Chapter 12 Alagaan Mo Ako!
***JHEFF POV***
"KUYA Justin..." kapwa kami napalingon ni Justin kay Candise na mukhang nabalot ng kalituhan ang anyo. Nakataas ang isang kamay niya sa ere habang palipat-lipat na itinuturo ang hintuturo sa amin ni Justin. "B-bakit mo tinawag na Jheff si Ate Jhude?"
Nanigas ako mula sa aking kinatatayuan at gilalas na napatitig dito. Buking na ba ako? Ito naman kasing si Justin ang darming arte sa katawan. Ilang ulit ko ng sinabi sa kanya na kailangan niyang tawagin akong Jhude kaso ang kulit lang e.
He never calls me Jhude whenever I pretend to be my twin sister. Ito ang kapalpakan na lagi niyang ginagawa. Hindi niya ako magawang sakyan.
Darn!
"Candise..." napalingon ako kay Justin na hindi mababakas sa anyo ang pagkabahala. He's acting as if nothing's happened.
Siya na itong kalmado samantalang ako gusto ng tumakbo palabas ng bahay nitong si Candise at bumalik sa pamamahay ng nagleleheng si Zyle.
"Could you please bring the cold compress? As you can see..." Itinaas niya ang nasaktang kamay. "It's kinda painful."
"Oh!" Bulalas ni Candise. Ngayon niya lang yata nahalata na may namimilipit dito. "K-Kukunin ko muna sa loob."
Nasa anyo parin niya ang kalituhan habang tinatahak niya ang looban ng bahay. Napaupo naman ako ng hindi oras sa lupa sa labis na kaba. Buti na lang hawak ni Justin ang kamay ko. Doon kasi ako kumukuha ng lakas. He saves me.
Nope! Because of him you are in trouble! Tutol ng isang bahagi ng utak ko.
Mas nanghina ako sa naiisip. Kung totoosin si Justin nga ang dapat kong sisihin. Kung hindi dahil sa kanya hindi ako mapapapayag ng Candise na iyon at hindi rin ako mabubuking na hindi nga talaga ako si Jhude.
Double darn! >__<
"Jheffy? What's wrong?" nag-aalalang tanong ni Justin.
"Really?" Hindi makapaniwalang nilingon ko si Justin na ngayon ay nakaupo na. "You have the guts to asked that?" +__+
"I'm curious." He shrugged his shoulders.
Aba't! >__<
"Justin!" I hiss. Hindi ko kayang sakyan ang pa-innocent effect look niya, e halata naman na hindi siya inosente.
"Hmm?" Question mark is all over his face.
Pinigil ko ang sarili na sabunutan siya dahil sa inaalala ko ang kapansanan niya. Pero sa totoo lang kating-kati na ang mga kamay ko. Buti na lang pinagkalooban ako ng matinding self-control dahil kung hindi? Mata lang ng lalaking ito ang walang latay.
BINABASA MO ANG
BLS#8: HEARTBEATS
Hài hướcBEAUTIFUL LIARS SERIES #8 HEARTBEATS >Jhennifer Rose (Jheff) Llanes< Kinaiinisan ni Jheff ang makita o makadaupang palad man lang si Justin. She hates his guts. Kahit anong gawin kasi niyang pagpapanggap nagagawa nitong malaman na siya ang kaharap n...