Chapter 20 It's a Yes

241 25 0
                                    

Chapter 20 It's a Yes

***JHEFF POV***
KANINA ko pa iniinda ang labis na pagkahilo at pananakit ng ulo ko. Gustuhin ko mang bumangon kaso lumalala lang ang paghihirap ko kaya naman bumalik ako sa pagtulog. Sa matagalang pagpikit ko may naririnig akong bakas ng mga paa. Hindi ko iyon pinansin, sa halip nagpatuloy ako sa pagpikit.

Napaungol ako nang tamaan ng matinding liwanag ang mukha ko. Parang ikinadagdag lang iyon ng iniinda kong sakit.

"Jhude, patayin mo ang ilaw!" angal ko sa mababang boses. Wala akong lakas para makipagdiskusyon. Kailangan ko ng sapat na tulog. Ngunit hindi pinansin ng kambal ko ang atungal ko, bagkos naramdaman ko siya na umupo sa kama. Pagsinghot ko, may naaamoy akong pagkain.

Ang sweet nitong si Jhude!

Kaso hindi kailangan iyan sa mga sandaling ito. Ang tanging hinahangad ng katawan ko ay ang ibayong pahinga. For some unknown reasons, I feel drained. I can't remember anything. Ang tanging nararamdaman ko ay labis-labis na pagkahilo.

"Jhude mamaya na ako kakain. Patulugin mo muna ako." Pikit matang inabot ko ang unan, saka niyakap ito at isiniksik sa mukha ko dito. Napangiti ako sa amoy na nalalanghap nitong ilong ko. Napaka-manly ng unan. Kagaya ng pabangong gamit ni Justin. Bakit kaya naging magkaamoy na sila? Ano kaya ang nangyayari dito sa silid ko?

"You should eat Jheffy."

Nangalubot ang noo ko matapos marinig ang kasasalita lamang. Boses lalaki ito. Higit pa roon, kaboses niya ang number one enemy ko. Isiniksik ko lalo ang mukha sa unan. Marahil dala lang ito ng panaginip ko. As if, maririnig ko ang boses ng lalaking iyon sa mismong silid ko. Hindi kami ganoon ka...

I froze my system for a moment. Something came into my mind. Things that I shouldn't remember. First of all, ang paghalik ko ng mabilisan kay Justin doon sa opisina ni kambal, dahilan para hindi ako nakauwi sa amin. Kaya kina Zyle ako nakitira. And then at Candise party I did a big mistake. Ngunit naayos ko naman ito. After that...

No!

Iminulat ko bigla ang mga mata. Tumunghay sa paningin ko ang silid na hindi pamilyar sa akin. Darn! It's not mine nor my twin sisters room. Sinapo ko ang ulo at pilit na sinubukang alalahanin ang karugtong ngunit masyado akong nahihilo.

"Finaly you wake up."

Parang robot na nilingon ko ang nagsalita. Nakita ko ang nakangiting mga mata ni Justin. Heto na naman ang memorya ko. Gumana na sa pagkakataong ito. Nagflash back sa isip ko nangyari kagabi, 'yong sandaling ako ang humalik sa kanya.

Oh no!

Namimilog ang mga matang sinapo ko ang labi ko. Hinalikan ko siya, tapos hinalikan niya rin ako. At hindi normal ang halik na iyon.

"Are you okay?" ani Justin.

Nahigit ko ang hininga nang matanto na nasa noo ko na pala ang kamay niya. Sa labis na kahihiyan pinalis ko ang ito at titig na titig sa kanya na umaatras, habang paupo ko.

"H-huwag mo akong hawakan!" taranta kong sabi. Ngunit sadyang makulit si Justin dahil muli niyang ibinalik ang palad sa noo ko. Nang akma ko itong hihilahin bigla siyang nagsalita.

"Just try Jheffy, hahalikan kita." Banta niya.

Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Matapos ang mga nangyari kagabi, hindi pa ba siya nakontento? Dahil hindi pa gaanong gumagana ang utak ko, hinawakan ko ang kamay niya upang hilahin iyon pababa ngunit sadyang mabilis at mautak siya. Hinuli niya ang nakaangat kong kamay at ibinaba iyon. Sunod ipinagsalikop niya ang kamay naming dalawa.

BLS#8: HEARTBEATSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon