Chapter 26 Truth

103 7 0
                                    

Chapter 26 Truth

***JHEFF POV***

TAHIMIK kong pinagmamasdan ang nakasarang pinto ng silid ng ama ko. Nasa loob siya at nasa mabuti nang kalagayan. Gusto ko siyang puntahan sa loob para kausapin at nang makahingi ng paumanhin. Kaso natatakot ako, baka oras na makita niya o marinig man lang ang pangalan ko ay muli siyang atakihin sa puso.

Kinagat ko ang dulo ng kuko ko sa labis na frustration. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Kung hindi ko ginawa iyon sa harap niya, hindi siya aatakihin sa puso. Hindi manganganib ang buhay niya.

I'm always at fault!

May kung ano ang bumara sa lalamunan ko. Ang mga mata ko naman ay nagsisimula na namang humapdi. Sasaktan na naman ba niya ako? Kagaya ng dati? O ikakaila niyang may anak siyang gaya ko?

I will hate you more!

Muli kong narinig ang malakas na sigaw ni papa bago siya atakihin at mawalan ng malay. Ending my life is not the best solution to forget everything. Just like what he said, he will hate me more. Then, what am I going to do? I can't take the pain every time he sees me.

"Aren't you curious why that woman haven't contact you yet?"

"B-Busy ang mama-"

"She already has her own family now Jhennifer Rose!"


Mariin kong nakagat ang daliri ko kaya dumugo iyon.

Totoo ba ang sinabi ng papa? May ibang pamilya na ang mama ko? Ipinagpalit ba talaga niya kami sa iba dahil hindi na siya masaya sa amin? Dahil ba sa akin? Kaya ganoon na lang kagalit ang papa? Kaya ba lagi na lang niya akong sinasaktan? Ganoon ba iyon?

"What the heck are you doing Jheffy!"

Biglang nawala sa labi ko ang daliri ko na kanina ko pa pinanggigilan. Maang na sinundan ko ng tingin ang may ari ng kamay na humila niyon. Ang nag-aalalang mukha ni Justin ang sumalubong sa akin.

"I told you not to hurt yourself Jheffy,"

Hurt? Did I hurt myself again?

Napasulyap ako sa daliri ko, may pulang likido doon na lumalabas. Mabagal itong umagos pababa. Hindi masakit. Wala akong nararamdamang sakit dahil higit na nangunguna ang puso ko na labis na nawasak.

"Please, don't make me worry." Ani Justin, pinunasan niya iyon gamit ang panyo siya saka hinila ako patayo. Ang tanging ginawa ko ay ang magpaubaya. Ewan, hindi ko maintindihan itong sarili ko. Para akong nakalutang at wala ni anumang tinatapakan.

Namalayan ko na lang na nasa loob na ako ng isang silid. Maingat na ginagamot ng asawa ng kaibigan ko ang daliri kong may sugat.

"It's done," inporma ni Doctor Nathaniel. Hindi mawala ang ngiti sa mga labi niya.

"Thanks Nath," tinapik ni Justin ang balikat ni Doc.

"It's nothing my friend, hindi naman ganoon kalala. Pero kung makasugod ka parang agaw buhay na," Iiling-iling na iniligpit ng doctor ang gamit niya.

"If it happened to the one you love will you at rest?" iritabling wika ni Justin. Hindi maperme ang mga mata niya at napapasulyap sa akin. Di kalaunan namula ang pisngi ang tenga niya.

"Darn! How did I forget?" eksaheradong tinapik ni Doctor Nathaniel ang noo. "It's the hellish part of my life when my wife got shot in front me."

"Sabi ko na sayo!"

"Asawa?" walang anumang tanong ko. Hindi nasabi sa akin ni Analine na kasal na sila ng lalaking ito. "Kasal na kayo ni Annie?"

"Yes," proud na ipinakita niya ang singsing sa kanyang daliri. "Kanina lang, sa judge muna. Nanigurado na ako baka magbago ang isip. But I'm preparing for our grandest wedding. My Annie wants it to be simple, dad and me won't allow that."

BLS#8: HEARTBEATSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon