Chapter 25 Reality
***JHEFF POV***
PANAY ang pagsulyap ko sa madilim na anyo ng ama kong nakaupo di kalayuan sa akin. Tahimik lamang siya. Aakalain mo na isa siyang hari na handang patawan ng kaparusahan ang mga nasasakupan niyang nakagawa ng pagkakamali.
Buong pait akong ngumiti. Muli akong nagkasala sa kanya. Nakita mismo ng dalawa niyang mga mata ang malaking pagkakamaling nagawa ko. He saw Justin on top of me wearing nothing but a peace of towel. Because of this, dad will definitely hate me. Ano pa ba ang aasahan ko? Mula pa naman noon wala na akong nagawang mabuti ayon sa kanya.
Huminga ako ng malalim upang kalmahin ang sarili. Sanay na ako, pero bakit ganito? Nanginginig ang buo kong katawan at tila kinakapos ako ng hangin? Nahihirapan akong huminga.
Ikinuyom ko ang magkabila kong kamao.
I'm darn scared. Though, I shouldn't feel this way. Magmula na umalis si mama, sinasaktan na ako ng ama ko. I was in elementary back then. Walang araw siya na hindi pinapalampas. It's either emotional or physical way. Sanay na ako sa mga pananakit niya. Ang masaktan ng paulit-ulit ngunit bakit hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin ito? Para akong nasa gitna ng kumunoy. Hindi ako makaalis. Palubog ako ng palubog hanggang sa hindi na ako makahinga pa.
"Jheffy," ani Justin, hinawakan niya ang kamay ko.
Tila napaso naman na binawi ko iyon mula sa kanya nang hindi siya nililingon. It's all Justin's fault why I'm in this kind of situation. Sinadya niya ang lahat ng ito.
I bite my lower lip.
Ano ba ang nagawa ko sa kanya para gawin niya sa akin ito? Bakit kailangan niya pa akong ilagay sa ganitong sitwasyon?
Hindi ba niya ako mahal? Parte lang ba ito ng paghihiganti niya dahil lagi ko siyang inaaway? Ang lahat ng kabaitan na ipinakita niya sa akin, ang mga matatamis na salita na lagi niyang sinasabi, ang mga magagandang bagay na nagawa niya? At ang mga katagang nasabi niya na ako ay sa kanya lamang. Lahat ba iyon ay isa biro? Wala ba ni isang totoo doon?
I feel so much pain. Not because of how my dad will think of me, but because of Justin's doing.
Kagaya nang katanungang binitawan niya kanina. Kung magagawa ko ba siyang iwan oras na makagawa siya ng isang pagkakamali. Kung ipapahamak niya lang pala ako, bakit pa ba ako mananatili?
"How can you be so sure that it's Jennifer Rose, Justin?" basag ng ama ko sa katahimikan, na siya namang ikinapitlag ko.
Hindi naman sa nagrereklamo ako, mas gugustuhin ko na lang na walang magsalita sa aming tatlo.
"I know her from birth that's why..." muling hinawakan ni Justin ang kamay ko nang binalak kong ulitin ang nagawa ko kanina, mas hinigpitan niya iyon lalo. "I know."
Nagbabanta ang mga matang tinitigan ko siya. Ngiti naman ang isinalubong niya sa akin. Iisipin mo na wala siyang maling magawa sa akin.
"It's her,"
"J-Justin!" hindi makapaniwalang usal ko. Balak ba talaga niyang ipahiya ako? He knows that dad hates me the most. Ginagatungan lamang niya ang galit ng ama ko sa akin.
"Tito, now that you saw us on scene, will you accept my offer now?"
"O-offer?" mahinang anas ko, sabay titig sa katabi kong lalaki.
"What is your relationship with this brat!" Using my peripheral view, I saw dad pointing his finger on me with disgrace on his face.
Brat!
BINABASA MO ANG
BLS#8: HEARTBEATS
HumorBEAUTIFUL LIARS SERIES #8 HEARTBEATS >Jhennifer Rose (Jheff) Llanes< Kinaiinisan ni Jheff ang makita o makadaupang palad man lang si Justin. She hates his guts. Kahit anong gawin kasi niyang pagpapanggap nagagawa nitong malaman na siya ang kaharap n...