BEAUTIFUL LIARS SERIES #8
HEARTBEATS
PROLOGUE
***Sixteen Years Old Jhennifer Rose***
***JHEFF POV***
"I've been living with a shadows over head."
Maraming akong nakikitang tao. Sobrang dami.
"I've been sleeping with a clouds above my bed."
Lahat sila ay nakamasid at buong pusong nakikinig
"I've been searching for so long..."
Mariin kong ipinikit ang mga mata.
"Trap in the past that I can't seem to move on..."
Nasasaktan ako at natutuwa kahit paaano. Sapagkat nagawa ng mahal kong kakambal ang bagay na ayaw na ayaw niyang gawin sa lahat.
Ang kumanta sa harap ng napakaraming tao.
"All I wanna do is find a way back into love... I can make it through without a way back into love... "
Pilit kong kinalma ang sarili. Walang tigil ko ring pinupunasan ang mata kong basa ng dahil sa luha. Hindi ko kasi inakala na hahantong sa ganito ang lahat.
"Nothing's gonna stop us... nothing gonna stop us now..."
Matapos kantahin ang awitin na WAY BACK INTO LOVE. Saglit tumahimik ang mga tao. Paisa-isa ang pagpalakpak hanggang sa wala na akong ibang marinig kundi ang palakpak at hiyaw ng mga manonood.
Pilit akong ngumiti at dinama ang kaharap kong TV. I know. It supposed to be me singing that song but my Dad don't want me to do it. Ayaw niyang sundan ko ang yapak ni Mommy.
My twin sister Jhude, nagawa niyang kumanta hindi gaya ko. Nakakulong sa sarili kong silid.
>__<
I suddenly remembered what we've talk on the phone before she started singing.
"Jheffy... For now on... magiging matapang ka na gaya ko. At ako... aaktong mahina para sayo... I love you... Jheffy..."
Hindi ko siya nagawang sagutin ng mga sandaling iyon. Sapagkat may inggit na namumuo sa puso ko. Gusto ko rin kasing kumanta kaso isinuko ko ang lahat para hindi na magalit ang papa ko sa akin. Ayoko ng saktan niya ako.
Bahaw akong tumawa.
Hanggang ngayon ay nagtataka parin ako kung bakit kumanta si Jhude. Hindi ba siya takot sa Dad namin? Ngayon lang siya gumawa ng ganitong kalokohan.
Umalis ako mula sa kakatunganga sa Tv. Pinagmasdan ko ang sarili sa salamin. Sa aming dalawa ako ang nagtataglay ng maamong mukha.
Marahan kong pinunasan ang basa kong pisngi gamit ang isa kong kamay. Nagpatuloy ako sa pagpunas kahit pa walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko.
"K-kailangan ko na maging masaya para kay Jhude..." lumunok ako ng laway ko. I have to do this. Walang tigil kasi sa paggaralgal ang boses ko. "Hindi maganda na mainggit ako sa sarili kong kapatid." >__<
Buong tamis akong ngumiti.
Tama! Masyado kong mahal si Jhude! Kaya naman hindi ako magtatanim ng sama ng loob sa kanya! >__<
"Hindi ako..." marahan kong dinama ang mukha ko sa salamin. "Magtatanim ng sama ng loo-."
"JHEFF!"
Nagulat ako sa biglang pagbukas ng pinto. Iniluwa nun ang galit na anyo ng dad ko.
"Paano ka nakakanta?!" Marahas niyang hinawakan ang magkabila kong balikat. "Sino ang kumakanta sa TV?! Sino?!"
Nasasaktan ako sa ginagawa niya ngunit tiniis ko ang lahat ng ito. Matagal na akong nagtitiis.
"I'm sorry Dad..." muling pumatak ang mga luha ko. "I'm sorry."
Hindi ko magawang sabihin na si Jhude ang kumakanta. Masyado akong natakot kay Dad. Lalo na sa aurang taglay niya.
Itinaas niya ang isa niyang kamay. Marahil balak niya akong sampalin. Sanay na ako doon. Sanay na sanay.
Ipinikit ko ang mga mata para hintayin ang kamay niya na lumapat sa pisngi ko.
"May I know the name of this beautiful young lady?" dinig kong sabi ng host sa TV.
Maang na napatingin ako doon. Ibang Jhude ang nakikita ko. Ibang-iba, tila ba masyadong matapang ang aura niya. Di hamak na mas matapang kesa sa akin...
"I am..." buong ngiti niyang tinitigan ang mga manonood. Pakiramdam ko nga, sa akin nakatutok ang mga mata niya. "Jheff. Just call me Jheff." ^__^
Nanlaki ng husto ang mga mata ko sa narinig. My twin sister. She pretended to be me.
"That brat!" dinig kong sabi ni Dad. Mas sumama ang anyo niya.
Bago pa man ako makapagpaliwanag na hindi ako ang kumanta, naitulak na ako ni dad dahilan para matumba ako. Ang tangi kong ginawa ay ang pagmasdan ang pag-alis niya sa silid ko.
Naguguluhan ako.
I look again at the television.
"Why?"
***END OF JHEFF POV***
*********
11-02-2016
*********
BINABASA MO ANG
BLS#8: HEARTBEATS
HumorBEAUTIFUL LIARS SERIES #8 HEARTBEATS >Jhennifer Rose (Jheff) Llanes< Kinaiinisan ni Jheff ang makita o makadaupang palad man lang si Justin. She hates his guts. Kahit anong gawin kasi niyang pagpapanggap nagagawa nitong malaman na siya ang kaharap n...