Chapter 13 Jammed

257 22 0
                                    

Chapter 13 Jammed

***JHEFF POV***

INABALA ko ang sarili sa pagpapaganda. Sabi ng nadaanan naming mayordoma kanina, kailangan ko raw magmukhang tao sa harap ng mga bisita ng celebrant. Nakakahiya naman daw kung maong pants at huge shirt lang ang suot ko. Baka raw mapagkamalan akong waiter dahil iyon ang susuutin ng mga ito mamaya.


Muntik na nga akong mainis. E ano naman ngayon kung ganito ang suot ko? At least imbitado ako. Tao parin ako sa harap ng mga tao at take note maganda parin ako kahit gaano kabadoy ang isuot ko. Kaso itong mayordoma nila hindi marunong magbigay halaga sa mga bisita.


Tss! Kung makapag-react din ng sabihin ni Candise na ako yung singer na si Jheff, na ako naman talaga. Tinaasan ako ng kilay na parang dudang-duda. Hindi ba siya nanonood ng tv? Masyado na bang malayo ang pagmumukha ko doon sa ngayon?


"A-Ate Jhude. P-pagpasensiyahan mo na kanina si Manang Tonnet, masyado lang kasi siyang strikta." Nakayukong sabi ni Candise. Mukha siyang nahihiya. Malamang, bisita niya ako at isa pa, naghirap ang batang ito na mapapayag ako tapos ito pa ang kinahinatnan ng lahat.


I take a deep breath and look at her in the eyes. "Okay lang. Hindi naman super-duper brutal iyon. Brutal lang. Naiintindihan ko naman siya." =__=


Pansin ko ang pagngiwi niya. "S-sorry."


Muli akong nagpakawala ng hangin bago sinulyapan ang sarili ko sa salamin. Kaunting make-up na lang ang kulang. Bago ko nga pala makalimutan, nasa loob lang kaming dalawa ng powder room nitong si Candise. Kumpleto lahat sa gamit ang ipinagtataka ko nga lang. Sa dami ng mga kagamitan dito, hindi ko man lang makita sa mukha nitong si Candise na gumagamit nga siya nito.


"A-ano... Ate?"


"Hmm?" Sinulyapan ko siya sa salamin.


"Sigurado ka ba na ikaw na lang ang magpapaganda sa sarili mo? P-pwede ko namang ipatawag ang nagpapaganda sa amin kapag may ganitong okasyon."


"Hindi na kailangan." Iwinasiwas ko ang isang kamay sa ere. "Sanay na ako sa ganito." Kinuha ko ang eye shadows at nagsimulang e-apply iyon sa mata ko.


"S-sigurado ka?" paniniyak niya.


"Yap." I nodded. "Gaya ng nasabi ko na, sanay na ako. I've been doing this for a couple of year's kaya so easy na sa akin ang lahat." Nagpatuloy ako sa pagpapaganda kahit nagsasalita ako. "Dati, ako lang mag-isa. Noong una palpak pero pinag-aralan ko siya para naman hindi ko na kailangan ang tulong ng iba. Hanggang sa na-master ko na."


Hindi ko napigil ang mapangiti. Naalala ko kasi kung gaano ako nagmukhang alien dati.


"Talaga? As in ikaw lang?" Namilog ang mga mata niya.


"Oo naman. Kailangan kong sanayin ang sarili. Sa dami ba naman ng concerts na dinalu-" nabitin ang ngiti ko sa ere. Ramdam ko ang pagpatak ng pawis ko.

BLS#8: HEARTBEATSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon