Chapter-41 Greed

218K 2.9K 343
                                    

Aliya's POV

"Bye..." I said as I kissed him on the lips, "i love you, wife." he whispered then he hugged me, he kissed me again but this time on my forehead.

I chuckled, "why?" natatakhang tanong nito.

"Malelate ka na." sabi ko dito, "baka nakakalimutan mo? Atin ang kompanya?" mayabang na sabi nito.

"Ang yabang mo talaga." sabi ko dito saka siya mahinang pinalo.

"Mahal mo naman." he smiled then hugged me again.

I laugh then hugged him back, "sige na malelate ka na." sabi ko ulit saka siya bahagyang tinulak.

"Sons?" pagtawag nito sa kambal na agad namang humalik sa pisngi ko, isasama kasi sila ni Cade sa kumpanya.

"Yaya Marta, pakialagaang mabuti ha." pakiusap ko sa yaya ng kambal.

"Yes ma'am." sagot naman nito.

"Babies, laging susunod sa yaya Marta ha, wag magpapasaway." sabi ko dito saka to hinalikan at niyakap.

Nakaalis na ang sasakyan nila Cade, mga tatlong araw na rin ang nakararaan mula nang makalabas si Cadden sa ospital, hindi muna ako papasok ngayon dahil marami akong aayusin para sa kaarawan ng kambal namin sa susunod na linggo.

"Ashley..." pagtawag ko sa kapatid ko.

"Saglit lang, tatapusin ko lang to." sigaw nito habang tinatapos ang pagkain, mahilig kumain si Ashley pero hindi naman to tumataba, sa kanya nga ata nahawa ang kambal.

"Aalis pala ako ngayon Aly, kailangan kong kausapin yong magki-cater sa party ng mga pamangkin ko." sabi nito.

"Yan nga rin ang sasabihin ko sana." sagot ko dito.

Cadden's POV

Kasama ko ang kambal ngayon sa opisina, dinala ko sila dito para hindi nila malaman ang surprise namin para sa kanila, "Daddy... namimiss ko na po ang mommy." sabi ni Blaze habang nakanguso.

"Ako rin po." reklamo rin ni Reid.

"Gusto niyo na bang umuwi?" tanong ko dito, "Hindi rin po?" they both say while shaking their heads.

"Why?" natatakhang tanong ko rin dito.

"Pag-umuwi po kami, ikaw nanaman po ang mamimiss namin." sagot ni Reid.

Napangiti ako sa sobrang kalambingan ng mga anak ko.

"Mga apo." napalingon kami pareho nang marinig ang boses na yon.

"Papa lolo..." sigaw ng kambal ko saka lumapit sa kanya at yumakap, napakunot ang noo ko sa uri ng tawag nila dito. Hindi na ako nagtataka kung malapit ang loob ng kambal sa kanya, dahil siya ang nandun sa mga panahong wala ako.

"Yaya Marta..." pagtawag ko sa tagabantay ng kambal ko, agad naman tong tumalima, "sir?" sabi nito na nag-aabang ng utos ko.

"Iuwi niyo na ang kambal ko, sabihan mo si Max na wag ng pupunta kung saan-saan... Dito(I said while pointing the floor) hanggang bahay lang, wag na kayong titigil kung saan-saan." bilin ko dito.

"Yes sir." sagot naman nito, saka dinala na ang mga bata.

**

"Kumusta, apo?" tanong nito sakin nang makaalis na ang mga bata.

"Maayos naman po." sagot ko dito.

"I have to discuss a certain issue regarding your family's safety, Haze." sabi nito, napakunot ang noo ko, ano kaya ang tungkol dun.

Being His Unwanted Wife Book 1 (Monteverde Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon