Chapter 6 Pikon

319 23 4
                                    

Chapter 6 Pikon

***JHEFF POV***
"CANDY crash... Tasty... delicious..." On focus na tinitigan ko ang maingay at nasa kritikal na kalagayan ng phone ko. Malapit ko na kasing maipanalo ang laban. Kaunting-kaunti na lang. As in one move na lang. Mapupunta na ako sa next level ng Candy crash ko.


"Jheff!" anang boses ng isang babae. Hindi ko iyon pinansin. Nagpatuloy lang ako sa paglalaro.


Kabadong inilipat ko ang ang isang yellow candy para mahulog ang cherry. Ngunit kung saan nahawakan ko na saka pa lumiko sa kabilang panig. Kaya ang ending na game over ako. Back to basic.


Putik na brown! >O<


"Jheffy!" Muling sigaw ng kaibigan kong si Zyle.


Inis na inangat ko ang aking paningin at pinandilatan siya. Sinira ng babaeng ito ang concentration ko! +__+


"Zyle!" ganting sigaw ko. "Bakit mo ginulo ang paglalaro ko?!" +__+


Sa halip na patulan ang inis ko. Iling lang ang iginanti niya at humihingi ng tulong na nilingon ang lalaking katabi na sa kanya rin nakitingin. Mukhang nag-uusap sila sa isip. Hindi simpleng pag-uusap ito dahil pati bibig, mata, nguso ay nakikisama.


Ikinibit ko ang mga balikat. Total naglaho naman ang inis ko, isinilid ko na lang ang phone sa loob ng pouch ko at sinulyapan ko ang buong paligid. Siyempre, ang nasasakop lang ng mga mata ko. Minsan lang ako makapunta dito. Hindi din naman kasi ganoon katagal nang malaman namin na maraming pera ang isang ito. Meron din naman ako kaso nasa bangko. Savings. Iniipon ko para sa kinabukasan ko.


May malaki din naman akong bahay kaso may tao ako na kailangang takasan. Oras na manatili ako doon tiyak na matotonton ako ng pinagtataguan ko.


I don't need to explain kung sinong poncho pilato ito. Basta may nagawa ako doon na hindi maganda at nakakahiya. Natitiyak ko na pupunta yun sa bahay tapos pagsasabihan ako. Tapos, maririnig ang lahat ng iyon ng kambal ko. At ako? Malulugmok sa kahihiyan.


Kinagat ko ang dulo ng kuko ko. Na-te-tense ako sa madramang tagpo ng buhay ko. You know na! >__<


"Jheffy!"


Natigil ako sa pagngatngat matapos marinig ang pagtawag sa akin ni Zyle. Nakabusangot ito. Hindi na ako magtataka kung bakit. Nasa kalagitnaan kasi sila ng pinsan ko, na fiancé niya, ng kanilang paglalambingan. Tapos ako itong kumatok bigla sa pinto at nagpahayag na dito muna ako sa kanila titira. Panandalian.


O diba? Ang saya?! ^___^v


"Yap?" nakangiting sabi ko sa kanya.


Humalukipkip si Zyle. "Bakit ba ayaw mong umuwi sa inyo?" =__=


"Sekretong malupit." Nginisihan ko siya.


"At hindi ko pwedeng malaman?" Tinaasan niya ako ng kilay.

BLS#8: HEARTBEATSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon