•28•

93 3 0
                                    

Kim Namjoon

"N-napakasama naman t-talaga. Nagpakahirap ako m-mag-ensayo para dito t-tapos..." Ani ni Seokjin habang patuloy sa pag-iyak. Inaalo ko naman ang likod n'ya para tumigil s'ya. Nakaupo s'ya ngayon sa higaan nya habang nakapatong ang braso sa tuhod at nakayuko.

"Shhh... Seokjin, 'di naman natin alam na ganito yung mangyayari. Don't blame yourself okay." Sumama nanaman tuloy ang loob ko sa nangyari. Napabuntong-hininga na lang ako at pinatigil s'ya sa pagkakaiyak. May naisip naman akong paraan kaya tumayo ako sa tabi n'ya.

"Saan ka pupunta?" Tanong n'ya habang pinupunasan ang luha nang lumabas ako ng pinto.

"Just stay there okay. May pupuntahan lang ako saglit." Kinapa ko naman yung bulsa ko kung andito pa ba yung kailangan ko.

"Hmm okay." He displayed a pout on his face. Mabilis naman na akong tumakbo papunta sa pupuntahan ko.

Kim Seokjin

Hindi naman na ko makahinga kase sinipon ako sa kakaiyak. Aish! Ang tanga ko talaga kahit kailan. Sumakit ulit yung ulo ko pero 'di ko na ininda at humiga nalang ako habang pinagmamasdan yung kisame. What if hindi ako nagkasakit at nakasama ako sa contest? Siguro panalo na kami nun kase grabe yung paghahanda namin. Then we will reach to regional and national contest. Our family, school and region will be proud of us. Pero wala eh, naiwan ako. First time in my life that I suddenly got sick and can't go to an important event.

"Siguro may sagabal or may bad energy kaya di ako natuloy?!" Nabalikwas ako sa higaan ng may kumatok sa pinto at pumasok si Namjoon.

"IKAW!" Turo ko kay Namjoon at tinignan ng masama.

"Anong ako? Anong meron?" He asked confused while pointing his self. Tumakbo naman ako papunta sakanya at hinawakan s'ya sa balikat. "Why Seokjin?" Hinigpitan ko naman ang hawak sakanya at tinulak sa pinto kaya naman napasandal s'ya dito. "Ouch Seokjin! What the heck?! Sinapian kaba?!" Sunod-sunod n'yang tanong saakin at ganun pa din ang ekspresyon ko.

"Namjoon..." Nilapit ko ang mukha ko at tinignan s'ya sa mata para basahin ang iniisip n'ya. Pilit naman s'yang umiiwas ng tingin kaya alam kong may problema.

"What the-- you've got p-possess?" He slipped to his mouth and I smell his fresh mint breath. Narealize ko naman kung anong ginawa ko kaya tinanggal ko ang pagkakahawak sakanya. S'ya naman ang humawak sa balikat ko at tinignan ako. "I'm just kidding." He chuckled. Inalis ko naman ang pagkakahawak nya saakin at tinignan ko s'ya.

"Alam ko na kung bakit nilagnat ako kaya hindi ako nakadalo sa contest." Pinagkrus ko ang braso ko.

"Nu yun?" Walang gana n'yang sagot at umupo sa tabi ng hinigaan ko kanina.

"Dahil sa'yo."

"Ba't naman dahil saakin?! Lahat nalang ng nangyayaring masama sa'yo ako may kasalanan. Siguro crush mo 'ko HAHAHAHAHA!" Grabe naman tawa n'ya kala mo talaga nagbibiro ako.

"Ulol." Bumalik ako sa higaan ko at umupo malapit sakanya. "Sa tingin ko kase isa kang bad luck kaya lagi nalang akong minamalas kapag nakikita kita."

"Tsk. Saan ba galing 'yang Chinese stuff or Horoscope na pinagsasabi mo?" Tanong saakin ni Namjoon na naiirita na.

"It's my guts okay! Wag kang ano diyan. Kaya lahat ng nangyayari saakin sa'yo ko isisisi." Bumalik ako sa pwesto ko kanina kung saan nakatitig lang ako sa kisame nitong clinic. Di nalang s'ya umimik at nanahimik kami ng ilang segundo.

May kumatok naman sa pinto kaya dali-dali s'yang pumunta doon at may kinausap saglit. Nang matapos na ang ingay, rinig ko naman na sinara n'ya yung pinto at nakaamoy ako ng masarap na pagkain.

"Oh kumain kana." Alok ni Namjoon at inilagay sa maliit na table ang isang box ng fried chicken, tteokbokki at glass noodles. Dahil gutom na ko, kumain na rin naman ako agad kasama s'ya.

"Buti pa yung bad luck nanlilibre ng foods noh?" Pang-aasar n'ya saakin. "Tapos wala ka manlang maririnig na pasalamat." He gave me a michievous smile.

"Hmp thanks. "

"Yawa napilitan lang."

~•~

Habang nasa biyahe, 'di naman nawawala ang pagkakaba nila Jimin at iba n'ya pang kasama. Si Mina sa isang gilid ay nakapikit na at napapadasal nalang.

"Ano bayan Mina umayos ka nga." Suway sakanya ni Hera kahit kinakabahan din. Umayos nalang ng upo si Minari at tumingin saakin.

"Tignan mo si Mr. Min, ngayon n'ya lang nalaman na s'ya yung isasalang pero wala manlang nakikitang kaba sakanya." Turo ni Hera kay Yoongi na 'di talaga kakabahan kase nakatulog na. Lumapit naman ako kay Yoongi at tinapik s'ya.

"Oy Yoongi! Malapit na daw tayo." Sa totoo lang malayo pa talaga kami at tsaka 'di ko naman alam kung saan yung school na pupuntahan. I heard him hummed and sleep again hearing his low snore.

"Mr. Yoongi!" I poked his cheeks.

"Mister Min." I pulled his hair not that strong.

"Hey Yoongi-hyung!" I point his nose and he looks like a...

"Little Kitty!" Nagulat naman ako ng dumilat s'ya. I slowly remove my fingers to his face and sit properly.

Jusqrold Jimin, kung ano-ano gumagawa mo sa buhay. Please umayos ka nga! Buti nalang at nakatingin sa bintana sila Hera at Mina kaya di nila napansin pinagagawa ko.

Lumayo naman na ako sa unuupuan ni Yoongi at natulog na lang din. Dapat kase 'di ko nalang s'ya inistorbo.

My own kind of RoMeo | NamjinWhere stories live. Discover now