Chapter 18 The Kiss
***JUSTIN POV***
PINAGMASDAN ko ang maamong mukha ni Jheff na ngayon ay mahimbing na natutulog sa sofa. Nakatagilid siya ng higa at mukhang inaayunan ito. Kahit hindi man niya sabihin, batid ko na nangangalay na siya sa ginagawa. Sa kabila niyon hindi ko mapigilan ang mapangiti. Jhude does this to make me feel comfortable.
Maingat kong kinarga ang natutulog na si Jheff sa silid ko. Kailangan na ako naman ang makabawi sa kanya. Ngunit pagkabuhat ko pa lang sa kanya muntik na akong mabalian ng likod sa bigat niya. Ang liit niyang babae pero mukhang marami yata siyang karga sa tiyan.
Sa ikalawang pagkakataon nag-conserve na ako ng enerheya para sa mabigat na babaeng bubuhatin ko. Kakalagay ko pa lang ng isa kong kamay sa bandang leeg niya saka pa siya nagmulat. Pigil ko ang hininga lalo na nang maghinang ang mga mata naming dalawa. Sunud-sunod ang ginawa kong paglunok nang pandilatan niya ako.
"Justin..." mahinang anas niya.
Ito na ba iyon? Makakatikim na ba ako ng sapak sa kanya? Sa mga naiisip, naipikit ko ang mga mata at hinintay ang pamatay niyang sapak. Ngunit sa tinagal-tagal ng pikitang ito, wala akong naramdaman na kahit na ano. Ni pitik sa ilong ay wala, sa halip ay bumagsak ang ulo niya sa braso ko. Mabuti na lang nakamulat ako kaagad. Naagapan ko ang pagbagsak niya.
Napabuga ako ng hangin. Mabuti na lang pala tinulugan niya ako ulit. Paano lang kung hindi? Napailing na lang ako. I shouldn't think about this. Ang dapat kong isipin ngayon ay ang kalagayan ni Jheff. I have to bring her in my room.
Kaya heto, muli akong bumuwelo sa ikatlong pagkakataon. At napagtagumpayan ko ito. Noong una maingat ko siyang inihiga. Sunod niyon uminat ako. Ramdam ko ang pagsakit ng likod ko. Mukhang kailangan ko na yatang mag-gym. Hindi na malakas ang buto-buto ko sa katawan. If Jheff knows this, tiyak na kakantiyawan niya ako. Magagawasan ang pogi point ko. Bweno, matagal naman talaga itong nabawasan.
"Justin."
Naudlot ang ginawa kong paghinga ng malalim matapos kong marinig ang boses ni Jheff. Sa labis na pagkabigla, pinihit ako ng ubo. Tinapik ko ang dibdib para maibsan ang pangangati nito. Matagal bago ako natigil. May kabagalang nilingon ko si Jheff na hanggang ngayon ay tulog parin.
"Jheffy." Nanghihinang napaupo ako sa dulo ng kama at pinagmasdan siya. "Why you always talk when your sleeping?"
Kumunot ang kanyang noo saka tumagilid ng higa dahilan para matakpan ang maamo niyang mukha, ng ilang hibla ng kanyang buhok. Buong ingat na lumapit ako saka inayos ang nagulo niyang buhok. Pigil ko ang aking hininga matapos ko siyang mapagmasdan ng malapitan. Her beauty is breathtaking. Oo nga't may pagkakahawig sila ni Jhude pero iba ang takbo ng puso kapag nariyan siya.
"Marry my daughter Kiel Justin!"
Ikinuyom ko ang mga kamay matapos sumaksak sa isip ko ang pag-uusap namin ng papa niya. Dahil sa isang pagkakamali nagawa kong pakasalan ang kambal niya.
"Don't worry Jheffy. I'll make everything's right." pagkasabi ko niyon, hinalikan ko ang noo niya.
***END OF JUSTIN POV***
***JHEFF POV***
KINUSOT ko ang kaliwa kong mata para magawa akong aninagin ang paligid. Madilim na kisame ang sumalubong sa akin. Nagsalubong ng husto ang mga kilay. Bakit naman kisame ang sasalubong sa akin? Saglit akong napaisip. Naalala ko kung paano kami mag-away ni Justin dahil sa pinagpupumilitan niya na may responsibilidad ako sa kanya. Pagkatapos niyon ginawa niya akong higaan. Tapos nakatulog ako at... at...
BINABASA MO ANG
BLS#8: HEARTBEATS
HumorBEAUTIFUL LIARS SERIES #8 HEARTBEATS >Jhennifer Rose (Jheff) Llanes< Kinaiinisan ni Jheff ang makita o makadaupang palad man lang si Justin. She hates his guts. Kahit anong gawin kasi niyang pagpapanggap nagagawa nitong malaman na siya ang kaharap n...