Chapter 21 Acceptance

346 20 1
                                    

Chapter 21 Acceptance

***JHEFF POV***
PAULIT-ULIT na tumatakbo sa isipan ko ang katagang binitawan ni Justin nang nakaraang araw. Ang tagpo kung saan napa-oo ako nang hindi ko namamalayan. Oo, limang araw na ang nakalilipas at hanggang ngayon ay tigang parin ang utak ko. Matapos ang tagpong iyon sa pagitan namin ni Justin, sa pagpupumilit ko, inihatid niya ako kina Zyle. Hanggang sa pagbalik ko dito, walang ibang laman ang utak ko kundi ang lalaking iyon. Pakiramdam ko nga mababaliw na ako. O baka naman ay baliw na talaga ako.

"You love me and I feel something for you too. So, tayo na?"

Here it goes again. I keep on hearing his voice. The truth is, for almost five days, he never leaves my mind. I always remember him, especially on what he tells me that day.

"You love me."

I take a deep breath and bit my lower lip. "I love him daw?"

"I feel something for you too."

Nakaawang ang labi na ibinagsak ko ang katawan sa kama. "Did he just said that he really feels something for me and not Jhude?"

I felt so hot, especially on my cheeks. Hindi tumitingin na kinuha ko ang unan na nasa tabi ko. Saka ibinaon  ang mukha ko doon.

"Tayo na?"

In a short time I slowly remove the pillow and stared at the wall. Thinking about things. Things I don't know if it's true.

"Is this real?" Matagal ang ginawa kong pagkurap. Nang magsawa napabangon ako. "Baka nananaginip lang ako."

May kabagalan na sinulyapan ko ang paligid. Ang pinakahuli ay ang pinto. Ayon sa dekorasyon ng silid, bahay ito ni Zyle. Wala sa sariling umalis ako sa pagkakahiga at tumakbo papuntang sala. I saw my friend watering her lovely flowers. Ngunit wala doon ang atensiyon ko. I have to confirm if all of it is true.

"Zyle!" Sigaw ko na siyang nagpaigtad sa kaibigan. Sa pagmamadali ko natisod ako sa hose kaya napagulong ako sa lupa.

"Jheff, are you okay?" Sigaw iyon ni Zyle.

"Aray ko po." May kabagalang bumangon ako habang hinihimas ang nasaktan kong tuhod. Mabuti na lang puro damo ang lupa. Tiyak na magagasgasan ang iningat-ingatan kong kutis.

"Bakit ba sinasalakay ka ng kaabnormalan ngayon Jheffy?" ani Zyle, tinulungan ako sa pagtanggal ng ilang duming dumikit sa akin.

"Ako pa talaga ang ininsulto mo 'no?" Pinandilatan ko siya.

"Maganda ako e."

"Anong connect?"

She blink her eyes and gave me a puppy looks. "What?"

"Yuck." Nginisihan niya ako ng todo na siyang ikinataas ng alta-presyon ko. "Zyle!"

"Hehe, bakit?"

I rolled my eyes. Kahit kailan talaga may pagka-eng-eng ang isang ito. Kesa ang makipagdiskusyon, umalis ako sa pagkakaupo sa damuhan at tumayo na. Kahit si Zyle ay ganoon din ang ginawa. Napapalatak ako nang may sumidhing kirot sa tuhod ko.

"Anyare?" Sinilip ni Zyle ang tuhod ko. "Wala namang sugat. Baka nabigla ka lang."

"Baka nga." Bahagya ko itong ipinadyak. Kahit papaano ay nabawasan ang sakit.

"Ano ba kasi ang pumasok diyan sa kukote mo para tumakbo ka na walang bukas?"

"W-wait." Saglit akong natigilan. Naalala ko ang dahilan kung bakit ako napahangos dito.

BLS#8: HEARTBEATSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon