Chapter 7 Past : KISS
***Eighteen years old Jhennifer Rose***
***JHEFF POV***
"HAPPY Birthday to you..." Matapos ang kanta, palakpakan ang sunod kong narinig. All eyes are watching at me and my twin sister Jhude. Panay ang pag-thank you namin sa mga bumabati. Kahit ang totoo ay ngawit na ngawit na ang mga panga namin sa kakangiti.
We have to be polite with our guest. If we don't? Makakatikim kami ng bonggang-bonggang pangaral sa ama namin. Buti sana kung iyon lang. Si Jhude, baka makalagpas sa galit. Ako? Baka madagdagan ang pasa ko sa katawan.
Speaking of pasa. Pasimple kong dinama ang kamay kong nababalutan ng gwantes. I still feel the pain. Oras na tanggalin ko ito tiyak na makikita ang tinatago ko sa mga tao. Ang tinatago ng masaya kuno naming pamilya.
Ako, na laging nakakatikim sa papa ko ng pananakit. Mentally and emotionally. Dati na akong sinasaktan ni papa lalo na nang iwan kami mi Mama. Mas lumala nga lang ngayon kasi naging singer na ako. Hindi ko na ito magawang talikuran dahil ito ang bumubuhay sa akin. Why? Dahil ako na mismo ang nagpapaaral sa sarili ko. Hindi na tumutulong si papa sa akin. Parusa ko raw ito sa pagiging suwail ko.
I smile bitterly. Why do I have to be punished like this? Sinubukan ko na maging mabuting anak sa kanya ngunit sadyang malayo ang loob sa akin ni Papa.
"Happy birthday Jude." Natigil ako pag-iisip. Nalipat ang mga mata ko sa kakambal kong si Jhude na ngayon ay kaharap ang bestfriend niyang lalaki na si Kiel Justin. Lagi ko silang napapansin na magkasama. Minsan nga ay nagdududa ako sa closeness nila. I was once asked her but she always denied it. Hindi daw sila at kailan man ay hindi magiging sila. Kasi kaibigan lang daw ang turing nila sa isa't isa.
Duda ako! =__=
"I'm not Jhude." Pasupladang sabi ng kakambal ko, sabay nguso sa akin. "It's her, not me."
Justin just smiled at her and gently pinched her cheeks. "I can't be wrong Jhudy. I am hundred percent that it's you."
"Well, sorry." She smirk. "I am hundred percent sure that you're wrong." Tinanggal ni Jhude ang kamay nito sa pisngi niya at tinuro ako. "She's Jhude, and we're not even close."
Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Alam namin pareho na buking na siya at hindi makakalusot pa. Dahil si Justin lang ang natatanging tao na makakapagsabi kung sino sa amin ang totoo at hindi. Iyan nga ang ikinabibilib ko dito. Kung totoosin ay iisang mukha lang ang taglay namin ni kambal ngunit siya, napakadali niya lang magawang tukuyin kung sino sa amin ang totoo at hindi. Sa mabilis na sandali.
"Silly." Ani Justin, muling pinisil ang mukha ni Jhude.
"Ouch." Angal ni kambal.
Napapitlag ako nang biglang mapalingon sa kinaroroonan ko si Justin. He gave me his sweetest smile. I don't know why, lagi akong naiirita sa tuwing papansinin niya ako. Parang may pumipitik kasi sa kaliwang parte ng dibdib ko. Na hindi ko mapangalanan kung ano.
BINABASA MO ANG
BLS#8: HEARTBEATS
HumorBEAUTIFUL LIARS SERIES #8 HEARTBEATS >Jhennifer Rose (Jheff) Llanes< Kinaiinisan ni Jheff ang makita o makadaupang palad man lang si Justin. She hates his guts. Kahit anong gawin kasi niyang pagpapanggap nagagawa nitong malaman na siya ang kaharap n...