Chapter 4 Seen

435 30 0
                                    

Chapter 4 Seen


***JHEFF POV***

"O ano na?" asik ko sa kaharap kong lalaki na walang ibang ginawa kundi ang tumawag ng tumawag sa kakambal ko na hanggang ngayon ay absent parin.


"I can't contact her." Kunot-noong sagot niya habang abala parin ang mga kamay sa pag-dial.


"Ipagpatuloy mo na lang yan." =__=


Binalikan ko ang pagbabasa sa laptop ng kakambal ko. Buti na lang pala naiwan niya ito. Hindi niya naisama sa pag-alis niya. Paano na lang kung hindi? Natitiyak ko na mabubukya kami mamaya.


"What are you doing?"


Muling nalipat ang mga mata ko sa kanya. Pansin ko ang pagsasalubong ng mga kilay niya.


"Sekretong malupit." Hindi ngumingiting sagot ko. Muli kong binalikan ang pagbabasa ng report ng kambal ko. Dinagdagan ko na rin para naman mas gumanda ang presentation niya mamaya.


Business Administration din kasi ang kinuha kong kurso. Hindi iyon alam ng Dad ko kasi wala namang pakialam sa akin ang isang iyon. Para kasi sa kanya, wala akong kwenta. Wala akong kayang marating sa buhay. Hanggang pagkanta lang ako.


Sa mga naiisip kong ito. Tila may kung anong pumipiga sa puso ko. Pilit kong kinalma ang sarili. Hindi ito ang tamang panahon para mag-emote ako. Hindi naman kasi gagaan ang loob ko kung magse-sente lang ako. Mas lalo lang akong magmumukhang kawawa sa harap ng walang puso kong ama.


"What?" aniya.


"Hmm?" hindi tumitinging sagot ko.


"What do you mean by sekretong malupit?" =__=


I sigh. Gustuhin ko mang sabihin sa kanya ang totoo, wala naman akong time para mag-explain. Mahalaga ang bawat oras. Actually, it's my back up plan. Oras na hindi sumulpot ang butihin kong kakambal, ako ang papalit sa kanya.


"Hindi mo pa ba siya nako-contact?" pag-iiba ko ng usapan.


"No."


"As far as I remember, nag-usap pa kayo kanina sa phone ng papunta na tayo dito." Hinila pa nga ako ng lalaking ito with force kasi iyon ang utos ng kambal ko.


"Yes." Inihilig niya ang katawan sa gilid ng mesa.


Walang manners! =__=


"Anong sabi?"


"May naghahanap daw sayong lalaki."


Tumigil ako sa pag-ta-type at muli siyang tinapunan ng tingin. "Gwapo ba?" ^__^


Parang nabuhay ang dugo ko sa balita niya. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit tinititigan niya ako ng masama. Kung makatitig ito, parang sobrang laki ng kasalanan ko.

BLS#8: HEARTBEATSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon