Chapter 23 What if

231 15 0
                                    

***JHEFF POV***

"ARE you okay now Jheffy?"

Isang mabagal at mahinang iling ang pinakawalan ko. Masyado pa akong pagod at nanghihina. Mukhang hindi pa ako nakaka-move on sa ilang kaganapan kanina.

Sino ba naman ang hindi magagaya sa akin. Yung tipong nakita mo rin sa wakas ang nilalang na matagal mo nang inaasam na makita tapos nauwi lang sa halunisasyon ang lahat. Sa huli, naging bigo lang ako, lalo na ang puso ko.

Napahigpit ang pagkakahawak ko sa baso ng tsaa na ibinigay sa akin ni Justin, para daw kumalma ako kahit paano. Buti sana kung umepekto. Hanggang ngayon kasi, lutang pa rin ang utak ko.

Bago ko nga pala makalimutan, nandito ako sa bahay ni Justin. Saglit akong nawalan ng malay kanina, baka sanhi ng labis na stress sa bahay, sa buhay ko at sa mama ko. Ang hindi ko lang maunawaan ay kung bakit dito niya ako dinala at hindi sa bahay ng kaibigan kong si Zyle. Baka nga nag-aalala na iyon sa akin.

"Then rest for now." Inayos ni Justin ang unan sa likuran ko. Another information. Hindi lang ako sa bahay niya ngayon kundi sa silid niya mismo.

I feel embarrass for some reasons.

"H-Hindi na siguro Justin." Inilapag ko ang tsaa sa kalapit na may kaliitang aparador na nasa tabi lamang ng higaan.

"Why?" bakas sa anyo ang labis na pag-aalala na wika niya.

Huminga ko ng malalim.

"Baka hinahanap na ako nina Zyle at cas Vince." Kay Zyle, baka maniwala ako na nag-aalala iyon. Sa pinsan ko? Duda ako diyan.

"They wouldn't mind."

"Ha?" Kinunutan ko siya ng noo. May puso pa rin naman ang dalawang iyon. Kung maka-wouldn't mind ang isang ito, wagas!

Walang sabi-sabing hinawakan niya ang kamay ko at buong suyo itong pinisil.

"What I mean is, nang mga sandaling tulog ka, natawagan ko na sila. So, hindi na sila magtataka at mag-aalala kung nasaan ka ngayon."

What the-

"Pinagkatiwala nila ako sa iyo? Agad-agad?" I sound sarcastic. Hindi yata tumatak sa utak ko ang sinabi niya. Hindi sa ano, pero nakakano na talaga e. Vincent new that I hated Justin to the core but that was before. I can't believe that my cousin entrusted me with this guy in an instant.

"Yes." Tipid niyang sagot saka kiming ngumiti.

"And it's okay with him that I'll sleep here, in your house?"

"What's wrong with that?"

Parang sasabog ako sa labis na pang-iinit ng mukha ko. Tinanong talaga? Lalaki siya, babae naman ako na ubod na inosente pagdating sa kung anong ka-churvahan.

"K-kasi..." pinagtama ko ang magkabila kong hintuturo. Darn! I feel shy and embarrass.

Putik! Hindi ako prepared!

"Don't tell me..." Justin stared at me for a long time. The way he looks at me, tila sinabi niyon na nabasa niya ang nilalaman ng maharot kong utak.

"N-No!" mabilis ang ginawa kong pag-iling. Kahit mamatay man ang lahat ng kuko sa mga paa niya, hindi ko aaminin iyon. "Y-you got it wrong!"

"Jheffy," he blinks rapidly.

"Justin, I said you got it wrong!"

He never said a single word. Instead he keeps on staring at me.

Darn! I hate it!

Kaya naman sa halip na makipagbangayan, kinuha ko ang unan at isiniksik ko doon ang mukha ko.

BLS#8: HEARTBEATSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon