Chapter 5 Bakit?
***JHEFF POV***
PILIT kong kinalma ang sarili habang tinutungo ang closet ko. Nakakabukya naman kasi ang mga nangyari ngayun-ngayon lang. Sino ba naman ang hindi mabubukya?! Ang manyak na iyon, ninakaw na nga niya sa akin ang...
I paused for a moment. May naiisip yata ako na hindi ko na dapat isipin pa.
"Erase, erase." Wika ko habang tinatapik ng buong rahan ang pisngi ko. Kailangan ko ng mag-move on at kalimutan ang mga nangyari noon. It's been six years. Lasing siya nun at... Hindi ko na magawang dugtungan kung ano man itong naiisip ko.
Naman!
"Move on na nga di ba?! Move on!" Parang sirang pangaral ko sa sarili. Kung mabilis at madali lang sana ang pag-mo-move on, wala na sanang nahihirapan sa mundong ibabaw.
At kung hindi lang sana nadagdagan ang utang ng Justin na iyon sa akin. Hindi na sana ako magiging ganito. Dinagdagan niya lang ang atraso niya sa akin.
I will never forget this day. Never! +__+
Kesa baliwin ko ang sarili sa pag-iisip kung paano ko siya makakatay, binilisan ko na lang ang pagbihis, baka sumulpot ang manyak na yun.
Inayos ko ang pwede ayusin sa akin. Isama niyo na ang nagulo kong buhok. Pinalitan ko na rin ang kulay ng lipstick ko. Hindi na ako magtataka kung medyo nagduda ang matandang iyon kanina. Yung papa ko na hindi na gustong mag-exist pa ako sa mundong ibabaw.
"Nasaan kaya iyon?" =__=
Pagkalabas ko ng silid, hindi mahagilap ng butihin kong mga mata ang lalaking iyon. In-expect ko kasi na maghihintay yun sa labas ng pinasukan kong secret room tapos wala siya.
Huwag ninyong iisipin na nami-miss ko ang manyak na iyon. Like duh! He's not my type! Period! Mas gugustuhin ko pa na tumandang dalaga kesa ang makatuluyan siya.
Kadiri! >__<
Ayokong abalahin ang sarili sa paghahanap. Kinuha ko ang laptop ng kambal ko at dinala iyon. Kailangan ko ang laman nito para sa presentation ko mamaya. Total hindi naman yata makakarating ang kambal ko.
According to Justin, may naghahanap daw sa akin na gwapong lalaki. Malamang napagkamalan si Jhude na ako kaya naman ito ang nahila.
Pero, speaking of gwapong lalaki. Wala akong maalala na may gwapong lalaki nga doon. Puro may edad na kasi ang mga kasamahan ko sa music studio. Ang pinakagwapo pa naman doon si Tito Freddie kaso may katandaan na e. Magkaedad lang sila ng papa ko.
Kaya naman malaking suliranin sa matalino kong brain kung sino nga ang naghahanap sa akin. Kung boyfriend, wala naman ako nun. Single ako since fetus.
Bweno! =__=
Ikinibit ko ang mga balikat. Para saan pa ang pag-iisip. Natitiyak ko na malalaman ko din naman sa kambal ko ang lahat. Magkikita kami mamaya hindi dahil miss namin ang isa't isa kundi dahil makakatikim ako sa kanya ang isang bongang pangaral. Ganyan niya ako kamahal!
BINABASA MO ANG
BLS#8: HEARTBEATS
ComédieBEAUTIFUL LIARS SERIES #8 HEARTBEATS >Jhennifer Rose (Jheff) Llanes< Kinaiinisan ni Jheff ang makita o makadaupang palad man lang si Justin. She hates his guts. Kahit anong gawin kasi niyang pagpapanggap nagagawa nitong malaman na siya ang kaharap n...