponsor, nakalimutan mo ba, atin ang school na yan." sabi nito ng nakangiti.
"Sige, sasabay na lang ako sayo pauwi." sabi ko na lang, napaigtad ako nang hinawakan niya ang kamay ko gamit ang isa niyang kamay habang ang isa naman ay nakahawak pa rin sa manebela.
Tahimik lang kami hanggang sa mabasag ang katahimikan nang magsalita ako.
"Dito na lang Cade." sabi ko nang makarating na sa gate ng eskwelahan.
"Ihahatid kita sa loob." mungkahi nito.
"Wag na, okay na ako Cade." ako.
"Okay." sabi nito.
Kinuha ko na ang mga gamit ko at binuksan ang pinto.
"Cade... Open the door." sabi ko nang mapansing naka automatic lock pala ang pinto.
Tinititigan niya lang ako habang kinakagat ang pang-ibabang labi.
"In one condition..." sabi nito.
"Ano nanaman ba to Cade?" reklamo ko.
"Ayaw mo? Malelate ka na." pananakot nito.
"Ahrg!, sige ano?!" ako.
"Kiss me, wife." sabi nito ng nakangiti.
"What?! Cade, baka may makakita." reklamo ko.
"Eh ano naman ngayon, mag-asawa tayo diba?" sabi nito.
"Cade naman eh." ako.
"Malelate ka na." siya.
"Okay!" pagsuko ko.
Inilapit ko ang mukha ko sa kanya, smack lang sana, pero hinablot niya ang ulo ko at mas idiniin pa lalo, di na ako nakaiwas, mga ilang segundo rin kami nanatiling ganun, habol hininga kami pareho ng magbitaw.
I tried to open the door pero ayaw pa rin.
"Cade!" sigaw ko.
"One more." sabi nito.
BINABASA MO ANG
Being His Unwanted Wife Book 1 (Monteverde Series)
RomanceNagising si Aliya Rodrigo na nawala na sa kanya ang lahat; magulang, kapatid at alaala. Sa madilim na yugto ng buhay niya'y nakilala niya ang lalaking nais niyang makasama habang buhay, si Haze Cadden Monteverde- the second grandson of a corporate...