Chapter 19 Usapang Lasing
***JUSTIN POV***
"NO, I'd like to talk to Tito..." Humalukipkip ako. Kanina ko pa tinatawagan ang papa ni Jheff ngunit laging katulong niya ang sumasagot at hindi siya. Ang cellphone naman ni Tito ay laging un-attended."Pasensiya na po sir Justin, hindi pa nakakauwi si Sir galing States. May business proposal din po kasi siyang isinasagawa doon." Paliwanag ng katulong.
"Fine." Nanghihinang napaupo ako sa kama. Sa katunayan kanina pa ako nakaalis sa banyo. Habang wala pa si Jheff, sinamantala ko ang pagkakataon. Agad kong tinawagan si Tito ngunit masyado siyang mahirap hagilapin. "Pakitawagan mo na lang ako oras na makarating si Tito."
"Opo sir."
Napabuga ako ng marahas sabay baba ng cellphone ko. Nang tumingin ako sa orasan, pansin ko na mag-a-alas-dose na ng umaga. Batid ko na masyadong maaga pa ito para kausapin siya ngunit hindi na ako makapaghintay pa. After what happened between me and Jheff, a moment ago, napagdesisyunan ko na itama ang pagkakamali ko. Kailangan kong baguhin ang pasya ni Tito lalo na sa pagitan namin ni Jhude.
Ibinagsak ko ang katawan sa kama. Sa ginawa kong ito naamoy ko ang pabangong gamit ni Jheff, na naiwan sa unan. Kinuha ko ito at sininghot. Hindi ko mapigilan ang mapangiti nang maalala ang nangyari kanina. Jheff don't know how to kiss. I can't believe that I'm her first. Napailing ako, I will be always her first. Just like what happened on her eighteenth birthday.
Sa mga nangyari sa pagitan namin ngayon, natitiyak ko na pareho lang kami ng nararamdaman. Ang tanging kailangan ko na lang gawin ay ang paamuin si Jheff. Kaso hindi ko naman alam kung paano. Masyado siyang malihim at magaling magtago sa kanyang nararamdaman.
Hindi ko mapigilan ang muling mapangiti nang sumiksik sa isipan ko ang halikan na iyon. Isiniksik ko lalo ang unan sa mukha ko. Kung hindi lang ako nakapagpigil kanina natitiyak ko na may nagawa na ako. Na siyang pagsisisihan ni Jheff sa huli. Kagat ang ibabang labi na tinanggal ko ang unan sabay bangon. Nasaan na kaya siya? Kanina pa siya bumaba. Hanggang ngayon ay hindi pa siya bumabalik. Natagalan ako sa pagbabad sa banyo kanina kaya expected ko na bumalik na siya kaso wala. Imposible naman na umuwi siya sa kanila. Sinigurado ko kanina na nakakandado ang gate bago ko siya iniwan dito sa kwarto.
Tumayo ako at lumabas na ng silid ko. Dapat pala hindi na ako umasa pa. Sa tagal ng panahong nakasama ko si Jheff, kahit papaano may alam ako sa ugali niya. Mahilig siyang takasan ako kapag may nagawa ako sa kanya o kaya naman may nagawa siya sa akin.
Pinuntahan ko ang ibang parte ng silid dito sa itaas ngunit wala parin siya. Napagdesisyunan ko na hanapin siya sa ibaba. Hindi ko siya makita sa sala.
"Inakyat ba niya ang gate?" Pinasadaan ko ng tingin ang may kataasang gate. Batid ko na walang takot si Jheff sa heights ngunit hindi ibig sabihin niyon ay aakyat na siya. Umiling ako. Tiyak na hindi siya lumabas ng bahay. Bumalik ulit ako sa loob.
Habang nasa kalagitnaan ako ng lakad-takbo ko, may naulinigan akong nakakapanindig balahibo na boses. Nanggagaling iyon sa kusina. Sa takot, kinuha ko ang nahablot kong vase at may kabagalang tinahak ang kinaroroonan ng nito. Habang palapit ako ng palapit, lumalakas ang boses.
"Hayoko na!"
Napaigtad ako pagkadinig ko ng boses. Muntik ko ng mabitawan ang vase, mabuti na lang naagapan ko. "Muntik na 'yon a!"
"Bhakit ganown siya?"
Muli akong napapitlag sa boses na hindi ko maintindihan. Mahigpit kong hinawakan ang vase. Handa na akong upakan ang manloloob ng bahay ko. Sana walang nangyaring masama kay Jheffy. What if, hindi siya kaagad nakabalik dahil may nanloob pala sa bahay ko tapos nahuli siya nito. Tapos may ginawa na hindi maganda ang magnanakaw kay Jheffy ko? Darn! Ipapatikim ko sa siraulong ito ang galit ko. Lahat ng katawan niya ay magkakalatay. Pati na mata. Sa mga naiisip naglakas loob ako. Buong tapang kong pinasok ang kusina at sinunggaban ang salarin. Natigil ang mga kamay ko ere nang makita kung sino ito.
BINABASA MO ANG
BLS#8: HEARTBEATS
UmorismoBEAUTIFUL LIARS SERIES #8 HEARTBEATS >Jhennifer Rose (Jheff) Llanes< Kinaiinisan ni Jheff ang makita o makadaupang palad man lang si Justin. She hates his guts. Kahit anong gawin kasi niyang pagpapanggap nagagawa nitong malaman na siya ang kaharap n...