Chapter 3 Harassment

496 28 0
                                    

Chapter 3 Harassment

***JHEFF***
"JUSTIN! BITAWAN mo nga ako!" wika ko habang walang tigil na hinihila ang kamay ko na sobrang higpit niyang hinahawakan. Kung pwede lang sanang kagatin ko na lang para naman wala ng a-e-i-o-u na lalabas sa labi ko ngunit naaawa ako sa kamay niya. Masyadong kasing makinis baka mabawasan oras na...

Saglit akong natigilan. Ano naman itong pumasok sa utak ko? Naaawa ako sa kamay kasi makinis? Amputsa naman. Kelan pa ako naging concern so bruhong ito? Gusto kong upakan ang sarili sa mga kaabnormalang tumatakbo ngayon sa utak ko kaso busy pa ako. Kailangan kong makatakas kay Justin. Bakit? Kasi hawak niya ang kamay ko! Bakit? Kasi dadalhin niya ako sa kakambal ko. Hindi ito ang tamang oras kasi natitiyak ko na naroroon ang taong kinaiinisan ko. Sa mga naiisip mas lalo akong nagpumiglas. I don't want to see him! Not now!

"Justin!" pilit kong hinila ang kamay mula sa kanya ngunit hindi ko makawala. Naglagay siguro siya ng rugby dito.

Kung nagtataka man kayo kung bakit kami naghihilahan. Ganito kasi iyon, habang nasa kalagitnaan kami ng byahe tumawag ang butihin kong kakambal. Tapos ayon na nga, ipinapahanap ako. Kailangan daw akong madala sa opisina ora-mismo. Ito namang si Justin masyadong love ang kambal ko kaya sumunod kaagad.

Naman! Dapat kasi nang bumibili pa lang ang lalaking ito sa Mcdo tumakbo na ako ng buong bilis. Ang tatlong bata kasi ang nagpatigil sa takbo ko.

"Hoy!" Nagpatuloy lang siya sa pagkaladkad sa akin. Sarap sampahan ng kasong harassment. Hindi na ito makatao. "Pwede ba!"

"No." Sa wakas nagsalita na siya kaso one word, two letters.

Sa hinaba-haba ng pag-angal ko iyon lang talaga?!

"Taking me here is not the right thing to do!" I hissed.

"I'm doing the right thing." He said without looking.

"No you're not!" I heard him sigh. "You're already harassing me!"

He suddenly stopped. Gusto ko sanang magpa-party, nagbabakasakali ako na bibitawan niya ako at palalayain kaso nagkamali ako. Bakit? Kasi ang blangko niyang anyo ang sumalubong sa akin. Hindi ko tuloy mapigilan ang kabahan.

"What did you say?" nagsalubong ang kilay niya.

"A..." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Mukhang na-pepe na yata ako.

"Did you just say that..." nagpakawala siya ng isang marahas na buntong-hininga. "I am harassing you?"

Di ba tama naman ako? Nasasaktan ako sa paghila niya. Harassing na 'yon sa akin!

"A..." Hoy bibig gumana ka!

Mukhang ayaw yatang lumabas ng additional letters sa bunganga ko. Natorpe sa monster na kaharap ko. Kesa sagutin siya umatras na lang ako kaso sa kamalas-malasan hindi gaanong malayo ang naatrasan ko. Remember, hawak pa ng bruhong ito ang precious hands ko.

"Gusto mo bang makita kung paano ako mang-harass?"

Mabilis pa sa alaskwatrong umiling ako. Wala akong balak. Minsan na akong na-harass ng isang ito. 'Yong mga sandaling napagkamalan niya akong si Jhude. Sa pagkakaakala ko, lasing siya ng mga panahon na iyon. Kaya nga hindi ko siya gusto kasi naaalibadbaran ako sa kanya.

"J-Justin..." Kinutuban ako ng hindi maganda nang may gumuhit na nakakatakot na ngiti sa gilid ng labi niya. "A-ano..."

He smiled so sweetly. Sa isang iglap lang hinila niya ako papalapit sa kanya. Ipinulupot niya ang isang kamay sa baywang ko at inilapit ng husto ang katawan ko sa kanya. On impulse, naiharang ko ang mga kamay sa takot na mahimatay sa kakarampot na space.

BLS#8: HEARTBEATSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon