Chapter 17 Sleepy heads
***JHEFF POV***
"AYAN na! May iuutos ka pa?" Padaskal kong inilapag ang isang baso ng pineapple juice sa crystal table saka nakabusangot na hinarap si Justin na prenteng nakaupo sa sofa."Thank you Jheffy." nakangising inabot niya ang baso at ininum ang laman niyon.
Mabulunan sana! piping dasal ko.
Ngunit masyadong malakas ang kapit ng hudyong ito sa Itaas kaya wa-epek ang panalangin ko. Bago ko nga pala makalimutan, nandito na kami sa bahay nitong si Justin. Pagkarating pa lang namin, agad niya akong sinalubong ng kung anu-anong utos. Kung hindi lang ako nakapagpigil, kanina pa ito nakatikim sa akin.
"Kung wala ka ng sasabihin uuwi na ako sa amin." Humalukipkip ako.
"I know you Jheffy." kampanteng ibinaba ni Justin ang baso at pinatitigan ako sa mga mata na puno ng kasiyahan.
I rolled my eyes. I know he enjoyed this moment. He really loves to irritated me. Hindi yata makukumpleto ang araw niya kung hindi niya nagugulo ang buhay ko.
"You're not going home, especially for a week." Pagpapatuloy ni Justin. Inilatag niya ang magkabilang braso sa hamba ng sofa. "It's what you always did."
"Kina Zyle ako uuwi." Nakataas ang isang kilay na sagot ko. Alam ni Justin ang lahat ng tungkol sa akin habang ako, kakarampot lang ang nalalaman ko tungkol sa kanya.
"You're not going anywhere Jheffy." biglang nawala ang ngiti sa kanyang labi.
"What?" Umuwang ang labi.
"You still have to take responsibility for what you did to me Jheffy." saglit niyang pinagmasdan ang kanyang mga kuko matapos niyon ay tumayo siya. Lumapit sa akin at ipinatong ang mga kamay sa magkabila kong balikat. Doon na lumabas ang nakakainsulto niyang ngiti.
"Ano ba!" pumiksi ako ngunit sadyang malandi ang kamay niya, ayaw matanggal.
"So start fulfilling it Jheffy." Kapagkuwan ay sabi niya. Sunod niyon ay pinanggigilan niya ang pisngi ko.
"Stay away from me!" Gigil na binaklas ko ang isa niyang kamay na nasa pisngi. Ang hudyo, tinawanan lang ako.
Muntikan na akong masuka nang kindatan niya ako. Lintik na lalaking ito, hindi ba siya mabubuhay hangga't hindi niya ako pinagti-tripan?!
"Justin!" I hissed.
"Bakit ba?" sapo ang bibig na tinitigan niya ako.
Nagpakawala ako ng marahas na hangin saka tinitigan siya ng buong sama. "Why you're so mean to me?"
"I am not being so mean to you Jheffy." Namaywang siya.
"Justin!" bulalas ko saka tinitigan ang namamaga niyang kamay na mukhang hindi na namumula. Na ngayon ay kumakapit sa baywang niya.
"You know how much I treasures-"
Hindi ko na hinintay na matapos siyang magsalita, mabilis pa sa alaskwatrong lumapit ako at marahang hinampas ang balikat niya. "Justin, baka mapa'no naman ang kamay mo."
"Ha? A..." Kahit siya ay napatitig din doon. Matagal bago niya naisipang kumilos. Kahit siya ay huli na napagtanto ang maling nagawa. "Darn!"
"Bakit kasi hindi ka nag-iisip." Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kung hahawakan ko ba o tititigan ko na lang siya.
"Y-yah."
"Masakit ba?" hinawi ko ang nalaglag kong buhok na kumawala sa pagkakaipit sa tainga ko dahil sa pagsilip ko sa kamay niya.
BINABASA MO ANG
BLS#8: HEARTBEATS
HumorBEAUTIFUL LIARS SERIES #8 HEARTBEATS >Jhennifer Rose (Jheff) Llanes< Kinaiinisan ni Jheff ang makita o makadaupang palad man lang si Justin. She hates his guts. Kahit anong gawin kasi niyang pagpapanggap nagagawa nitong malaman na siya ang kaharap n...