Chapter 2 Ang Tatlong Bubwit
***JHEFF POV***
PAHINAMAD na pinasadaan ko ng tingin ang kabuuan ng napuntahan naming lugar nitong mortal enemy kong si Justin. Matapos niya akong hilahin at pwersahang ipasok sa sasakyan niya, hindi ko inakala na sa Mcdo niya pala ako dadalhin. Hinilot ko ang aking sentido. Nakakaano lang kasi. Pinagti-tripan yata ako ng isang ito. Bakit ko nasabi iyon? Sa pagkakaalala ko, Jollibee ang gusto ni kambal. Ako? Dito sa Mcdo.Napapadyak na ako sa labis na frustration. Bakit ba ang mahirap lokohin ng isang ito? Lagi ko namang ginagawa ang best ko para magpanggap na si Jhude. Sa katunayan, marami na akong napapaniwala pero itong kolokoy na ito, ang hirap utuin. Nakaka-mooset na siya. Superb. Kung mukha ang pag-uusapan. Sobrang magkahawig kami ni Jhude. Identical twins kasi kaming dalawa. Mula ulo hanggang paa, paa hanggang ulo. O ayan, 'san ka pa! Kung talent naman ang pag-uusapan, pareho din naman kami kaya naman.. bakit... bakit... bak-
"Bakit mo nginangatngat ang kuko mo Ate?"
Nailayo ko nang hindi oras ang butihin kong kuko na kanina ko pa pala mini-murder sa pobre kong ipin. Hindi ko mapigil, ganito talaga ako kapag sinasalakay ng inis sa katawan.
"Masarap ba?"
"Malamang oo. Hindi ka na nasanay May-may!"
"Saree Marco, as in saree!"
Bored na nilingon ko ang kinaroroonan ng mga bulinggit na feel akong laitin. Kontodo ingay pa. Kagaya ng inaasahan ko. Ang tatlong batang hamog na naman. Sila ang lagi kong nakikita- mali pala, sila itong laging nakakakita sa akin. Ang lakas ng radar ng mga ito.
"OA mo May-May." It's Ramon, nakasuot ito ng butas-butas na damit. Hindi ko napigil ang pag-angat ng kilay ko. Binigyan ko siya ng damit kamakailan, Ano ginawa niya roon? Beninta?
"Maganda naman!" Nakangising sagot ni May-May. Kung tama ang memorya ko, Maria Yael ang pangalan ng maliit na ito.
"Huwag kayong magmayabang sa harap ni Ate..." saglit akong sinulyapan ni Marco, mukhang nalilito pa siya kung sino ang nagmamay-ari ng mukhang ito.
"Jheff." tipid kong sagot. Hindi din naman ako ang nagbibigay ng pagkain o kaya ng ilang gamit. Kasama na roon si kambal.
"Ate Jheff."
"Hindi kita kapatid." Pamimilosopo ko sa kanya.
"Pa-apply." Itinaas ni Marco ang kanang kamay na sinundan ng dalawa pang bata.
"Ako rin!"
"Mas lalo na ako!"
"Wala akong pera na ipangtutustos sa inyo." nakakrus ang mga kamay na sabi ko. Nagsikibit lang sila ng kani-kanilang mga balikat.
"Ate, pagkain namin asaan na?" ani May-May, sabay lahad ng palad.
"Oo nga." Marco pouted.
"Saree." panggagaya ko sa tuno ng pananalita ni May-May kanina. "Isa akong mahirap na mamamayan nitong mundong ibabaw kaya naman. Sareee!"
"Kailan ka pa natutong magsinungaling?" Kinamot ni Ramon ang kanyang ulo.
"Since birth." sagot ko sa kanya.
"Kailan ka pa natutong magsalita?"
"Since-"
"Birth." dugtong ni Marco sa balak kong sabihin with matching cross arms and raising his eyebrow. Hindi ko tuloy napigilan ang matawa. Bweno, walang araw na hindi ako napapatawa ng tatlong bulinggit na ito.
BINABASA MO ANG
BLS#8: HEARTBEATS
HumorBEAUTIFUL LIARS SERIES #8 HEARTBEATS >Jhennifer Rose (Jheff) Llanes< Kinaiinisan ni Jheff ang makita o makadaupang palad man lang si Justin. She hates his guts. Kahit anong gawin kasi niyang pagpapanggap nagagawa nitong malaman na siya ang kaharap n...