Chapter 15 Melody

271 22 0
                                    

Chapter 15 Melody


***JHEFF POV***

"Bravo, bravo, bravo." Napasulyap ako sa pinanggalingan ng may kalakasang palakpak. Di kalauyan sa akin, may babaeng nakakulay pula mula ulo hanggang paa. Isama niyo na ang labi niya na parang sinuntok dahil sa kapal at kapulahan ng lipstick nito.


She looks like a vigilant. Paano ko nasabi? Maliban sa all red outfit niya. Isama niyo na rin ang palakpak niyang ubod ng gaspang. Hindi ko gusto ang paraan ng pagngiti at pagtitig niya sa akin.


Insecure yata sa beauty ko! =__=


"What a nice performance isn't it?" Parang sirang sabi niya sa pagitan ng pagpalakpak. May hawak nga pala siyang microphone at hindi mapigil ang sarili sa pagngiti ng malademonyo.


Sino ba ang baliw na ito? Sa totoo lang kanina ko pa siya napapansin. Lagi kasing hindi maipinta ang pagmumukha niya. Ilang ulit ko pa nga siyang nakita na iniismiran ako. Binabaliwala ko lang iyon dahil sa hindi ko ito pamamahay. May manners din naman ako kahit papaano ngunit kapag nagkataon na nasa labas kami, matitikman niya ang kamandag ni Jhennifer Rose Llanes!


Hindi ako nakapaghanda nang bigla niyang kunin sa kamay ko ang hawak kong microphone. Gusto ko siyang sabunutan sa kagaspangan ng ugali niya. Hindi na siya nakuntento sa kawak niya. Gusto pa niyang dalawahin.


Hindi din siya swapang ano?


Pinanlamigan ako ng husto nang ituon niya ang hawak na microphone sa labi niya na nuknukan sa pula. "Hello?" aniya, eksaheradong inilayo ang hawak. "Oh my, naka-off pala."


Napa-atras ako ng bahagya sa ginawa niya. Balak ba niyang ipahiya ako? Naman! Sino ba ang bruhang ito kung maka-asta siya akala mo kung sinong mabait.


"Let me on this one." Itinaas niya ang inagaw niya sa aking microphone at ginamit ang kanya habang nasa kalagitnaan siya ng pagsasalita.


"What the heck are you doing Mathelda?" anang matanda, napatayo bigla.


"Abuela." Himig pagtatampong sagot ni Mathelda. "You know how much I love you. And I can't take it when someone's lying in front of you."


Gusto kong magtatakbo sa labas para naman hindi nila ako pagtuunan ng pansin ngunit mukhang napako yata ako sa aking kinatatayuan.


Huminga ako ng malalim para matanggal ang kabang bumabalot sa buo kong pagkatao habang unti-unting nililingon ang kinaroroonan ni Justin. I can't see him. Iniwan na ba niya ako? Sa kaisipang ito parang mas lalo lang akong nanghina. Mas sumama lang ang pakiramdam ko.


I hate you!


Sinabi ko lang naman na huwag siyang lumapit. Hindi ibig sabihin niyon iiwan niya na lang ako dito nang hindi man lang nagpapaalam. Humanda siya sa akin mamaya. Kakaratihin ko siya hanggang sa mabaldado siya.


"This girl in front of us." Napalingon ako kay Mathelda na ang mga kamay ay nakaturo sa akin.

BLS#8: HEARTBEATSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon