Chapter 14 On Caught
***JUSTIN POV***
"DARN Justin! What's the use of calling me this instance? Hindi naman malala ang injury mo!" palatak ng kaibigan kong Doctor na si Nate Joshua. Wala na akong maisipang tawagan. Ayaw ko namang magpunta sa Ospital para ipatingin ang kamay ko. Alam ko naman kasi ang magiging resulta. Si Jheff lang naman kasi ang pinuproblema ko. Pinapupumilitan niya na ipatingin ko na raw sa doctor. As if naman aalis ako dito at iwan siyang mag-isa. Tapos ano? May bigla siyang makitang bago, yung mas pogi pa sa akin at... At...
Mariin akong napailing. Ano ba itong kalokohan ang pumapasok sa utak ko? Wala namang mas hihigit sa kapogian ko dahil number one na ako lalo na sa mga mata niya.
Tss! Asa ka pa! sabad ng isang bahagi ng isip ko. Sarap ngang kutusan. Ayaw kasing makisama.
"Give it to me already." walang anumang inilahad ko ang palad.
"I really don't get you." iritable at iiling-iling na kinuha niya ang medical certificate na nakatago sa bag niya at padaskol na inilapag iyon sa kamay ko.
Hindi ko pinansin ang kasungitan niya. Ngingiti-ngiting tinitigan ko ang kapirasong papel.
My treasure! *O*
"Ano ba ang gagawin mo diyan? Where not in high school so why bother using that lame excuses?" Matabang sabi ni Nate Joshua sa pagitan ng pagliligpit ng gamit niya.
Hindi ko siya masisisi kung iyan man ang tumatakbo sa utak niya. Minsan na kasi namin itong nagawa nang nasa high school pa lang kami. Wala kaming magandang ginawa dati kundi ang magpasaway sa guro namin. Bakit? Dahil bored lang kami sa buhay. Minalas lang kami dati dahil nabuko kami sa katagalan. Kaya nang mabuking kami doon na nagsimula ang aming kalbaryo. Muntik na kaming ma-expelled. Buti na lang nagawan namin ng paraan. Napakiusapan namin si teacher. Ang kapalit, isang pamatay na project.
Iyan din naman kasi ang problema ng tao, gagawa ng kalokohan, kapag nandiyan na ang consequences doon na sila magsisisi.
But this one, I will use this for good. Through this, makukuha ko ang atensiyon ni Jheff. I can be with her without her running away from me.
It's my alas! ^__^
"Blackmail." Nakangising tinapik-tapik ko lang hawak na papel.
Desidido na akong gawin ito para naman mapalapit na ako kay Jheff. Nakakapagod na kasing makipag-hide and seek sa kanya. Mula pa ng high school kami ganito na siya. Kapag lumalapit ako, lumalayo siya. Misan nga naisip ko kung mabaho nga ako kaya niya ako nilalayuan. Sinubukan kong maliga tatlong beses sa loob ng isang araw ngunit wala paring nagbago.
Hanggang sa sinanay ko ang sarili sa panakaw at malayuang tingin. Ngunit ngayon hindi ko na kaya. Malaki na kami. Maraming posibilidad na pwedeng mangyari ngayon pa't napapansin ko na parami na ng parami ang umaaligid sa kanya. I have to make my move bago pa ako maunahan ng iba.
BINABASA MO ANG
BLS#8: HEARTBEATS
ComédieBEAUTIFUL LIARS SERIES #8 HEARTBEATS >Jhennifer Rose (Jheff) Llanes< Kinaiinisan ni Jheff ang makita o makadaupang palad man lang si Justin. She hates his guts. Kahit anong gawin kasi niyang pagpapanggap nagagawa nitong malaman na siya ang kaharap n...