***JHEFF POV***
NANGUNOT ng husto ang noo ko matapos kong marinig ang tila patak ng tubi, na sinamahan pa ng nakawiwindang at nakamamatay na tunog plakang boses. Lason iyon sa pandinig ko."Jhudy?" tawag ko sa pasaway kong kakambal. My twin sister absolutely put a prank on me, para magising ako nang mas maaga nagpatunog siya ng pamatay na sound. I feel pity on the song. Hindi man lang iyon binigyan ng hustisya.
Kung ako ang may ari niyon, kakasuhan ko ang walang pusong pumatay sa kanta ko.
"Jhudy!" iritableng ungol ko.
Napakuha ako nang di oras ng unan at itinapat iyon sa magkabila kong tainga pagkarinig ko sa may birit na parte.
"Jhude naman!" gigil na ibinato ko ang unan. Kahit anong gawing tawag ko sa kanya, hindi niya ako pinapansin. Na tila isa akong hangin na di nag-e-exist sa sarili kong silid.
"Ano ba 'yan?" kakamot-kamot na bumangon ako at pikit matang hinanap ang ingay para sana patayin iyon. Hustisya naman sa mahimbing na natutulog.
Wala sa huwesyo na binuksan ko ang banyo na parang nag-iba ang anggulo at desinyo. Hindi ko na makita ang malilit na paru-paru na nakadikit sa pinto, sa halip napalitan iyon ng chocolate brown na hinaluan ng lighted colors na brown din.
Weird! Nagpalit ba si Jhude ng desinyo nitong banyo nang mga sandaling di pa ako nakakauwi? Kung tama ang pagkakaalaala ko, ayaw niya sa ganitong kulay kasi hindi pambabae.
Kinusot ko ng ilang ulit ang mga mata ko. Baka naman dahil sa labis na antok kaya ako namamalikmata Ngunit kahit anong gawin ko hindi ito nagbabago.
"Baby your my destiny..." anang boses na feel na feel ang pagbigkas.
Darn! I hate it the most hearing someone murdering a beautiful song. Ninanakawan ang kanta ng hustiya.
Gigil na binuksan ko ang banyo. "Jhudy it's not good to-"
"Jhennifer Rose!" Instead of hearing my sister smooth voice, it replace to a masculine one.
Ikinurap ko ng ilang ulit ang mga mata ko sa labis na pagkagulat. Sa halip na ang kapatid kong si Jhude, ang akala kong naliligo at nag papa-music, iba ang natunghayan ko, I saw my ex-mortal enemy, slash first boyfriend na nakatingin sa akin.
Ang kamay kong nasa mukha ko ay nakasteady sa ilalim ng kaliwa kong mata na nangangalamuta pa. All I can do is to blink while staring at this man. The water from the shower kissing his skin. I don't understand why everything is on slow motion.
Wala sa sariling napatitig ako sa nanlalaki niyang mga mata, ang mukha niya na ubod ng pula. Bumaba iyon sa bandang dibdib papunta sa abs niya.
May abs si Justin?
Hanggang sa bumaba iyon sa pagitan ng kanyang mga hita na mabilis naman niyang tinakpan.
"Shit- Jheffy!" he exclaimed.
Napaigtag ako sa lakas ng boses ni Justine. Dahilan para muling malipat sa mukha niya ang paningin ko. Mas namula siya lalo.
"What the heck are you doing here?!"
"I... A..." I can't think straight. "I'm just dreaming right?" tila hindi siguradong tanong ko sa kanya. If it's just a dream makakahinga talaga ako ng maluwag pero kung hindi... Darn! Hindi ko ma-imagine.
"What?" He look puzzled.
"It's just a dream," mahinang bulalas ko. I'm still not sure of what I am talking. All I know is I'm not myself when I went out the bathroom. Sa katunayan para nga akong robot kung kumilos.
BINABASA MO ANG
BLS#8: HEARTBEATS
MizahBEAUTIFUL LIARS SERIES #8 HEARTBEATS >Jhennifer Rose (Jheff) Llanes< Kinaiinisan ni Jheff ang makita o makadaupang palad man lang si Justin. She hates his guts. Kahit anong gawin kasi niyang pagpapanggap nagagawa nitong malaman na siya ang kaharap n...