Cadden's POV
Tahimik kaming nakaupo ni Aliya dito sa sala habang ang kambal namin ay mansinsing nag-uusap sa di kalayuan, natutuwa talaga ako sa kanilang dalawa, maayos silang napalaki ng ina nila at ang higit na ikinatutuwa ko ay ang pagiging possessive nila sa mommy nila.
Naiimagine ko na kung magiging ano sila paglaki nila.
"Hey, I'm asking you stranger!" bulyaw ni Reid sakin, kanina pa pala ako kinakausap nito.
"I'm sorry, what is it again?" tanong ko dito.
"See, he's not listening Aze." sabi nito kay Blaze na abalang-abala sa ginagawa.
"What are you doing?" animo'y gulat na sabi ni Reid sa kapatid niya nang makitang di rin ito nakikiisa sa kanya sa halip ay kumakain lang ito ng marshmallow.
"Kumakain, baka kasi isauli mo na sa kanya." ang cute ng anak ko nakanguso pa to habang nagsasalita, takot talaga tong ibalik ni Reid ang mga marshmallow.
"Di ko naman yan isasauli eh." sagot ni Reid na ngayo'y salubong na ang kilay.
"Talaga Reid?" di makapaniwalang tanong ni Blaze na ngayo'y lumiliwanag na ang mukha.
"Oo, lalo tayong matatalo kapag isinauli ko yan, inaagaw niya na si mommy tapos makukuha niya pa ulit yong marshmallow." seryosong sabi nito.
Abot langit ang saya ko nang marinig ang sinagot ni Blaze, "bakit pa kasi? Okay naman si Mr. Stranger ah, gusto ko nga siya para kay mommy." nakangusong sabi ni Blaze habang napakamot pa sa ulo.
Masaya akong malaman na gusto na ako ng anak ko sa palagay ko kay Reid ako mahihirapan dahil mukhang ayaw niya talaga.
Pero ang sunod na isinagot nito ang hindi ko talaga inaasahan at siyang nagpawala sa lahat ng takot at pangamba ko, "ano ka ba Blaze, ang mommy natin para lang sa daddy natin, pano kapag bumalik ang daddy natin?... Kawawa naman siya." naiiyak na sabi ni Reid.
Natulala ako sa narinig, ganito ba sila kasabik sa ama. Nakita kong natulala rin si Aliya at napabuntunghininga nilapitan niya si Reid na ngayo'y nagsisimula ng umiyak.
"Reid... Reid... Umiiyak ka na? Akala ko ba mamaya pa? Should I cry na rin ba?" natigilan kaming dalawa ni Aliya sa narinig, alam kong nagtataka rin siya kung ano ang ibig-sabihin nito.
"Wag muna, di to kasali." sagot ni Reid habang umiiyak.
"Okay, akala ko kasi nakalimutan mo yong pinag-usapan natin kanina." halos pabulong na ang pagkakasabi ni Blaze nun pero narinig ko pa rin. Saka ko lang naisip na may pinagkasunduan sila nung nag-uusap sila.
Pinaupo muna ni Aliya si Reid sa isang sofa saka pinapatahan, habang si Blaze naman ang pumalit sa pwesto ni Reid.
Nakacrossed arm to habang palakad-lakad sa harap ko, "ano pong ginawa niyo ni mommy kanina?" seryosong tanong nito.
"H-ha?" bakit ba sa lahat ng tanong ito ang pinakamahirap sagutin, sa sobrang hirap ay niluwagan ko na ang pagkakabuhol ng necktie ko, "tss, ano pong ginawa niyo kanina?" pag-uulit nito sa tanong habang napapakamot pa sa ulo.
"A-ano, w-wala naman kaming ginawa ah, may ginawa ba kami? Parang wala naman ah." pagsisinungaling ko.
"Nag-aaway po ba kayo kanina kaya nasa ibabaw ka niya?" napakainosente ng anak ko, wala pa talagang alam sa nangyayari.
"Hindi... Hindi kami nag-aaway, magkaibigan nga kami." sagot ko dito.
"Ganun po pala ang magkaibigan?" napalagok na ako, nahihirapan na akong magpalusot kaya naisipan kong sagutin to ng isang biro, "gumagawa kami ng baby..." sagot ko, saka ko naramdaman ang pagdapo ng isang matigas na bagay sa ulo ko, "mag-ayos-ayos ka, Haze!" bulyaw ni Aliya sakin.
BINABASA MO ANG
Being His Unwanted Wife Book 1 (Monteverde Series)
RomanceNagising si Aliya Rodrigo na nawala na sa kanya ang lahat; magulang, kapatid at alaala. Sa madilim na yugto ng buhay niya'y nakilala niya ang lalaking nais niyang makasama habang buhay, si Haze Cadden Monteverde- the second grandson of a corporate...