Cadden's POV
'Ganito lang ba kadali ang lahat sa kanya?' Napaluhod ako sa lupa habang tinitingnan ang papaalis nilang sasakyan. Wala akong ginawa, alam ko yon... Ni hindi ko nga alam kung papano nakapasok sa bahay namin ang babaeng yon.
Tumayo ako at dali-daling pumasok sa loob ng bahay nang maalalang andoon pa ang babae sa loob.
Pagpasok ko nakabihis na to. Hinila ko to at idiniin sa ding-ding, nagpupumiglas siya para makawala pero mas lalo lang humihigpit ang pagkakahawak ko sa braso niya, wala na akong pakialam kung babae pa siya, tanging galit lang ang nararamdaman ko ngayon.
"Sino ka?!" galit kong tanong pero di to sumasagot.
"Sumagot ka! Sagutin mo ko!" pamimilit ko.
"Sorry... *hik* sorry talaga napag-utusan lang ako... Wala naman talagang nangyari satin... *hik* yong dugo sa kama, fake yon... I'm sor..." pangngatwiran nito.
"... I know!, alam kong walang nangyari satin!... Pero pano ka nakapasok?! Sinong nag-utos sayo?!" nanggagaliiti na ako sa galit.
Napahawak ako sa ulo dahil sa sobrang sakit. Naalala ko, hinihintay ko si Aliya sa bahay nang dumating si Smith at nagpilit na pumasok at inalok ako ng inumin... "F*ck!, ang tanga ko para makipag-inuman sa kanya!"
"Now tell me, who the hell pay you to do this!" sabi ko habang niyuyogyog siya.
"S-si... Ella..." nabitawan ko to dahilan para makatakbo siya at makatakas, pero hinayaan ko na lang... Galit ang tanging nararamdaman ko ngayon.
Dinukot ko ang phone ko at tinawagan si Greg...
"Pare, pwede ka bang pumunta dito sa bahay?" sabi ko nang masagot na nito ang tawag ko, agad ko namang pinutol ang tawag matapos sabihin yon.
**
Nagbihis ako ng damit saka kinuha ulit ang cell phone para tawagan si Aliya, nagri-ring lang pero hindi niya sinasagot, hanggang sa ang sumunod kong tawag ay inoff na talaga niya, naibato ko ang cell phone ko sa sobrang inis at sakit. Parang kulang pa ata at sa sobrang galit ko ay nagawa ko ng magbasag.
Tinungo ko ang mini bar ng bahay saka kumuha ng inumin, sakto namang dumating si Greg...
Agad napadako ang mga tingin nito sa mga nagkalat na bubog "What happend?" tanong nito sakin, dumiretso ako sa sala habang dala-dala ang inumin.
"Drink." pag-anyaya ko sa kanya.
"Ano nanaman bang nangyari?" tanong nito saka umupo kaharap ko.
Nakakabakla, pero ngayon lang ako naiyak ng ganito at sa harap pa ng isang lalaki.
"Now tell me." sabi nito.
Tumunga ulit ako ng alak bago nagsalita "wala na siya pare, iniwan na ako ng asawa ko." pag-amin ko.
Halatang nagtataka to "akala ko ba okay na?" sabi nito.
"Sana... Kung hindi lang sinira ng babaeng yon."
"What are you talking about?" tanong nito.
"Naabutan ako ni Aliya na may ibang babaeng katabi sa kama..." nakita kong ngumisi to, "...pero walang nangyari samin, sinabi ko na sa kanya pero ayaw niyang maniwala." depensa ko dahil alam ko kung anong nasa likod ng mga ngiting yon.
Nakita kong bumuntong hininga muna to bago nagsalita, "kahit sino naman pare di maniniwalang walang nangyari sa lalaki't babaeng magkatabi sa kama, parang ayaw ko ngang maniwala." sabi nito habang nagsasalin ng alak sa baso.
![](https://img.wattpad.com/cover/20918169-288-k474278.jpg)
BINABASA MO ANG
Being His Unwanted Wife Book 1 (Monteverde Series)
RomanceNagising si Aliya Rodrigo na nawala na sa kanya ang lahat; magulang, kapatid at alaala. Sa madilim na yugto ng buhay niya'y nakilala niya ang lalaking nais niyang makasama habang buhay, si Haze Cadden Monteverde- the second grandson of a corporate...