Chapter 16 The Chauffer
***JHEFF POV***
"Maraming salamat po sa lahat lola Felecia." May ngiti sa labing yumuko ako bilang paggalang at pamamaalam na rin. Tapos na kasi ang party at kailangan ko ng umeskapo dahil gumagabi na. Baka mabaliw na ang kaibigan kong si Zyle sa kakahintay sa akin. Naka-ilang miss call din naman ang bruhang iyon sa cellphone ko.
"Naku, ako nga itong dapat na mag-thank you sa iyo hija. Pinagbigyan mo ako." Magiliw na hinimas ni lola Felecia ang kamay ko.
"Kayo pa po, e malakas kaya ang kapit ng apo ninyo sa akin." Pasimple kong kinindatan si Candise na kanina pa namimilog ang mga mata. Marahil ay isi-ni-sink-in parin niya ang katotohanang kanina ko pa isiniwalat.
"T-Thank you Ate..." Saglit siyang napaisip at tinitigan ako ng maigi.
"Jheff." Dugtong ko sa nais niyang sabihin. "Most of my friends call me Jheff o kaya naman ay Jheffy." Ikinibit ko ang mga balikat. "You can call me whatever you like."
"Ate Jheff." May sumilay na ngiti sa mga labi ni Candise. "Ate Jheff."
Kahit ako ay natawa sa kanya. Mukhang mahaba-habang kulitan pa yata ang aabutin namin bago mawala ang pagkailang niya sa akin.
"Hija, do you have a boyfriend?" Ani lola Felecia.
"Po?" Takang tanong ko sa matanda.
"Ang sabi ko, may boyfriend ka na ba?"
"A..." saglit akong napaisip. Kung boyfriend ang pag-uusapan wala pa ako niyon. Masyado pa akong inosente sa ganoong bagay. "Wala pa po."
"Kung ganoon." Muling hinawakan ni Lola Felecia ang mga kamay ko at ipinaloob sa iyon mga palad niya. "Pwede mo bang makilala ang paborito kong inaanak?"
"H-Ho?" Ikinurap ko ang mga mata.
"Ahem." May narinig akong eksaheradong tikhim ng isang lalaki. Hindi ko na kailangang manghula, natitiyak ko na si Justin ito na kasalukuyang nasa likuran ko lang.
"Hija, pwede ba?" Ungkat ng matanda.
"Ah, pwe-" Naagaw ang sasabihin ko sa may kalakasang tikhim ni Justin. Buti sana kung isa ngunit mukhang napaparami yata.
"Hija?"
"Pwe- Ay kabayo." Hiyaw ko. Ipinatong kasi ni Justin ang mga kamay sa magkabila kong balikat.
"Jheffy." May diin sa boses na wika ni Justin.
"Bakit ka ba nanggugulat?" Sikmat ko sa kanya. Nagsalubong ang mga kilay ko nang mapansin ang mukha niya na halos hindi na maipinta. "What's wrong with you?"
Pinandilatan niya lang ako. Ibinuka ko ang bibig para sana ay magtanong ngunit hinarap niya si Lola Felecia, na kanina pa pala nakamasid sa aming dalawa. May misteryosong ngiti akong nakikita sa labi ng matanda.
"Mawalang galang na po pero kailangan na naming umuwi ng Jheffy ko." Nakangusong paalam ni Justin.
Naikurap ko naman ng ilang ulit ang mga mata sa huling sinabi niya. He calls me "ko". As in "Jheffy ko".
"K-Kailan pa ako naging iyo?" Namumulang angal ko. Kahit ang puso ko nakikigulo rin.
"Akin na lang 'yon." Aniya, ang mga mata ay na kay lola Felecia.
"Aba't!" Hindi ko na natuloy ang pagbatok sa lalaking ito. Naagaw ang atensiyon ko ng kaharap kong babae. Sapo nito ang labi at impit na tumawa. Pagbaling ko naman kay Candise, kahit ito ay nakangiti rin. Mas malapad kesa kanina. "P-Para saan 'yan?"
BINABASA MO ANG
BLS#8: HEARTBEATS
HumorBEAUTIFUL LIARS SERIES #8 HEARTBEATS >Jhennifer Rose (Jheff) Llanes< Kinaiinisan ni Jheff ang makita o makadaupang palad man lang si Justin. She hates his guts. Kahit anong gawin kasi niyang pagpapanggap nagagawa nitong malaman na siya ang kaharap n...