***JHEFF POV***
WALANG ibang ginawa si Justin kundi ang pagmasdan ako kahit na ilang ko siyang tawagin. Kaya naman ako na ang kusang lamapit sa kanya. Habang paliit ng paliit ang espasyo naming dalawa, napagmamasdan ko ng maiigi ang kanyang mukha. Nanlalalim ang mga mata niya.
Nag-isang guhit ang mga kilay ko. Bago ako nagpunta dito, natitiyak ko na hindi ganoon kadami ang pasa niya sa mukha. Kahit ang labi niya ay may maliit na hiwa.
"Who did this yo you?" tanong ko. Marahan kong idinampi ang daliri sa gilid ng labi niya. Hindi siya sumagot o nagreklamo man lang. Nasa malayo ang tingin niya.
"Justin?" Pukaw ko sa kanya. Sinundan ko ang tinatahak ng kanyang mga mata. Wala naman akong nakikitang ibang tao. May nakikita ba siya na hindi ko nakikita? Is it a ghost?
Nahigit ko ang hininga matapos akong yakapin ni Justin mula sa likuran.
"J-Justin? What's wrong?" Isinubsob din niya ang mukha sa kanang bahagi ng aking balikat. Kinabahan ako nang maramdaman ko ang panginginig ng kanyang katawan. Ang mga balikat ko, tila ba may tubig na bumagsak doon.
"J-Justin, don't make me worry." Sinubukan kong kumawala sa pagkakayakap niya. "Let me see you face please."
"N-No." He shook his head.
"Justin." Reklamo ko. Paano kami magkakaunawaan kung ayaw niya akong bitawan.
"I love you Jheffy. You know that right?" masyadong mababa ang boses niya. Para itong pagod.
"Yes." I nodded. Tumigil na ako sa pagpalag. "Why asking me that now?"
"Is it hard for you to love me back?"
"No." Umiling ako. Marahan kong hinimas ang braso niya. "May problema ba Justin?"
Matagal bago niya naisipang sumagot. Halos madurog ang puso ko nang marinig ang paggaralgal ng boses niya. "Please choose me Jhennifer Rose."
"Let go of me Justin. Let me see your face." Pagmamakawa ko. Nang luwagan niya ang pagkakayakap sa baywang ko dagli ko siyang hinarap. Sa wakas, napagmasdan ko rin ang mukha ng lalaking itinatangi nitong puso ko. Bakas ang luha sa gwapo niyang mukha kahit na marami itong pasa.
"Why are you acting like this?" I gently wipe his wet face.
"I'm scared." Tears keep on flowing.
"Scared of what?" Hindi maaatim ng puso ko na makitang ganito si Justin. Parang pinipiga ang puso ko ng kung ano.
"I'm so darn scared that after what happened to Jhudelyn, you will hate me to the core and forget me. Tinalikuran ko ang lahat para sa iyo dahil mahal kita. Kaya sana huwag mo akong iwan. Please choose me." Hinawakan niya ang pulsuhan ko at nagmamakaawang tinitigan ako sa mga mata.
"What makes you think na tatalikuran kita?" Naguguluhang tanong ko.
"P-please choose me." Bigla na lamang niya akong ikinulong sa mga bisig niya. Gumanti ako ng yakap at marahang hinimas ang kanyang likod para kalmahin siya. Something weird is happening to him.
"Of course I will..." Bahagya akong natigilan nang aksidenteng magtama ang mga mata namin ni Tita Dahlia, sapo niya ang bibig habang nakamasid sa amin ng anak niya. Tears fell down on her beautiful face. Bago ko pa man siya tawagin, bigla na lamang akong nawalan ng balanse. Kapwa kami natumba ni Justin. Namutla ako nang makitang nawalan siya ng malay.
No!
TAHIMIK kong pinagmamasdan ang natutulog na si Justin. Hindi na ganoon kalala ang pasa sa kanyang mukha pati ang munting hiwa sa kanyang labi. Nagamot ito ng doctor habang natutulog siya. Hindi ito pwedeng pabayaan dahil may posibilidad na maimpeksiyon ito. Sa katunayan, dapat kanina pa siya nagamot ngunit masyadong matigas ang kanyang ulo, nagpumilit na hanapin ako at kausapin.
BINABASA MO ANG
BLS#8: HEARTBEATS
HumorBEAUTIFUL LIARS SERIES #8 HEARTBEATS >Jhennifer Rose (Jheff) Llanes< Kinaiinisan ni Jheff ang makita o makadaupang palad man lang si Justin. She hates his guts. Kahit anong gawin kasi niyang pagpapanggap nagagawa nitong malaman na siya ang kaharap n...