BEAUTIFUL LIARS SERIES #8
HEARTBEATSChapter 1: Simula
***JHEFF POV***
"PLEASE, please, please. Have pity on me Jheffy." Wika ng kaibigang kong si Zyle habang inaabala ang mga kamay sa pagkiskis at pagyuko sa mismong harap ko. "Pumayag ka na. Please."Pahinamad na binalingan kong muli ang cellphone ko. Wala ako sa mood para pansinin siya. Hindi ko naman kasi bet ang gusto niyang ipagawa sa akin.
"Jheffy!"
Muntik na akong magmura matapos mawala sa magaganda kong mga daliri ang cellphone kong hawak. My friend took it.
"Problema mo?" Pinandilatan ko siya.
"Sige na Jheffy." Nagpatuloy siya sa paawa effect niya. Hindi man lang natakot sa killer eye ko. Siraulo talaga ang babaeng ito, hindi marunong makaintindi sa hinaing ko.
"Ayoko." Tipid kong sagot, sabay agaw ng bagay na kinuha niya sa akin kaso may sa pusa ang bruha. Ang bilis kumilos. "Zyle!"
"Hindi ko ito ibibigay hangga't hindi ka pumapayag." Determinado niyang sabi.
Naku, kapag gumaganito siya, naloloka ako. Kesa makiagaw, bumalik ako sa pagkakaupo at pasimpleng nilingon ang kakambal kong si Jhude na abala sa pagbabasa ng ilang papeles. Bago ko nga pala makalimutan, nandito ako sa kompanya ng mahal kong ama. Sarcastic po iyan. Sapagkat matapos naming makapagtapos ng pag-aaral, nagkaroon kaagad ng trabaho si Jhude. Agad siyang isinalang ni Dad sa negosyo ng pamilya namin. Ako? Hindi nito ako binigyan ni singko o katiting man lang na yaman. Suwail daw ako sa aming pamilya kaya ganoon. Buti na lang naging sikat akong singer. Nakakalabas pa naman ako, nagpapanggap kasi akong si Jhude para maka-eskapo. Minsan disguise mode. You know na.
Oo nga pala, meron akong nakakatandang kapatid na lalaki. Huwag ninyo siyang hanapin sa akin. Hindi ko rin naman kasi alam kung saan iyon nagsusuot. Kagaya ko, may pagkabaliw din 'yon. Hindi rin sumusunod sa Dad namin kaso ako ang kinaiinisan sa lahat. Kuya Lendon has a position on this company. Mas malaki nga lang ang sa kambal kong si Jhude.
"Jheffy!"
Napamulagat ako sa boses ng kaibigan kong si Zyle. Muntik na akong mabaliw sa lakas ng boses niya.
"How many times do I have to say no to you Zyle?" Hindi makapaniwalang bulalas ko sa kanya.
"A hundred times." Ang lapad ng pagkakangiti niya. "I think?"
"So, what do you think will be my answer this time?"
"It's a yes!"
"Oh my goodness!" Napabuga ako ng marahas sa sobrang kakulitan niya. "Give me a break Zyly!"
Umupo siya bigla sa tabi ko at niyakap ako sa braso. "Sige na. Pumayag ka na."
Whew! Kung hindi lang siya ang nakatuluyan ng pinsan kong si Vincent, malamang naumbakan ko na siya.
Nilingon ko ang kinaroroonan ni Jhude na ngayon ay nagbabasa ng Woman's magazine.
Ang bilis mag-swap ha!
"Pwede bang paalisin mo ang panget na ito kambal, bago pa mandilim ang paningin ko."
Nagpakawala ng isang buntong-hininga si kambal, sabay baba ng hawak niyang magazine.
"Kahit paalisin mo 'yan ng ilang ulit." Sinapo niya ang baba gamit ang kamay. "Babalik at babalik 'yan. Trust me."
"Ang talino mo talaga. Buti naisip mo 'yan." Ngumiti ng sobrang lapad si Zyle.
BINABASA MO ANG
BLS#8: HEARTBEATS
HumorBEAUTIFUL LIARS SERIES #8 HEARTBEATS >Jhennifer Rose (Jheff) Llanes< Kinaiinisan ni Jheff ang makita o makadaupang palad man lang si Justin. She hates his guts. Kahit anong gawin kasi niyang pagpapanggap nagagawa nitong malaman na siya ang kaharap n...