Chapter 11 Stay
***JHEFF POV***
NAKATAAS ang isang kilay na tini-testing ko ang microphone kong hawak. Sinusubukan ko kung tunay nga itong gumagana. Nang matiyak ko na tama nga ako, agad ko itong ini-off. Ito naman talaga ang purpose ko. Sa kadahilanang hindi alam ng madla na hindi marunong kumanta si Jhude, na di hamak na mas magaling pala sa akin. Kailangan kong mag-lip-sync mamaya. I need to pretend total nasabi ko na sa Candise na iyon na ako si Jhude kahit na hindi naman.
Hindi ko naman kasi pwedeng bawiin. Ano na lang ang iisipin ng batang iyon. Na ang iniidulo niya ay isang magandang sinungaling? Ikakapahamak ito ng career ko. Buti sana kung pinapahalagahan koi to ngunit hindi naman.
I take a deep breath and bored to death stared at the microphone. Sa totoo lang, gusto ko itong ibato at umeskapo na lang at ipagpatuloy ang paglamon doon sa restaurant ng pinsan ko. Kaso ano pa ba ang magagawa ko, e napasubo na ako dito.
Pahinamad na nilingon ko ang paligid. Maraming tao ang walang tigil sa kaka-back-in-forth habang may dalang gamit. Yung iba pagkain. Ang iba naman upuan. Mukhang abala ang mga ito sa pag-aayos ng paligid. Paano nga namang hindi? Birthday party kaya ito.
At oo, isang malaking oo. Pumayag ako sa kapritso ng babae kanina. Kung pwede lang sanang umayaw.
Huminga ako ng malalim, sabay lapag ng microphone sa mesa. At sunod na hinanap ang kinaroroonan ni Justin. Hindi naman sa na-mi-miss ko ang isang iyon. Ayoko lang na maiwan na mag-isa dito lalo na't hindi pamilyar sa akin ang lugar.
Oo nga't kumakanta ako sa harap ng maraming tao ngunit may ilang pagkakataon talaga na nahihirapan akong mag-adopt sa paligid ko. Parang nasasakal ako kung minsan. At tila ba natatakot sa hindi ko maipaliwanag na kadahilanan.
"Nasaan na ba yun?" Inis na umalis ako mini stage at muli siyang hinanap kaso ang isang iyon magaling yata sa taguan.
Kung saan tinataguan mo yung tao, madali kang nahahanap. Kapag ikaw naman itong naghahanap ayaw magpahanap. Ano ba talaga? Nakaka-imbyerna na ito! >__<
Napabuga ako ng marahas.
"Bakit ang daya-daya naman?" Nanghihinang umupo ako sa kalapit na upuan at pinakialaman na lang ang phone ko.
Inabala ko ang sarili sa paglalaro ng candy crush. Total ito na lang ang nagiging stress reliever ko. Pero minsan nase-stress ako dito lalo na't may level ako na halos isang buwan ko ng hindi naipapasa. May ilang pagkakataon nga na naibabato ko pa ang kawawa kong phone. Buti na lang at hindi nasira.
I take a deep breath as I close my phone. Tumingin ako sa kawalan. Sa totoo lang, nakaka-stress ang araw na ito. Una ginulat ako nitong si Justin, pinagpipilitan na may utang ako sa kanya. Tapos date pa!
"Date." Ulit ko sa huling salitang namutawi sa utak ko. Hindi ko namalayan na may malungkot na ngiti ang kumawala sa labi ko.
I know that he loves my twin sister more than anything else. Halata naman. Matagal na silang magkasama. Siya itong nagpapangiti sa kambal ko. Halos hindi na nga sila naghihiwalay na dalawa. Kung ako ang tatanungin, para sa akin. Isa silang perpektong mag-jowa. Naiintindihan kasi nila ang isa't isa. For sure, kung magigilang sila nga, natitiyak ko na magtatagal silang dalawa.
BINABASA MO ANG
BLS#8: HEARTBEATS
HumorBEAUTIFUL LIARS SERIES #8 HEARTBEATS >Jhennifer Rose (Jheff) Llanes< Kinaiinisan ni Jheff ang makita o makadaupang palad man lang si Justin. She hates his guts. Kahit anong gawin kasi niyang pagpapanggap nagagawa nitong malaman na siya ang kaharap n...