•4•

131 1 0
                                    


KIM SEOKJIN

Di pa talaga ako naka move-on kahapon sa mga pangyayari. Nakakainis yung lalaking 'yon. Nagsorry na nga ko eh, tapos puro dada parin s'ya. Buti nalang talaga maaga akong nagising ngayon kundi nakotongan nanaman ako ni kuya.

Nagbihis na ako at bumaba na sa kitchen para kumain. Andoon na din sila Mom at Dad na nagkwekwentuhan. Si kuya naman ay gumagawa ng kape nya.

"Kamusta ang school anak?" Tanong saakin ni mommy habang tinatapos ko ang pagkain ko.

"Mhm okay naman po ang school, nakatayo pa naman." Ani ko sakanya at natawa ko sa sagot ko.

"Namimilosopo ka nanaman Jin." Bungad ni Kuya. "Mom, bawasan nyo nga allowance n'yan."

"Wewewewe epal."

"Pagalitan ka sana ni Mommy." Umupo sya sa tabi ko.

"Sus, sungit-sungit. Wala kaseng girlfriend eh. Maa! Hanapan nyo na nga 'to ng jowa." Naiiritang ani ko pero tinatawanan lang nila kaming dalawa ni kuya.

"Ikaw Seokjung, wag mo nang asarin 'yang si Seokjin."

"Di ko yan inaano mom..."


"Umalis na nga kayong dalawa, ang gulo-gulo nyo." Sabat naman ni Dad at tinapos na namin ang pagkain.

~*~

"Ikaw din naman Seokjin walang girlfriend eh..." Ani ni kuya pagkapasok ko ng kotse nya. Nilagay ko sa backseat yung bag ko.

"Oh ano man ngayon?"

"Hmm... Maybe... I thought you're gay..." Sinuntok ko naman sya sa balikat and he winced in pain. "Ouch that hurts."

"Eh ikaw wala din namang girlfriend eh, so bading ka?" Panggagaya ko sa kanya tsaka ko humalakhak ng malakas. Pinaandar na nya ang kotse at nag-usap kami habang nasa biyahe.

"Kung hindi kaya kita ihatid ng isang linggo? Ano kayang mararamdaman mo?"
Pangangasar nya pa.

"Hyung, walang ganyanan." Tumahimik muna kami saglit bago ko baguhin ang topic. "Alam mo ba hyung?"

"Hindi pa." Tinignan ko s'ya ng masama bago ko ituloy ang kwento ko.

"Kahapon kase naglalaro kami sa arcade, tapos may lalaki akong natamaan ng bola. Ayun bigla syang nagalit kala mo kung sino. Ilang beses na nga kong nagbow sakanya tapos nagsorry pero naggalit pa din saakin. Muntik pa kong suntukin." Pagkkwento ko sakanya with matching acting.

"Aigoo, Seokjin. Buti nalang hindi ka umuwing may galos kundi lagot ka talaga kila mommy." Lumiko na kami at malapit narin kaming makarating sa school.

"Sus wala yun hyung, kaya ko yun sapakin." Pagyayabang ko pa.

"Hay nako Seokjin, kaya siguro lumaki yang away n'yo na muntik pang mapunta sa suntukan kase masyado ka ding mayabang. Tsk tsk tsk." Umiling-iling pa si kuya.

"Hay nako sino ba talaga yung kapatid mo, ako o yung nakaaway ko?" Pinagkrus ko yung braso ko at sumimangot.

"Wala."

"Anong wala? Di mo ko kapatid?!!" Acting ko pa at natampal nya ang noo nya.

"Tss. I mean wala kong kinakampihan sainyo. Bumaba ka na nga at baka malate ka pa." Kinuha ko na ang bag ko sa likod. "Ohh! Andiyan na pala si Jungkook." Lumabas na ko ng kotse nya.

Pumunta naman sa bintana ng kotse si Jungkook at nakipag fist-bump kay hyung.

"What's up kuya Seokjung?"

"Oks naman pre, gusto mo baon?" Kumuha si kuya sa wallet nya at binigyan niya si Jungkook.

What the heck?!

"Kuya ako kapatid mo bakit walang paganyan?!!" Aburido ko sakanya.

"May libre ka na ngang hatid gusto mo parin bigyan kita ng baon. Ano ka sinuswerte?" Natatawa n'yang ani at pinaandar na ang kotse nya.

Unfair, pero okay lang. Hihingi nalang ako kay Jungkook.

"Galante ng kuya mo pre." Tinapik ako ni Jungkook sa balikat at naglakad na kami habang nakasimangot ako.

Nang makarating kami sa first building, nakita ko naman si Nabi kaya napangiti ako. Dali-dali kong hinatak doon papunta si Jungkook.

"Ano ba problema?" Binitawan ko s'ya at humarap kami kay Nabi.

"Good morning." Tumingin naman saamin si Nabi at nakipag bow, nag bow din kami ni Jungkook.

"Pre, ang aga-aga nanghahatak ka agad sa magandang chicks." Bulong n'ya at siniko ko s'ya sa tagiliran.

"Hi mga kuya!" Ani nya at nakahawak pa s'ya sa strap ng bag nya.

"Nagkita na naman pala tayo hehe." Ani ko at napangiti siya. "S'ya nga pala si Jungkook kaibigan ko." Pagpapakilala ko kay Jungkook.

"Hello po Jungkook oppa." Nginitian naman s'ya ni Jk.

"Uh may inaantay ka ba ngayon?" Nahihiyang tanong ko sakanya dahil halatang kanina pa siyang nag-aantay dito.

"Opo eh, si kuya ko po ang tagal dumating."

"Ah ganun ba?" Tumango naman s'ya at nagpout. Tinignan ko naman ang relo ko at malapit nang magsimula ang klase namin.

"Eh paano ba 'yan Nabi, magsisimula na kase yung klase namin ni Kookie hindi ka na namin masasamahan. Okay lang ba yun?" Tanong ko sakanya.

"Uh ayy opo kuya, okay lang po yun." She smiled sweetly and bow again.

"Sige Nabi, see you next time." Kumaway na ako at umalis na kami ni Jungkook.

"Bye oppa Jin, bye oppa Kookie." Habol nya pa.

Lakad-takbo kami ni Jungkook papunta sa room. Pero may gana pa s'yang daldalin ako kaya binagalan namin.

"Pre, bata pa yun ah! Ikaw ah child abuse." Pangangasar nya at binatukan ko s'ya.

"Pinagsasabi mo? Di ko naman yun liligawan. Mas prefer ko yung ka-edad ko lang kaya wag kang ano." Pumasok na kami sa room at nakahinga ako ng maluwag dahil wala pang teacher.

KIM GEONG MIN / NABI

Aish! Ang tagal lagi ni kuya Namjoon. Bakit ko pa kase kailangan s'yang antayin. Mas inuuna nya kaseng antayin ni oppa Yoongi.

Buti nalang talaga wala pa kong schedule ngayong umaga. Pero nabobored naman ako dito sa school kase wala pa naman akong friends. Sana talaga makita ko si Jin at Kookie oppa mamaya kase sila lang yung friends ko dito, siguro naman friends turing nila saakin hmp.

"Nabi, are you okay?" Dumating na sila kuya. Hays ang tagal kong nag-antay, susumbong ko siya kila appa at eomma.

"Do you think I'm okay? I've been waiting here for 30 minutes. Sumbong ko talaga kayo kay appa." I crossed my arms and scrunched my nose.

"Ba't ako nadamay diyan?" Yoongi oppa pointed his self.

"Malamang kayo magkasama tapos iiwan nyo ko dito?! Nag fast food chain pa kayo. Hmp!"

"Nabi wala namang ganyanan." He's holding a paperbag and give it to me. "Ayan fries para tumigil ka na." Nanliwanag naman ang mata ko at napangiti.

"Wow! Thanks oppa!"

__________________

YOU SHOULD WATCH DYNAMITE B-SIDE IT'S MORE BEAUTIFUL THAN THE MV CHAR. More Seokjin screen time in that video. :))

STAY HEALTHY AND GODBLESS

My own kind of RoMeo | NamjinWhere stories live. Discover now