Aliya's Point of View
Lagpas alas-syete na nang makauwi ako, sarado ang bahay, ibig sabihi'y di pa nakakauwi si Cadden. Unang taon ng pagiging mag-asawa naming at alam kong imposibleng yayain niya akong kumain sa labas kaya ako na lamang ang maghahanda.
Naihanda ko na lahat ngunit wala pa rin siya, napatingin ako sa oras, mag-aalas onse na pala ng gabi. Natutukso na akong kumain, gutom na gutom na talaga ako. Mawawalang saysay ang lahat ng hinanda ko kung di siya dadating.
"Please, dumating ka." Paulit-ulit kong dasal. Sakto namang narinig ko ang pag park nito sa labas, abot-abot ang saya ko dahil andyan na siya, halos takbuhin ko na ang sala mula kusina.
Sumilip ako sa bintana at siya nga. Bumaba 'to ng kotse habang may dala-dalang malaking bouquet ng bulaklak, pinatong nito ang bouquet sa ibabaw ng sasakyan, maganda ang mga bulaklak na 'yon... magandang-maganda, ngumingiti pa siya habang tinitingnan ang bulaklak saka umikot sa likod na bahagi ng sasakyan at may kinuha, mga paper bags.
Naiiyak ako sa nakikita ko, masaya akong naalala niya ang araw na 'to, at ang mga ngiting 'yon, para akong lumulutang. Di ko maiwasang isipin na sana, ito na ang simula ng pagbabago niya.
Nasa kalagitnaan ako ng pagsasaya nang maalala kong kelangan ko pa palang mag retouch, dapat maganda ako pag kaharap ko siya, kaya dali-dali akong umakyat sa kwarto at nag ayos.
Tiningnan ko ang sarili sa salamin, I'm wearing a deep blue dress , long brown straight hair, no lipstick, a lipgloss will do.
Napaisip ako, di naman kailangang mag-effort si Cadden, makasabay lang siyang kumain sapat na sakin. Pero ang nakita ko kanina, sobra-sobra na 'yon, di ko talaga inaasahan na magiging ganito ang araw na 'to.
Dali-dali na akong bumaba at tinungo ang pinto upang pagbuksan siya, siguradong magugulat siya kapag nakita niyang naghanda ako.
Gusto kong surpresahin siya pero kabaliktaran ang nangyari, ako ang nasurpresa niya. I saw him, I saw Cadden cuddling another woman, nakatalikod siya mula sa kinaroroonan ko habang ang babaeng kayakap niya ay nakasandal sa sasakyan, they were hugging each other tightly.
Para atang mawawalan ako ng lakas kaya kumapit ako sa pintuan, nanghihina ang mga tuhod ko, ito ang unang pagkakataong may dinalang babae si Cadden sa bahay namin.
Napansin ako ng babae, napatingin pa nga ito sa direksyon ko, parang namumukhaan ko siya, parang nagkita na kami, di ko lang alam kung saan at kelan.
Umaasa akong bibitiw ang babae mula sa pagkakayakap niya kay Cadden kasi nakita niya ako, pero hindi. May ipinapahiwatig ang mga tingin niya sakin, ang babae ang unang lumayo.
"Do you love me Cadden?" rinig kong tanong nito sa asawa ko, saka ako tinitigan na para bang nang-iinis.
"Please Cadden... Please say 'no'." bulong ko, kahit alam ko namang imposibleng marinig niya 'yon. Matagal pa bago sumagot si Cadden, nakita kong kinabig niya ang kamay nito palapit sa kanya.
"Stop asking, you already know the answer, Ella." di ko na marinig ang iba niya pang sinabi. Ella, sapat na ang pangalang 'yon para yanigin ang buo kong pagkatao.
She's back! She's going to take him away from me. Natatakot ako.
"I love you, Cadden." Sabi nito saka niyapos ang asawa ko na ginantihan naman ng huli. Unang bumitiw si Cade saka akmang papasok sa loob, bahagya siyang natigilan nang makita ako, pero walang mababakas na pagkabigla sa mukha nito. Una akong nag-iwas ng tingin dahil pakiramdam ko'y maiiyak na ako.
"Let's go to your room, Cade." Maarteng turan ni Ella saka lumingkis pa sa braso ng asawa ko habang sumisilay ang isang mapanudyong ngiti.
Biglang uminit ang gilid ng mga mata ko nang marinig ang sinabi niya, ibig sabihi'y dadalhin niya nag babaeng 'yon sa kwarto niya? Bago pa nila ako nilagpasan ay tinapunan ako ng tingin ni Ella, mapang-uyam at puno ng pagbabanta.
Mapakla akong napangiti, mali pala lahat ng akala ko, hindi pala para sakin ang mga 'yon. Ang mga bulaklak, those gifts, ang ngiti niya kanina habang tinitingnan ang mga bulaklak, hindi pala ako ang dahilan, those were not mine.
Ang sakit lang, ang tanga-tanga ko, pero ba't ganito, ba't di nababawasan ang pagmamahal ko sa kanya? Nagpipigil ako na di makapagsalita ng masama.
'Winning a war was difficult indeed. Especially when you're the only one fighting.'
BINABASA MO ANG
Being His Unwanted Wife Book 1 (Monteverde Series)
RomanceNagising si Aliya Rodrigo na nawala na sa kanya ang lahat; magulang, kapatid at alaala. Sa madilim na yugto ng buhay niya'y nakilala niya ang lalaking nais niyang makasama habang buhay, si Haze Cadden Monteverde- the second grandson of a corporate...