Chapter 30 Rude

21 2 0
                                    

***JHEFF POV***

TAHIMIK kong pinagmamasdan sa isang sulok ang tatlong nilalang di kalayuan sa akin. Magiliw na pinupunasan ng lalaki ang gilid ng bibig ng batang babae na sa tingin ko ay anak nito. Ang katabing babae naman may ningning ang mga mata na nakamasid sa kanyang mag-ama. Isang masaya at buong pamilya.

May kirot akong naramdaman sa kaliwang bahagi ng dibdib ko. Kahit ilang araw na ang nakalipas hindi ko pa rin mapigilan ang mainggit at masaktan sa mga nangyayari ngayon sa akin. Bakit napakaunfair ng naka-Itaas. Sa lahat ng tao, bakit ako pa ang napili Niyang dumanas ng ganito? I've been mistreated by my father since I was young. I've been fooled by the mother up until now. I am even force to marry the guy my twin sister fall in love with.

I'm tired. So tired!

"Are you having fun torturing yourself?" malumanay na tanong ng babaeng kauupo lang sa katapat kong mesa.

Walang emosyon sa mukha na nilingap ko ang kaibigan. Nakatuon ang kanyang mga kung saan ako nakamasid kanina.

"Maybe," I shrug my shoulders and take a deep breath. Hindi ko inaasahan na maliligaw ang babaeng ito sa restaurant ng pinsan ko.

"It's been a while Jheffy," She looks at me this time, a sad smile curve on her lips.

"Yes, it's really been a while, Zyly." pilit akong ngumiti sa kanya. It took me two weeks to face the world. Kung tutuusin masyado pa itong maaga, nagkataon lang na marami akong pasanin sa buhay. I decide to fix everything in order for me not to fall further. As time goes by, it's feels like I'm in a quicksand, something is pulling me down. The longer I stay the more difficult for me to get up. I want to be myself again.

"You look so thin." She frowned.

I rolled my eyes and slyly smile. "Look who's talking."

"Hampasin kita diyan e!"

"Sige subukan mo." Nanlilisik ang mga mata na ipinakita ko ang aking kamao.

She rolled her eyes in return. "Bye the way Jheffy, I heard about what happened to you these past few days," nilingap ni Zyle ang tatlong taong kumuha sa atensiyon ko. "I know it's been hard for you." she looks at me again.

Hindi ako sumagot, sa halip malungkot kong tinapunan ng tingin ang tinatahak ng mga mata niya. Those happy smile, a happy scene that I've been wanted to experience again but it can never happen because the woman who supposed to make it happen, belong to someone else now.

Mariin kong ipinikit ang mga mata. I have to stop making myself miserable. Kahit ano pa ang gawin kong paghiling sa Itaas, hindi na magbabago ang lahat. Nakatadhana na maging miserable ang buhay ko.

"Are you going to meet him?" seryoso niyang tanong

"Did you investigate about me Krezyl Zane?" tawag ko sa buo niyang pangalan. Hindi na ako magtataka, kung tsismis ang pag-uusapan, number one marites ang isang ito.

"Nuh!" She shrugged her shoulders. "Sayang sa pera. Kahit hindi na ako mag-imbistiga, may pogie akong fiance na handang bumulong sa akin."

"Darn! Ipinagkanulo ako ng pinakamamahal kong pinsan nang dahil lang sa kapangitan mo. He's forgetting that we're family. I hate him." Hinilot ko ang sintido para kalmahin ang sarili.

"Gutom lang iyan Jheffy," she laughs.

"I am not joking Zyle," I sigh then look outside. Maraming sasakyan ang nagsiilawan sa labas. Siguro paparating na ang lalaking iyon.

"So I am right." Ani Zyle. Rinig ko ang malakas na pagnguya niya ng chichirya.

Nagpakawala ulit ako ng isang malalim na buntong hininga. Nasa emote mode na ako pero na gagawa niya pa rin ang kumain.

BLS#8: HEARTBEATSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon