Chapter-37 Monteverde's way

221K 3.2K 172
                                    

Aliya's POV

Tulala akong nakaharap sa malaking salamin ng kwarto. Parang mali pa ata ang pagbabalik ko, pero kailangan... My family has part on this at tanging kami lang ni Ashley ang tagapagmana... Bahala na, ang tanging masasabi ko sa ngayon.

Sumakay na ako sa sariling kotse papuntang kompanya, My first day of work or my first day in hell.

I fixed myself before I entered. "Good morning, Ms. Alzalde." bati ng mga nadadaanan ko, "good morning." sagot ko.

"Good morning ma'am." bati sakin ni Dane na agad ko namang tinugon, "good morning Dane... San ba ang magiging opisina ko." tanong ko dito, agad niya naman akong iginiya sa isang silid, "salamat." nakangiti kong sabi dito saka pumasok.

Napatigil ako nang makita ang loob ng opisina. Magkatabi ang opisina ko at opisina ni Cadden at Glass wall lang ang naghahati sa dalawang opisina kaya kitang-kita ko siya.

Inaantay ko kung ano ang magiging reaction niya pero wala. Nagtataka ako sa ikinikilos nito, ni hindi niya ako magawang lingunin...

Parang nainis naman ako sa sarili ko dahil bakit ko ba hinihintay na tingnan niya ako, bumuntong hininga muna ako saka umupo sa sariling upuan.

Nakita ko tong may dina-dial sa sariling cell phone at may kinakausap... Nakita ko tong ngumingiti habang may kinakausap, naiinis ako sa nakikita ko, mukhang masaya siya sa kinakausap niya, pilit kong kinakapa ang tamang salita para sa nararamdaman ko, selos?!.. No! I don't even give a damn!

Nakita ko tong ibinaba ang cell phone saka inilagay sa bulsa, ngumiti pa to bago lumabas.

Sa palagay ko ay makikipagkita to sa tinawagan niya.

Hindi ko alam kung anong nagtulak sakin na tumayo para lumabas, gusto kong makita kung kanino siya makikipagkita.

Abot-abot ang kaba ko nang pagbukas ko ng pinto ay ang gwapong mukha agad nito ang bumungad sakin.

"What's with that face?... You look... Jealous?" he chuckled as he said those words na para bang nahuhulaan ang nararamdaman ko.

"I am not." pagtanggi ko to defend myself...

Ngumiti pa to at bahagya pang umismid na para bang hindi naniniwala sa sinasabi ko.

"What are you doing here, Mr. Monteverde." casual kong sabi as a diversion.

"Seeing my jealous wife, Mrs. Monteverde." he said while smirking.

"Wala akong panahon sa mga biro mo, Cade." sabi ko dito.

"E sakin, baka may panahon ka?" natigilan ako sa sinabi nito.

"What do you want?" walang ganang tanong ko dito.

"You and our sons." seryosong sabi nito.

Mapakla akong napatawa, "di ko ipagkakait ang kambal sayo, pero tayo?, sa tingin ko di na maaayos pa." sagot ko dito, saka tinalikuran siya.

"Pano na tayo?" sabi nito, habang hinila ako paharap sa kanya.

Titig na titig ako sa mga singkit nitong mata, "Tayo? Baka nakakalimutan mo ang sinabi mo noon Cadden, 'walang tayo'." sabi ko na isinasampal sa kanya ang mga sinabi niya noon.

"Hindi, aayusin ko to, maaayos ko to." determinadong turan nito.

"Imposible yan Cadden, kung ako sayo, wag ka ng mag-abala pa na maaayos mo ang tungkol sa ating dalawa, nagsasayang ka lang ng panahon." cold na sabi ko dito.

Being His Unwanted Wife Book 1 (Monteverde Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon