Aliya's Point of View
"Get out!" ang sigaw niyang 'yon agad ang bumungad sa akin nang pumasok ako habang dala-dala ang isang tasa ng kape. Tumapon pa ang kapeng dala ko nang sapilitan niyang isinara ang pinto, dahilan upang matapon ang iilan sa akin at napaso ako.
Pero di ako nasaktan sa tumapong mainit na kape sa kamay ko, mas dama ko pa ang sakit na nararamdaman ng puso ko dahil sa pagpapaalis niya sa akin. Kung kanina'y ang tapang-tapang ko at halos nakikipagsabayan pa ako sa kanya, ngayon ay tiklop ako at di makasagot sa kanya. Para rin ata akong napako sa kinatatayuan.
"Didn't you hear me?! I said, get out!" nagbalik lamang ako sa aking ulirat nang marinig ko ulit ang sigaw niya.
"Ipagtitimpla na lang ulit kita." Mahinahon kong turan.
"Enough! Stop it, just get out and don't come back." Isinuklay nito ang mga daliri sa basang buhok habang ang kanang kamay nito ay nakahawak sa puting tuwalya na naka lukob sa bewang niya.
Di ko mapigilan ang sarili na titigan ang hubad nitong katawan at sundan ang bawat pagdaloy ng butil-butil na tubig mula sa dibdib nito pababa sa hulma ng abs nito. Nabigla ako nang yumuko siya habang ang kanang kamay nito ay bumitiw sa hawak-hawak nitong tuwalya at humawak sa gilid ng pinto.
"Stop staring-" amoy na amoy ko ang bango ng hininga nito. Di niya naituloy ang sasabihin nang bumaba ang mga tingin nito sa dibdib ko at nanlalaki ang mga matang nag-iwas ng tingin.
"Ugh!" nabigla ako sa naging reaksyon nito kaya yumuko ako upang sundan kung ano ba ang nakita niya. At tulad nang naging reaksyon niya ay nabigla rin ako, bakat na bakat ang dibdib ko sa suot kong manipis na shirt.
Tulala akong napayakap sa sarili, narinig ko na lang ang pagkabasag ng hawak-hawak kong tasa. Nanlalaki ang mga matang tinitigan ko siya na bigla namang nag-iwas ng tingin, napasabunot siya sa sariling buhok.
"I told you to get out...what now?" inis nitong turan, mas lalo pang uminit ang mukha ko nang malaglag ang tuwalya nito sa akma niyang pagtalikod. Para namang may sariling isip ang mga mata ko at kusa itong bumababa ng tingin.
"Damn it!" pagmumura nito saka nagmamadaling pinulot ang tuwalya at inilukob sa bewang niya. Itinulak niya ako palabas saka isinara ang pinto.
"Ahw, ang sakit!" naiiyak kong turan nang maapakan ang basag na bubog ng nabitawan kong tasa kanina. Napaupo ako sa sahig at pilit na iniiwas ang tingin sa sugat. Bigla namang bumukas ang pinto ng kwarto ni Cade.
"What?" nanlalaki ang mga matang tinitigan ako, sa unang pagkakataon ay nahimigan ko ang pag-aalala sa boses nito.
"Shit!" untag nito nang makita ang dugong nasa sahig.
"Mauubusan ako ng dugo Cade, maawa ka, ayokong mamatay!" umiiyak kong turan.
"Malaki ba ang hiwa?" Nanlalaki pa rin ang mga mata nito. Tumango lang ako habang patuloy sa kaiiyak.
"Mapuputulan na ata ako ng paa..." pumalahaw na ako ng iyak.
Tarantang binuhat ako ni Cade, dahilan para masagi ko ang kanya, ang matigas na bagay na ikinukubli ng tuwalya niya at ang pagkakabuhol ng tuwalya. Bahagya siyang natigilan at tumikhim, nakita ko ang pamumuo ng pawis sa noo nito at ang maya't-mayang paggalaw ng adams apple nito.
Nagkatitigan kami, "Hold it." Aniya sa mababang tono.
"H-ha?" napatigil ako sa pag-iyak saka napalagok ng laway.
"Hawakan mo!" markadong utos nito. Dito na ako pinagpawisan ng malagkit.
"Ha-hahawakan k-ko?" agad akong nagpunas ng luha saka siya tinitigan.
"Tss! Hawakan mo na, dali." Aporado nitong turan. Bumuntong-hininga ako saka mariing pumikit, wala namang malisya sa mag-asawa ang mga ganitong bagay kaso first time ko 'to. Kaya pikit mata kong kinapa ang kanya at hinawakan, ramdam ko ang kahabaan at katigasan nito. Nagdilat ako ng isang mata at bumungad sa akin ang nanlalaki nitong mga mata at nakaawang na bibig at kasabay noon ay ang pagbagsak naming dalawa sa sahig.
"Ugh. I should have known that you're stupid!" bulalas nito.
"Sabi mo, hawakan ko. Masyado bang napalakas ang hawak ko?" Nag-aalala kong tanong.
"That's not what I mean, it's the towel! Ano bang laman ng utak mo?" inayos niya ang tuwalya saka ako binuhat ulit.
"Ikaw." Pabulong kong turan saka isinukbit sa batok niya ang mga braso ko. Napatigil siya saglit, at tinitigan ako. Nag-iwas siya ng tingin saka kumurap-kurap. Inilapag niya ako sa kama.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang magkalapit ang mukha namin habang nakatitig siya sa akin, kunti na lang ay abot na ng mga labi ko ang mga labi niya, ngutnit lahat 'yon ay nawala nang mapagtanto kong aabutin niya lamang pala ang damit na nasa likuran ko.
"Don't move." Utos niya sa malamig na tono saka nagsuot ng damit. Napabuntong hininga na lamang ako, kung ano-ano pa kasing pumapasok sa utak ko. Lumabas siya ng kwarto at maya-maya'y bumalik na may dala-dalang first aid kit at tubig.
"We need to remove those broken pieces." Aniya habang hinuhugasan ang paa ko. Tahimik lang akong nagmamasid habang abala siya sa panggagamot ng sugat ko,
"Salamat." nahihiya kong turan matapos niya akong gamutin, at ilipat sa sariling kwarto. Ayaw niya atang nagtatagal ako sa kwarto niya. Nakapagbihis na rin siya ng office suite niya.
"I am just doing this because Lolo will surely get mad if he knows about this." Parang may kung anong maiinit na bagay ang lumukob sa puso ko at nasasaktan ako sa sinabi niya.
"I promise. I'll never tell Lolo about this." Pangako ko dito.
"This is what I am telling you, Aliya. Everytime, I am with you, or everytime you go near me, I am always in trouble." Bakas sa mukha nito ang pagkayamot.
Biglang nag-iba agad ang atmosphere sa loob ng kwarto, kaharap ko siya, nahahawakan ko siya pero para bang napakalayo pa rin niya.
"I'm sorry-" naputol ang dapat sana'y sasabihin ko nang magsalita siya.
"You should be. Dahil sayo'y nakansela ang investors meeting." Panunukmat nito na ikinabigla ko.
"Makakahabol ka pa naman ata." Nag-aalala kong turan.
"Do you think, they'll wait for me?" mapanuyang turan nito.
"Wag ka nang magalit. Makakahanap ka pa naman ng iba." Masyado nang mahina ang boses ko, nakokonsensya ako.
"You talk as if you know how to deal with it. Do you think ganun lang 'yon? Pera 'yon Aliya, pera." Baling niya sa akin habang inaayos ang necktie.
"Pera lang 'yon Cade." Nasasaktan kong turan.
"Hindi 'yon, pera lang, pera 'yon. 'Yon nga ang habol mo sakin diba?" dito na ako di nakasagot. Para sa kanya, pera ang habol ko.
Nakakalungkot, kung alam mo lang Cadden...kung alam mo lang talaga. Kung hanggang saan ang kaya kong tiisin para sayo. Balang araw, malalagay ka rin sa kinalalagyan ko, at malalaman mo kung gaano kahirap para sakin na tiisin ang lahat ng sakit, at isawalang bahala ang lahat ng takot.
BINABASA MO ANG
Being His Unwanted Wife Book 1 (Monteverde Series)
RomanceNagising si Aliya Rodrigo na nawala na sa kanya ang lahat; magulang, kapatid at alaala. Sa madilim na yugto ng buhay niya'y nakilala niya ang lalaking nais niyang makasama habang buhay, si Haze Cadden Monteverde- the second grandson of a corporate...