Chapter 8 It's A Date
***JHEFF POV***
NAPABALIKWAS ako ng bangon. Labis-labis ang nararamdaman kong paghingal habang inililibot ang aking mga mata sa paligid. Pakiramdam ko, parang hinabol ako ng sampong aso para ngatngatin ang buto-buto ko sa katawan.
"Naman!" Lumunok ako ng laway at pilit na kinalma ang sarili. Bakit naman kasi kailangan ko pang mapanaginipan ang masaklap na nangyari sa kahapon ko? Isa itong bangungot na gusto ko ng kalimutan ngunit muling bumabalik dahil sa naulit na naman ito.
I bite my lower lip. Kung hindi naman kasi ako ipinanganak na tanga. Bakit ba naman kasi hinalikan ko ang kolokoy na yun? Binangungot tuloy ako. Tsk!
Nang kumalma na ang paghinga ko. Napatitig ako ng husto sa silid na kinasadlakan ko. Nag-iba ang dekorasyon. Nawawala ang ilang litrato kong nakasabit sa dingding. Sa halip napalitan iyon ng ilang paintings. In total. It's not my room.
"Where am I?" Kunot-noong napaisip ako. Muntik ko ng mabigwasan ang sarili nang may maalala ako. I'm here at my friend's house. Nagiging makakalimutin na yata ako. "Stupid."
Mariin kong ipinikit ang mga mata saka ibinagsak ang katawan sa kama. Ngunit sa pagpikit kong ito, muling sumagi sa isip ko ang nangyari sa amin ni Justin noon nang eighteenth birthday ko . Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi. Nakaraan na iyon. Past. Isang pagkakamali.
Marahan kong tinampal ang noo ko para gisingin ang sarili ka katotohanan na malaki iyong pagkakamali. Hindi naman ako ang dapat na halikan nun Justin kundi si Jhude. Nagselos siya doon sa lalaking yun kaya, marahil sa sobrang frustration hindi niya nahalata na ako talaga ang kaharap niya at hindi si Jhude.
Masaya na sana ako nang mapagtagumpayan kong lituhin siya ngunit naglaho iyon na parang bula nang dahil sa halik na iyon.
Napabuga ako ng marahas. Halik lang iyon, bakit parang big deal sa akin?
Paanong hindi magiging big deal? E, first kiss mo yon! Anang isang bahagi ng utak ko.
Well Jheffy, bagong hinirasyon na ngayon. Uso na ang maramihang halik! Kuntra naman ng isa.
Umiling ako ng ilang ulit para mawala ang dalawang boses na nagbabangayan sa utak ko. Mas lalo lang ako nitong nililito.
I sigh. Ang totoo kasi niyan. Sa tuwing nakikita ko ang lalaking yun o mahahawakan niya lang ako. O ang matitigan at mangitin. I touch my heart. May kakaibang nangyayari dito.
"Bakit ba hindi normal ang takbo mo kung andiyan siya?" mahinang tanong ko sa sarili.
"Who?" anang baritunong tinig.
"Ay kabayo!" gulantang nasapo ko ang puso ko sa labis na pagkabigla. Tinitigan ko ng masama ang walanghiyang nanggulat sa kagandahan ko. "Are you trying to kill me?!"
BINABASA MO ANG
BLS#8: HEARTBEATS
HumorBEAUTIFUL LIARS SERIES #8 HEARTBEATS >Jhennifer Rose (Jheff) Llanes< Kinaiinisan ni Jheff ang makita o makadaupang palad man lang si Justin. She hates his guts. Kahit anong gawin kasi niyang pagpapanggap nagagawa nitong malaman na siya ang kaharap n...