Chapter 7-Howell Lance

238K 3.1K 114
                                    

Howell Lance's Point of View

Lagpas alas onse na pero titig na titig pa rin ako sa kisame, dapat sana'y tulog na tulog na ako ngayon dahil kagagaling ko pa ng Europe.

Nagawa ko na lahat-lahat pero di talaga ako makatulog at dahil 'yon sa kanya. Dahil kay Aliya, di ko talaga inaasahang sa ganoong pagkakataon kami magkikita.

Nakilala ko si Aliya nung mapadpad siya sa Isla naming. Naging malapit kami sa isa't-isa, kahit alam na alam kong ang pinsan ko ang gusto niya, minahal ko pa rin siya. Kaya labis akong natuwa nung nag-aral si Cadden sa labas, sa pag aakalang masosolo ko na siya, pero ika nga, di lahat ng akala ay tama, kahit wala na si Cadden ito pa rin ang hinahanap niya.

Pero kahit ganun, masaya na rin ako, dahil mas naging malapit kami sa isa't-isa 'yon nga lang, sabi nga nila, sa buhay walang pernamente, pinaglayo kami ng panahon, kailangan kong bumalik sa Europa para dun mag aral, nang mga panahong yon di ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot, dahil umiyak si Aliya sa ideyang iiwan ko na raw siya.

Kaya nang dumating ako dito sa Pilipinas, siya agad ang naisip ko. Sakto namang nakita ko siyang nagpapark ng sasakyan nung nasa parking lot ako ng mall. Di ko na itinuloy ang pamimili, inabangan ko na lamang ang pag-uwi niya. Hanggang sa makaisip ako ng kalokohan.

"Jeez, that woman! Di niya ako nakilala, ni di niya man lang tinanong ang pangalan ko." Natatawa kong turan habang nanggigigil na nilamukos ang unan.

Parang wala sa sarili akong naupo sa kama habang inis na ginugulo ang buhok.

"Ikaw? Ba't ang angas mo, kasi gwapo ka? Gwapo rin naman ako ah. Augh, masyado kang pa hard to get kay Aliya, aagawin ko siya sayo, kala mo ha!" inis kong kinagat ang pang-ibabang labi habang kinakausap ang unan na isinandal ko sa pader at pinaglabasan ng sama ng loob.

Matagal ko 'tong tinitigan hanggang sa nakikita ko na ang mukha ng pinsan ko sa unan na 'yon, di na ako nakatiis ay sumampa na ako sa unan at sinakal 'to. Natigil lamang ako nang mapagtantong isang inosenteng unan ang naging biktima ko.

Bumalik ako sa pagkakahiga, natawa ako sa ginawa ko. Bigla naman akong napangiti nang maalala ulit ang mukha ni Aliya kanina.

Tuwid at mahabang buhok, ang malatsokolateng mata nito na kasing kulay ng buhok niya, ang maninipis at natural na mapulang labi, makinis na mukha at matangos na ilong, ano pa bang hinahanap ni Cade?

"Wasting is that bastards hobby, huh." Nasabi ko na lang.

Napahawak ako sa tiyan nang bigla itong kumalam, di pala ako nakakain kanina. Sobrang nagugutom na talaga ako, kaya bago pa ako dito manigas at mamatay sa sobrang gutom, tumayo na ako at kinuha ang susi ng kotse, paglabas ko, saka ko pa lang napansin na umuulan pala, sa lakas ng ulan ay parang ayaw ko nang umalis, pero dahil sa gutom na gutom ako ay magda-drive-through na lang ako sa Jollibee.

Sa lakas ng ulan ay halos di ko na makita ang daan, papauwi na ako nang may mapansin akong figure ng isang babae, napa preno ako bigla-bigla. Nakita kong bumagsak ang baabe pero sigurado akong di ko siya nabundol.

Dali-dali akong bumaba dahil basang basa ito, naaawa ako, at the same time nagulat ako nang mapansin kong mainit na mainit ito, pero ang mas nagpagulat sakin ay nang makita ko ang mukha nito, it's Aliya.

Maraming mga katanungang tumatakbo sa utak ko pero mas kailangan niyang magamot muna.

Tinawagan ko si manang, alalay namin mula pa noon, siya rin ang naglilinis ng bahay ko thrice a week nung nasa Europe pa ako. Si manang na ang magbibihis sa kanya, nakabili na rin ako ng mga kakailanganin ko at mga gamot para sa kanya.

Being His Unwanted Wife Book 1 (Monteverde Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon