Chapter 29 Choices
***JHEFF POV***
TAHIMIK kong pinagmamasdan ang nakahaing pagkain sa tabi ko. Paborito kong putahi iyon, ngunit ni katiting na gutom ay hindi ko maramdaman. I've been like days for a couple of days. Namamanhid ang puso at kaluluwa ko. Hindi ko alam kung paano ko ba haharapin ang bukas. It hurts. I want to end this pain. I want to end everything. But I don't want the person I love most to suffer just like what happened to my father. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Jheffy, bakit hindi mo pa rin ginagalaw ang pagkain mo?" Kinuha ni Justin ang kanin at hinalo iyon kasama ang ulam. Isinubo niya iyon sa akin. Siya ang laging pumupunta sa silid ko para kausapin o kaya naman ay pakainin ako.
My twin sister seldom visits me. Kung dadalawin man niya ako, wala akong marinig mula sa kanya. I want to hear her voice. Ang pagpapangaral niya sa akin. Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat ng nasa loob ko. Gusto kong magpaliwanag kung bakit ko nagawa iyon sa sarili ko.
"Hindi ba pupunta dito si Jhude?" sa halip ay tanong sa kanya. Walang ni katiting na emosyon ang makikita sa mga mata ko.
"She..." Saglit na gumuhit ang lungkot sa mukha ni Justin. "She'll be here soon. Why don't you eat first?"
Iniwas ko ang sarili sa pagkain. "She's mad at me."
"Jhudy loves you."
"But she's mad at me!" Nanghihinang niyakap ko ang mga tuhod ko. Isinubsub ko rin ang mukha ko doon. Pakiramdam ko nag-iisa na lang ako sa mundo. Ang tanging gusto ko lang naman ay mahalin ako. Ngayon, pati ang kakambal ko ay ayaw na sa akin.
"Jheffy," nasa boses ni Justin ang pagmamakaawa.
Why does he keep on treating me this way? Dapat tumigil na siya at lumayo sa akin. Ako ang dahilan ng lahat. Nasira ang pamilya ko dahil sa kagustuhan ko sa musika. Nagkalapit ang mama ko ang music teacher ko dahil sa kahibangan ko. Marahil isa din ito sa dahilan kung bakit ayaw na akong kausapin ng kakambal ko. Dahil alam na rin niya ang totoo.
"Leave me Justin." Mas lalo kong niyakap ang mga tuhod ko. This is for the both of us. "I want to break up with you."
Matagal bago ko narinig ang malamig niyang boses. Para itong yelo.
"Is that what you really want?" aniya.
Ayoko! Sigaw ko sa isip.
"O-oo." Sagot ko, pilit na pinipigil na huwag umiyak. Ayokong pati siya ay mawala sa akin pero para sa amin itong dalawa.
We are not meant for each other. Para siya kay Jhude, at ako naman ay para sa ibang tao. I was eighteen when I found out that I have a fiancé too. Hindi ko iyon matanggap. Inisip ko na lang na biro lang din iyon. I wasn't love by my father but why did he give me a guy to marry? Wala akong balak na sundin ang kagustuhan niya hanggang sa mangyari iyon. Inataki siya sa puso ng dahil sa akin. This time, kahit ayaw ko, kahit labag iyon sa kagustuhan ng puso ko. Susunod na ako. Hindi na ako gagawa ng isang bagay na ikakasama muli ng loob ng ama ko. Even if it will ruin my life forever.
I heard him sigh.
Please, get out! I want to forget what I feel for you! I need to accept the fact that I should marry the guy my dad chooses for me!
"I-iwan mo na ako Justin." Hindi ko mapigil ang luhang kanina pa gustong kumawala sa mga mata ko.
Again, I heard nothing but silence. Hindi ko siya narinig na umalis. Naramdaman ko ang paggalaw ng kama. Mas lalong bumagsak ang mga luha ko nang haplusin niya ang buhok niya.
BINABASA MO ANG
BLS#8: HEARTBEATS
HumorBEAUTIFUL LIARS SERIES #8 HEARTBEATS >Jhennifer Rose (Jheff) Llanes< Kinaiinisan ni Jheff ang makita o makadaupang palad man lang si Justin. She hates his guts. Kahit anong gawin kasi niyang pagpapanggap nagagawa nitong malaman na siya ang kaharap n...