Chapter 22 Kilig-Iyak

243 16 0
                                    

Chapter 22 Kilig-Iyak


***JHEFF POV***

"S-SO... H-how's your day?" kabado kong tanong sa kaharap kong si Justin, habang pinaglipat-lipat ang paningin sa kanya at sa menu na kanina pa ibinigay sa akin ng waiter.


For Pete's sake, I can't think straight nor act normal. Oo, napagtanto ko kanina na may nararamdaman nga ako sa kanya. Niyayakap ko ang katotohanan ngunit kahit ganoon pala, kahit alam ko na ang lahat, hindi madali na isabuhay ito.


Sa isip, mukhang kaya ko, ang maamin kung gaano ko siya kagusto. Kung gaano siya kahalaga sa akin ngunit pagdating sa gawa, nababahag ang buntot ko. Nilalamon ako ng hiya. Paano nga bang hindi. Ito ang unang pagkakataon na nagkagusto ako sa isang lalaki. At ito rin ang unang pagkakataon na sumama ako sa kanya na hindi pinagpupumilitan na ibang tao ako. Bweno, kahit anong gawin ko namang pagtanggi ay wala pa ring nagbabago. He can tell whenever it's me nor my twin sister is in front of him.


Bago ko nga pala makalimutan, nandito na naman kami sa restaurant ng pinsan kong si Vincent. Laking pasasalamat ko na wala dito ang kuya kong si Lendon. Natitiyak ko na manliliit ako sa panlalait niyon. He knows how much I hate this guy in front of me. I never knew that hate is not actually the feeling I'm keeping inside. I'm just too sly to admit it. I like him.


"Aren't you going to order something?" ungkat ni Justin.


Tumungo ako, sabay iling. "Parang busog pa yata ako."


Alas neive pa lang kasi ng umaga nang sunduin niya ako kina Zyle. Para sa akin, masyado pang mulat ang araw upang lumamon ako ng panibago. Hindi ako sanay na kumain ng mga mabibigat na pagkain. Hindi sa choosy ako, kailangan ko lang talagang alalahanin ang kalusugan ko.


I can't show myself in front of people with lots of fats on my body. May iilang bashers pa naman ako na binabantayan ang ayos ko. Na malay ko naman kung bakit. Ikinabubuhay yata nila ang mamintas ng iba. Ni hindi nila inunang punain ang kanilang mga sarili bago ako.


"Nakakain ka na ba?"


Natigil ako sa pag-iisip ng malalim matapos kong marinig ang boses ng nakakunot noong si Justin.


"H-ha?"


"I said, did you eat before we went here?"


"A..." Hindi sa nabibingihan ako. Parang tagalog kasi ang una niyang sinabi. "O-oo."


"Are you sure?" paninigurado niya.


"O-oo naman," kagat ang ibabang labi na tumango ako. Siguro naman matatawag na ring pagkain ang gatas at sandwich sa umaga.


He takes takes a deep breath. "You don't have to lie Jheffy ko."


"J-Jheffy ko?" parang tinambol ang puso ko sa narinig. Ang pisngi ko naman ay uminit nang husto. Kailan ba ako masasanay sa pa "ko-ko" niyang nalalaman? Nakakaano na siya.

BLS#8: HEARTBEATSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon