Chapter 9 Food

282 23 1
                                    

Chapter 9 Food


***JHEFF POV***

IRITABLING pinasadaan ko ng tingin ang menu na ibinigay sa akin ng waiter kanina. Bwesit na bwesit kasi ako. Yung feeling na ang tahimik ng buhay mo. Ang saya ng paglilibot mo sa mall tapos may hihila lang sayo at pwersahan kang e-di-date. Buti sana kung gusto mo yung tao kaso hindi naman. Mortal kaming magkaaway!


Nasaan ang hustisya sa kagaya kong inosente?! >__<


"Are you not going to choose Jheffy?" may kalambingang sabi ng mortal enemy kong si Justin.


Mariin kong ipinikit ang mga mata para iwaglit sa isip na may kasama akong baliw dito. Kaya naman nagpatuloy ako sa pagtitig sa menu. Sa sobrang pagtitig ko dito halos dumikit na ang mga mata ko doon. The heck!


Ang pinakaayaw ko kasi sa lahat ay ang pinipilit ako sa bagay na ayaw ko. Kaya naman masanay na siya sa cold treatment.


"Jheffy?" Tawag niya.


"I'm Jhude." Walang kabuhay-buhay kong sagot.


"You're Jheff." Giit niya.


"Nope. I Jhude." I keep on looking at the menu.


"Jheffy!" Bigla na lang nawala sa mga kamay ko ang menu. Justin took it.


"What's your problem?!" asik ko.


"You." Walang kagana-ganang sagot niya, sabay tawag sa napadaang waiter. At sa kamalas-malasan ang butihin ko pang kuya ang nahatak niya.


Malas! =__=


Tinitigan lang ako ni Kuya. Marahil inuusig siya kung sino sa amin ng kambal ko ang kaharap niya. Inilabas ko ang ngiting tanging si Jhude lang ang nakakagawa sa tuwing kinakausap niya ito. "Hi bro." ^__^


"Jhude?" may pagdududa sa boses niya.


"Yep." Dagli akong tumango. See, pati Kuya ko nagawa kong paniwalain. Bwahaha!


"She's Jheff." May ngiti sa labing sabi ni Justin.


Nabitin sa ere ang ngiti ko sa sinabi ni Justin. Sa totoo lang gustong-gusto ko siyang batukan. Kinabahan ako ng mapakunot-noo si Kuya. Mukhang sa kanya ako makakatikim ng isang bonggang-bonggang batok.


"Bakit kayo magkasa Jheff?" Biglang sabi ni Kuya.


Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "I'm Jhude."


"She owes me a date." Biglang sabi ni Justin. Hindi mawala ang kasiyahan sa mukha.

BLS#8: HEARTBEATSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon