Chapter-36 Again

186K 2.8K 207
                                    

Aliya's POV

"Are you ready?" nakangiting tanong ni Ashley sakin.

"Of course." sagot ko sa kanya.

"Sure?" parang ayaw pa nitong maniwala.

"What do you mean?" sabi ko dito na ang tinutukoy ay ang sinasabi nito.

"Makikita mo na siya Aliya..." sabi nito, alam kong si Cadden ang tinutukoy niya.

"Tapos?" malamig kong sabi.

Nakita ko tong ngumiti habang nilalaro-laro ang sariling buhok, "hindi ako naniniwalang wala ka ng nararamdaman para sa kanya, Aly." sabi nito na ikinatahimik ko.

"Past is past Ash... and it's over, I moved on, e ano naman ngayon kung magkita kami?" sabi ko dito.

"Yeah, maybe you moved on but moving on can't erase the fact that you owe him your sons." derektang sabi nito.

"... Or don't tell me na itatago mo ang kambal niyo?" dugtong nito.

"Wala akong balak na itago ang anak namin, gusto ko rin namang makilala nila ang ama nila... pero hindi muna ngayon... hindi pa sila handa." sabi ko.

"Hindi 'sila' handa? o 'ikaw' ang hindi handa?" sabi nito habang binibigyang diin ang 'sila at ikaw'.

"Enough of this, Ash. Wag na natin siyang pag-usapan." sabi ko dito saka tumayo na.

Nakabihis na ako at handa ng umalis para sa meeting mamaya... nang biglang narinig ko ang sigaw ni Blaze...

"Mommy, aalis ka po?" tanong nito sakin.

"Oo, pero saglit lang naman si mommy, babalik ako agad." sabi ko dito, akala ko'y tulog pa to... Ito talaga ang iniiwasan ko ang makita ng kambal ko ang pag-alis ko.

Bigla namang sumulpot si Reid sa likuran nito, halatang kakagising rin. "Gusto po namin ni Reid sumama." sabi ni blaze habang tumatango-tango naman si Reid.

Eto na nga bang sinasabi ko. Nagkatinginan kami ni Ashley halatang ayaw rin nitong magsalita.

"No, the two of you will stay here, mag play kayo, manood ng TV, mag read ng books, kahit ano... Magpatulong kayo kay yaya niyo, basta bawal kayong sumama." sabi ko dito.

"Bakit po?" tanong ni Blaze.

"Cause the place that I am going to is not for the kids, like you." paliwanag ko sa kanila.

"Bakit po?" tanong ulit ni Blaze, sa kambal ko si Blaze ang pinakamakulit at ang mahilig sa 'bakit?' habang si Reid naman ang seryoso at maypagka suplado..

"Kasi nga pangmatanda yon." paliwanag ko pa rin dito

"Bak..." Mag babakit nanaman sana to pero tinakpan ko na ang bibig saka to niyakap.

"Tama na ang 'bakit' baby ko." malambing kong sabi dito.

"Bakit po?" nakakunot pa ang noo nito habang nagtatanong, natawa na lang kami ni Ashley sa kanya.

"Wag ng maraming tanong, basta bawal kayong sumama, okay?" buti naman at di na to nangulit pa kaya nakaalis na kami ni Ashley.

Pagdating namin wala pa si Cadden, baka nga hindi na to sisipot, hindi ko alam kung may mali ba sakin pero parang bigla naman akong nanghinayang sa isiping yon.

Third person's POV

(Gagamit ako ng third person para mailarawan ko naman ang side ng kambal.)

Being His Unwanted Wife Book 1 (Monteverde Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon