Chapter 27 Heartbreaks
***JHEFF POV***
HINDI matigil sa pagpatak ang mga luha ko habang tinititigan ng buong pait ang puting kisame. Naririto pa rin ako sa Ospital, sa ngayon ako naman ang umuukupa ng silid dito.
Humingi ako ng malalim. Gusto kong kalmahin ang sarili ngunit ayaw nitong sumunod sa akin. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa isipan ko ang lahat. Ang pesteng katotohanan na sumampal sa akin.
Naiinis ako sa sarili ko, sa mundong ginagalawan ko. Bakit sa akin pa nangyari ang bagay na ito. Bakit ako pa ang kailangang magdusa dahil sa kanya?
Hindi ko mapigilan ang mapahikbi. Kanina pa naninikip ang dibdib ko. Sobrang malat na rin ng lalamunan ko. Gusto kong itigil ang pagluluksang ito ngunit hindi ko magawa-gawa. Hindi ko matanggap na ako ang may kagagawan ng pagkawasak ng pamilya namin. Kung hindi dahil sa akin, kung hindi ko sana ipinagpilitan ang kagustuhan ko na maging gaya ng mama na magaling kumanta. Hindi tutuntong sa pamamahay namin ang lalaking iyon. Hindi sana sila magkakalapit ng mama. Walang siraan ng pamilya ang magaganap.
"Ako ang may kasalanan," impit akong umiyak. Paano ko pa haharapin ang papa? Nararapat lang na sisihin niya ako. Ako ang malas sa aming magkakapatid.
"J-Jheffy baby." Bungad ni Justin pagkapasok niya ng silid. Hindi ko na siya nagawang tapunan ng tingin. Pakiramdam ko nasa loob ako ng isang dimensiyon. Puro negatibo ang yumayakap sa akin. Nakikita ko ang larawan ng masaya naming pamilya hanggang nawasak iyon na parang isang kristal.
"I deserve all the punishment," nanginginig na bumangon ako at tinakpan ang magkabila kong tainga. Sa hindi ko malamang kadahilanan naririnig ko ang galit na boses ng papa. Ang mga masasakit na salita na lagi niyang binibitawan.
"I'm sorry papa... I'm sorry..." histerikal kong sabi.
"My Jheffy," sa isang iglap lamang ay nasa mga bisig na ako ni Justin. Mahigpit niya akong niyayakap. "Please, it's not your fault."
"Not my fault?" wala sa sariling usal ko. Lies!
"Yes, it's never been your fault. So stop blaming yourself."
Ilang ulit akong umiling. Isang malaking kasinungalingan ang mga sinasabi niya. Walang isa man doon ang totoo.
"H-Hindi e..." bakas ang labis na panghihina sa boses na wika ko. "A-ako ang naglapit sa kanila... A-ako ang dapat sisihin kung bakit umalis ang mama... at... at sumama sa music teacher ko."
"Jheffy," tutol ni Justin.
"K-kung hindi ko sana pinagpilitan na maging kagaya ng babaeng iyon... h-hindi sila maghihiwalay ng papa," Huminga ako ng malalim. "B-buo pa sana kami. H-hindi ako kakamuhian ng papa..."
Naalala ko ang lahat ng paghihirap na naranasan ko. Kahit mayaman kami, pinagkaitan ako ng karapatang makapag-aral. Lagi akong nakakaranas ng pananakit.
"K-Kung sinunod ko lang sana ang kagustuhan niya, h-hindi na sana hahantong sa ganito." Impit akong umiyak.
"You are wrong Jhennifer."
Binuhay ng panibagong boses ng babae ang pait at sakit na bumalatay sa puso ko. Walang anumang napasulyap ako sa bandang pintuan. Nakatayo doon ang dahilan ng lahat ng paghihinagpis ko.
"You shouldn't be here Tita Susana." Kumalas sa akin Justin at hinarap ang bagong dating na babae.
"I'm not in love with your dad. Arrange marriage lang ang lahat sa pagitan namin. Si... si Alfonzo, siya ang matagal ko ng minamahal. Hindi pa kami ng papa mo, mahal ko na siya. Kahit na hindi ka nagpumilit noon, wala pa ring magbabago. Pipiliin ko pa rin ang lalaking mahal ko,"
BINABASA MO ANG
BLS#8: HEARTBEATS
HumorBEAUTIFUL LIARS SERIES #8 HEARTBEATS >Jhennifer Rose (Jheff) Llanes< Kinaiinisan ni Jheff ang makita o makadaupang palad man lang si Justin. She hates his guts. Kahit anong gawin kasi niyang pagpapanggap nagagawa nitong malaman na siya ang kaharap n...