•40•

45 2 1
                                    

Makalipas nag ilang araw, sinimulan na ni Seokjin ang pagpaplano na panliligaw kasama ang kaibigan nitong si Jungkook. Sinabi rin nila kay Nabi ang balita na kinasaya ng dalaga.

"Really? Good luck to you, Seokjin oppa." Niyakap n'ya ang kaibigan at binigyan ito ng mahinang tapik sa balikat. "Sana mag-success ka." Humiwalay din ito agad at bumaling kay Jungkook na matalim na nakatingin sakanya.

"Ba't parang ibang meaning naman ata 'yang sinasabi mo, Nabi?" Tanong ni Jungkook at natawa nang bahagya ang dalaga.

"What I mean is, sana maging successful s'ya kase mataray si cousin Yin sa mga nanliligaw sakanya. Wala pa nga ata 'yung naging boyfriend eh." Pagdadahilan nito at agad namang naniwala ang dalawa.

"So... Ano na nga? Let's go mamayang uwian. Punta tayo sa university nila." Sumang-ayon ang magkaibigan at nagsimula nang humiwalay si Nabi dahil papunta na ito sa kabilang building para pumasok.

Ang naging preparasyon nila noong araw na iyon ang simple lang muna. Hindi rin yung agad-agad na sasabihin ni Seokjin dahil baka mabigla naman ang dalagang gusto n'ya. Gugugulin muna nila ang oras na magkasama at kapag kumportable na ang dalaga, tsaka n'ya sisimulan ang panliligaw.

-

Pagkatapos ng klase, dumiretso ang tatlo sa paaralan ni Yin. Isang sakayan lang ng bus ang papunta rito. Sakto naman ang pagdating nila dahil ang ibang estudyante ay nagsiuwian na rin kaya dali-daling tinext ni Seokjin si Yin na nasa eskwelahan n'ya ito kasama ang ibang pa nilang kaibigan.

Nag-abang sila ng ilang saglit sa labas hanggang sa matagpuan nila ito.

"See you tomorrow, Chae, Aera and Sun." Paalam nito sa iba n'yang kaibigan at nagkalad papunta sa pwesto nila Nabi. "Oh guys, bakit kayo napadpad dito? Miss n'yo na ba ko agad?" Biro nito sa mga kaibigan.

"Si Seokjin hyung daw miss ka na." Bulong ni Jungkook at siniko naman s'ya ng Seokjin. Tumingin si Yin sakanila at umiling lang ang dalawa.

"By the way, here's a gift for you." Binigyan ni Jin ang dalaga ng isang regalo na nakalagay paperbag na kinatuwa naman nito.

"What's the occasion? Bakit may pa-gift?" Nagtataka nitong tanong at nagtinginan ang tatlo. Napakamot nalang si Jungkook kan'yang batok at nagsalita.

"S-syempre, binisita ka namin sa university mo. Tsaka ganito talaga kami minsan, nagbibigayan nalang ng regalo. Right, guys?" Nilakihan ni Jungkook ng mata si Nabi at Seokjin para sabihing sumang-ayon nalang ito sa ibubuka ng bibig n'ya.

"Yes! That's right, ate Yin. So what are you waiting for? Tara punta na tayo sa Ramyeon Restaurant." Aya ni Nabi at kumapit sa braso ng pinsan n'ya at naunang lumakad. Nakasunod naman sa likuran nila si Seokjin at Jungkook na nagbubulungan.

"Hyung, mamayang uwian, ikaw na maghatid kay Yin ah tapos ako na bahala kay Nabi. Goods ba 'yun?" Tumango nalang si Seokjin habang nakatingin sa dalawang dalagang nasa harapan n'ya. "Syempre, ikaw na bahala sa gagawin mong moves. Alam kong kaya mo na yan." Dugtong nito sabay kindat sa kasama.

"Yeah Jk. Thank you!" Magka-akbay silang naglakad hanggang sa makarating sa restawran.

-

"Woah! I didn't expect na masarap pala ang pagkain nila dito." Nagniningning ang mata ni Yin habang kinakain ang ramen na nasa harap nito. Napangiti nalang si Seokjin sa asal nito.

"Ehem..." Tumingin si Jin sa dako ni Jungkook na binibigyan s'ya ng nakakaasar na tingin. Tinarayan lang s'ya ng isa at nagsimulang kausapin ang dalagang nasa harap nito.

"How's your day, Yin?" Pangangamusta ni n'ya dito. Binaba naman muna ng dalaga ang hawak nitong chopsticks bago magsalita.

"It's fine, but these days I'm busy in student council eh."

My own kind of RoMeo | NamjinWhere stories live. Discover now